[18]

220 12 1
                                    

Jefferson's POV

I feel empty... empty stomach. Nagugutom ako pero hindi ko kayang imulat ang mga mata ko. Sobrang nanghihina rin ang buong katawan ko. Siguro nga hindi ko pa kayang ngumuya 'neto.

Nagugutom ako.

Anong oras na ba? Bakit mukhang tumahimik ang paligid? At tsaka, parang may nagta-type sa cellphone. Sino kaya 'yun?

Hanggang sa nakarinig ako ng isa 'pang tunog. Parang plastic? Pinakinggan kong mabuti ang tunog para ma-confirm ko. At sa pangalawang pagkakataon, tama nga. Mukhang may kinukuha siya sa loob ng plastic.

Pagkain ba 'yan? If yes, share naman diyan 'oh. Sobrang nagugutom na ako. Feeling ko, tinunaw ang lahat ng laman ng tiyan ko.

Siraulo ka Jefferson! Paano ka makakakain kung hindi mo imumulat ang mata mo para gumising at humingi. Jusme.

Ano ba kasi 'tong nangyayari sakin?

Jusko. Pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko. Hindi na ako ulit mag-attemp ng suicide. Mas mabuti na lang na hindi ako tutulog at kakain ng ilang araw o 'di kaya sasaktan ko na lang ang sarili ko 'keysa dito. Atleast sa mga ganung paraan, buhay pa ako at 'di masyadong naghihirap. Gusto ko ng gumising.

Pero paano ba ako gigising kung sobrang nanghihina ang buong katawan ko? Tapos ang weird pa ng pakiramdam ko. Wala namang masama kung susbukan at pipilitin, 'diba?

Ita-try ko na sanang imulat ang mga mata ko ng muli akong nakarinig ng tunog. Papalapit sa aking direksiyon ang mga yapak niya. Mukhang papalapit ang taong 'to sa akin. Sigurado akong isa siya sa mga kaibigan ko.

Naramdaman kong may inilagay siyang kung ano na malapit sa akin. Sa tunog 'neto, masasabi kong isang plastic na may laman na kung ano. Naramdaman ko rin na umupo ang taong 'to malapit sakin. Hanggang sa may naaamoy akong donut malapit dito.

Sandali, donut nga! Amoy strawberry flavor.

Oh my, favorite ko 't!. Dapat na pipilitin at susubukan kong gumising para malantak ko na ang donut na 'yan. Baka sakaling lumakas ako. Oh 'diba?

Naramdaman kong parang may kamay na nagmamasahe sa buhok ko. Inaamin kong gustong-gusto ko ang ginagawa niya. Ang gaan ng pakiramdam ko kapag minamasahe ang buhok ko. Si papa lang ang gumagawa 'neto sa akin. Pero ngayon, dalawa na sila ng kung sino man 'to.

Paano ko nga nalaman na hindi si papa 'to? Simple. Ang init ng pakiramdam kapag si papa ang gumagawa 'neto sa akin. Pero itong ngayon, napaka-komportable at napakasarap sa pakiramdam. Basta ang weird but nagugustuhan ko. Hindi ko alam pero unti-unti akong lumakas.

Sinubukan kong igalaw ang mga daliri ko at mukhang naigalaw ko naman ito kahit konti. Mukhang nakita naman ng katabi ko ang ginawa ko rason na napatigil siya sa pagmasahe ng buhok ko.

Nagulat ko 'yata ang taong 'to.

Hinawakan niya ang kamay ko kaya sinubukan kong hawakan ang kamay niya ng mahigpit at nagtagumpay ako. Rinig na rinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso. Kinakabahan ba siya?

"What's happening?" rinig ko na may nagtanong. Kaagad ko namang narecognize ang nagsalita. The one and only Kreo Sy.

Narinig ko na may papalapit na mga yapak. Napabuntong hininga ang isa sa kanila. "Tatawag lang ako ng doctor. That doctor is in the 3rd floor this time na natutulog I think." rinig kong sabi ni Kreo at narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Masasabi kong mabilis siyang umalis ng lugar.

So meaning ba 'neto, nasa hospital ako ngayon?

Napansin kong masyadong mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ng taong 'to. Hindi ko talaga alam kung sino 'to, wala akong idea. Pero kasi, ang weird ng nararamdaman kong 'to. Gusto ko na ganito ang nararamdaman ko araw-araw. This person makes me feel so safe, comfortable and at the same time, weird.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon