Althea POV.
" Althea nakita mo ba si dane? " si Michaella kaibigan ko.
" Bat sakin ka nag tatanong? Pake koba sa kanya.. " sabi ko dito.
" Dahil kayo lang na iwan dito malamang ikaw tatanongin ko." saka nya ako inirapan at umupo sa tabi ko.
Tapos na ang first sub. Namin this afternoon at wala pa ang sunod na lecturer namin.
Ang totoo naman nyan alam ko kung nasan ang babaeng yun.. At ako din ang dahilan kung bakit di nya ma buksa yung pinto. Sinundan ko kasi sya kanina hanggang CR at dahil salbahe ako nilagyan ko ng bangko yung pinto para di nya ma buksan.
" Hoy! Kanina pa kita tinatanong! " bwiset nato.. Batukan ba naman ako? Pasalamat sya at kaibigan ko sya.
" Kelangan mambatok?! " akmang babatukan ko rin siya pero naka ilag ang baliw.
" Sorry na hehe... Tinatanong ko kung wala kaba talagang alam kung nasaan sya?? " pangungulit nito.
Pag dating sa kanya kailangan ko talaga mag ingat kapag mag sisinungaling ako.
Masyado nya na akong kilala kailangan nya na ipatumba... Di jowk lang.
" Wala nga sabi bat ba ang kulit mo? Teka nga.. May gusto kaba dun? Alam mo bes.. Wala naman masama kung sasabihin mo saking baliko ka. " sabi ko at natigilan naman sya. " Wag mong sabihin na tama ako? "
" What?! Of course not... Look... Worried lang ako okay?? " sabi nya at bumalik sa upuan nya. Hmmmmm....
Dumating na ang lecturer namin. Hanggang sa dumaan nadin ang afternoon break nag tanong nadin sakin sila Cassandra kung nakita ko si dane.
" Uhmm... Althea nakita mo ba si dane? Kayo lang kasi naiwan kanina dito. " tanong nito.
" Ilang beses ko ba dapat sabihin na WALA. AKONG. ALAM? " iritang sabi ko dito. Nag sorry lang ito saka umalis kasama ang isang transfery din.
Si Michaella naman sumama din sa kanila para mag hanap. Sigurado naman ako na hindi makakalabas si dane dun.. Wala kasi masyado dumadaan dun o sabihin nalang natin na wala talaga. Usap-usapan kasi na may kakaiba daw dun. Parang mga ewan.
Uwian na pero di parin nila nakita si dane. Sakto naman dumating na ang sundo ko kaya na una na akong umuwi. Marami na akong na kaaway. Wala din sila nagawa dahil anak ako mismo ng may ari ng school at ni isa walang may nakakaalam Tanging si Michaella lang at takot din silang saktan ako. Dahil nanliligaw sakin si jake. Ewan ko ba ilang beses kona binusted yun pero.. Hayystt...
Dane POV.
Kanina pa ako dito sa loob ng cr. Kanina pa din ako sumisigaw pero mukhang wala talaga may nakarinig. Sinubukan ko din tumawag pero nakalimutan bumili ng bagong SIM.
Kung minamalas ka nga naman.....
" Anybody?!! please naman oh.. " sumasakit na ang lalamunan ko kakasigaw.
Mag didilim nadin kaya panigurado wala ng studyante. Tinignan ko ang wala'ng kwenta kong selpon kung ano oras na.
" 5:58pm... Mukhang diro pa ako matutulog ah.. Haysstt gutom nako.. " sabi ko at naupo sa lababo.
Althea POV.
Naka dapa ako ngayon saking kama habang nag l-laptop ng may kumatok sa kwarto ko.
" Iha pwede bang pumasok?.. " si nanay linda.. Di nako sumagot dahil papasok parin sya kahit sabihin kong hindi.
Wala akong nagawa kundi umupo at humarap sa kanya ng makapasok ito.