CHAPTER 28

171 7 4
                                    

“Dad!!! Daddy... Please... D-dont die dad  p-please... “ naiiyak kong sigaw kay daddy.
Nasa hospital kami ngayon sa emergency room.

Parang ang bilis ng pangyayari hindi ko alam kung paano lahat nangyari. Ang tanging alam ko lang may armadong lalake na bumaril kay daddy at pati ako babarilin din sana pero may mga dumating na mga police kaya tumakbo na ito palayo.

Ang saya saya namin kanina sa amusement park pero hindi ko inaasahan na mangyayari ito.

Mulat pa ang mata ni daddy pero bakas sa mukha nito na nanghihina na dahil maraming nawala na dugo sakanya. Kita ng dalawang mata ko mismo ang pag baril sakin ama. Tatlong beses siya binaril dalawa sa dibdib at isa sa tagiliran.

Hindi ko siya mahawak hawakan dahil puno na ng dugo ang damit niya at ang kinaiinis ko ay hindi kami pinapansin ng mga nurse at mga doctor.

“ Doctor.. P-please save my dad... “ naiiyak kong sabi.

Pero sabi lang nito babalikan niya lang daw kami dinig kong napaubo si daddy kaya agad ko itong nilapitan. Agad kong kinuha ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan si lala at sinabi kung ano ang nangyari.

May nakita naman akong kakapasok lang na babaeng doctor agad naman ako nito nakita at Dali daling tumakbo palapit sakin at napatingin din kay daddy.

“Dane? O my.. What happened??? Nurse! “ sabi ng babaeng doctor. Hindi ko alam kung paano niya ako nakilala ang sa isip ko lang ay si daddy.

“ Dane.... “

~~~

“ Hoy Dane! “ nabalik lang ako sa huwisyo ng sabay sabay silang sumigaw sa tenga ko.

Break namin ngayon at nandito kami kung saan kami dati tumambay ni demonyita. Or secret place daw ni demonyita kung tawagin pero nalaman na rin naman nila cassandra kaya hindi na yun secret place.

-_-#

“ Dane? Okay ka lang?? “ si andy. agad naman akong tumango. At tumingin nalang sa mga puno.

Akala ko tapos na ako sa mga panaginip na yun... Taenang bangungot to.

“ Hayy Salamat buti nandito ka na bes! Akin na yung pagkain ko! “ dinig kong sabi ni mic. Napatingin naman ako kay althea na naka busangot ang mukha.

“ Wag kang atat.. Oh! “

“ Ay? anong nangyare din sayo?? “ natatawang sabi ni mic. Tinignan ko naman ng maigi si althea pero umiwas ito ng tingin.

(;¬_¬)

“ Bat ka may lipstick sa pisnge?? “ naka taas ang kilay kong tanong sakanya. Parang bata naman itong yumuko at lumapit sakin.

“ By.. May.. I-ice cream pala akong binili. “ sabi nito at nilapag sakin ang solo pack na cookies and cream.

“ Ay sana all! Akin nalang yan! “ si mic

“ Subukan mong kunin babasagin ko yang mukha mo. “

“ Babasagin ko din yang mukha mo pag hindi mo sinabi sakin kung bakit ka may lipstick sa pisnge. “ walang ganang sabi ko at binuksan ang ice cream na binili niya.

“ Ah.. W-wala yan dane.. Ito pala y-yung oreo na pinabili mo.. “ nauutal na sabi nito.

Sinungaling.. “

“ Ano kasi... Ano.. A-ang.. S-si... Ano.. Yung.. Si ano.. Sa... Ano.. “ sabi nito habang kamot kamot ang batok niya.

ಠ_ಠ

THAT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon