[50]

103 6 0
                                    

Matthew's POV

Nagulat ako ng muling may sumabog. Siguro hindi 'yan nanggaling sa amin. Isa lang ang hinanda naming bomba. Ipinasabog na 'yun ni James kanina.

Nakakainis ng mga dagang 'to, napakarami nila! Punyeta, sarap pasabugin ng mga ulo nila— nakakainis!

Dagdag pa 'tong apat kong mga kasama. Naglalandian habang nasa kalagitnaan ng laban. Si Kreo at Justin, naghahalikan pagkatapos nilang mapatumba ang mga daga. 'Sina Vall at Ashi naman, nagliligawan. Eww— nakakadiri, nakakalaswa! Naiistress ang gwapo kong mukha— MY GOSH!

Oh, 'edi ako na ang walang nilalandi. Sinayang lang ng mga girls ang kagwapuhang kong 'to, psh.

"Kung wala na kayo masyadong kalaban, puntahan niyo ang room 39-1715 sa 2nd floor. You need to help kuya Jefferson."

Nagulat ako ng marinig si Eli sa communication device na nakakabit sa damit ko. "Ano ba, Eli! Nanggugulat ka na lang parati— ikaw talagang bata ka!"

"Sorry naman kuya Matthew."

"Pero kailangan ni kuya Jefferson ang tulong niyo. Ituturo ko sa inyo ang daan kung saan sila mahahanap."

"Nandoon na rin 'sina kuya Nall, kuya David at ate Chynna. Kinakalaban nilang lahat 'sina Jenny, Jason, Vineso at Lia."

Sinipa ko ang papalapit sa aking kalaban bago tumutok muli sa sinasabi ni Eli. Nasan si Steven? "Si Steven, nasaan?"

"Sa ngayon, binubugbog siya ng demonyong magkapatid."

"Tinawagan ko na kanina pa 'sina ate Keshia, kuya James at kuya Hugi pero nahihirapan silang maka-alis."

"Masyadong maraming sumusugod sa kanila— kuya Matthew, sa likod mo!"

At— punyeta! Muntikan na akong masaksak ng daga pero sa eksaktong pagharap ko sa kanya, natumba ang daga. Heh, buti nga sayo, bwiset ka! Talagang may lakas ng loob 'kang patayin ang gwapong lalaking 'to, 'ah?

Napatingin ako sa kung sino ang may gawa 'nun— nanlaki ang mga mata ko ng makita siya. Nginitian niya ako. "Wala ka man lang ba sasabihin sa akin? Wala ka man lang ba sasabihin sa kung gaano kagaling naming gumawa nila Elly at Souren ng pampasabog?" hindi ko mapigilang tumakbo papunta sa kanya. "Amethyst!" at nagyakapan kaming dalawa ng mahigpit.

Punyeta, nandito nga ang bruhang 'to— WAHH!

Bwiset silang tatlo. Akala ko nasa Japan ang bruhitang 'to? Tapos punyeta— bakit nandito rin 'sina Elly at Souren? Akala ko... aish, ang importante, kompleto na kaming lahat— yay!

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at napadpad ang mga tingin niya 'kina Kreo at Justin. 'Eto na, ready na self! May panibagong kalaswaan ka na namang makikita. "Miah namin!" at pareho silang tatlong tumakbo papunta sa isa't-isa at nagyakapan silang tatlo ng mahigpit.

Threesomes— eww. Sanaor poly relationship. Pustahan, 'pag iisang kwarto lang ang tutulugan ng tatlong 'yan, pagdating ng umaga, hindi na makakalakad si Miah.

Napangiti ako ng makita ang iba pa naming mga kasamahan na nakapaligid sa amin. Pumagitna 'sina Miss Pres at Axel sa aming lahat. Ngumisi silang dalawa. "Let's beat the two evil Han's." itinaas ni Axel ang kanyang baril at ganun na 'din ang ginawa namin lahat sa mga hawak-hawak naming sandata.

Humanda ka sakin bruhitang Jenny Han. Sasampalin kita ng 720 degrees gaya ng pananampal mo sa akin. At ikaw rin Jason Han— bubunutin ko lahat ng buhok mo sa harapan mo dahil sa panggagahasa mo sa giant bunny namin.

___…↭…___

Jefferson's POV

Hindi ko maramdaman ang sakit ng paghampas ni kuya ng matigas na tubo sakin. Wala na akong pake kung dumudugo na ang ulo ko dahil 'dun.

Help Me, I'm Dying | BL [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon