CHAPTER 22

198 9 2
                                    

" Gusto mo ba dito? Pwede rin naman sa mall nalang tayo kung ayaw mo.. " sabi ko kay dane. Naka tutula lang kasi baka ayaw niya nga talaga dito. Baka hindi pa naka punta sa mga ganito.

" Hindi.. Gustong gusto ko nga dito first time ko lang pumunta sa mga ganito. actually lahat yun gusto kong tikman." sabi nito at titig na titig sa isawan.

Nasa isang plaza kami ngayon at may mga vendors din.. marami-rami din ang tao. Malamang plaza nga diba? Natural lang na maraming tao dito..

***
' if there's a chance to visit the Philippines I'd like to try street foods. Mom said its really taste good that's why im curious what it taste like. ' naka ngiting sabi nito habang kumakain kami ng ice cream sa playground.

' my mom says sa pilipinas na kami titira.. Next year pa naman.. But.. Kung bibisita ka dun contact me ha? And then we will buy a lot of street foods there. My treat! '

' promise?! '

' i promise.. '

***

" Hoy.. Ayus ka lang? " bakas ang pag aalala sa mukha nito. Kaya napa ayos ako ng tayo at ngumiti sa kanya.

" Oo naman.. "

" O..kay.. Tara dun tayo! Ubusin natin yung paninda nila. " masayang sabi nito habang naka turo sa mga vendors.

Napatawa nalang ako ng mahina sa ka cute-tan nito " Parang hindi naman yan sasakit ang tiyan mo? Yung kaya mo lang ang bibilhin natin at baka sa hospital nanaman ang labas mo. "

" I don't care.. Minsan lang naman ako kakain kaya susulitin ko na. " sabi nito na parang akala mo walang pakealam sa kalusugan. Pansin ko nga medyo tumaba ito ng konti.. Napa iling nalang ako at tumigil sa isang isawan.

" Ano gusto mo? " tanong ko dito habang kumukuha ng isaw, dugo, BBQ saka yun binigay sa nag iihaw. " Manong dalawang order din ng kwek kwek salamat."

Hindi naman siguro ako mapapa galitan nila mommy kung kakain ako nito ng marami diba? Wala naman sila dito hehe..

Nilingon ko naman si dane na hanggang ngayon hindi parin pumipili ng kakainin. " Sure kabang gusto mo dito? " tanong ko ulit dito. Baka dati niya lang gusto na ma try ang street food...

" S-safe ba yan kainin?? It looks... Dis.. " kunyari naman akong natawa at tumingin sa nag titinda at sa mga bumibili na ngayon na masamang naka tingin kay dane.

('∀`)〣

" Ah.. Haha.. H-hindi naman nila siguro ibebenta yan kung hindi diba? Ako nalang pipili para sayo masarap yan hehe.. " sabi ko at nag pa ihaw halos lahat ng binebenta nila mga tig tatlo na piraso lang naman tapos isang inasal lang. Para naman hindi na naka simangot ang mukha nila manong nagtitinda..

-_-||

Nang maluto binayaran ko na ito at bumili nadin ng lemonade na binebenta nila. si dane ang may hawak ng pagkain namin Habang tulak tulak siya na isipan kong tumigil sa playground may lamesa at upuan naman dun at marami din bata na nag lalaro.

Pinuwesto ko muna siya ng mabuti saka nilagay ang pagkain na binili namin sa lamesa at naupo. " K-kaya mong ubusin yan? " tanong nito.

" Tayong dalawa ang uubos nito. Wag mong sabihin uurong ka? Akala ko ba gusto mo tikman at ubusin mga paninda nila? " natatawang sabi ko at kumuha ng isaw. " Ito try mo. " sabi ko at iniharap yun sakanya.

Tinignan lang nito ang hawak kong isaw na animoy diring diri pa. -.-
Hindi ko nalang siya pinilit at ako nalang kumain nun. Sunod ko naman kinuha ang dugo. At kinain yun.

THAT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon