" Althea iha kamusta naman kayo?" lola ni dane.
Its Saturday morning.. Maaga palang nandito na ang lola ni dane. Nahuli pa nga kaming mag katabi eh.
-_-#
" Po? Ayus naman po kami.. Kayo po?" sabi ko.
" Ang ibig kong sabihin ano na ang relasyon mo sa apo ko? Kanina ko pa napapansin na mainit ang ulo nun.." sabi nito.
Napatingin naman ako kay dane na nakasimangot nanaman habang naka tingin sa TV as usual cartoons nanaman ang pinapanood..
Bakit nga ba mainit ang ulo nito? Pwera sa may dalaw ito... Hindi naman sa assuming pero simula nung dumating ang hayop na babaeng yun parati ng mainit ang ulo ni dane sakin. Kagabi nga ayaw niya akong katabi pero dahil sa matigas ako wala rin siya nagawa.
Ang babae kasi na yun simula nung Tuesday hanggang kahapon hindi ako tinantanan. Kahit nasa harap ko mismo si dane parang linta kung makakapit sakin. Na sampal nga nung isang araw ni andy eh..
" Ah... A-actually po.. Hindi ko pa nasasabi sa inyo na nililigawan ko po yung apo niyo.." nahihiyang sambit ko at napakamot nalang sa batok.
Ngumiti naman sakin ang lola ni dane at tanapik ako sa balikat. " Buti naman.. Alam kong hindi mo kayang saktan ang apo ko kaya may tiwala ako sayo. Sa tingin ko nga may gusto na yan sayo pakipot lang.." medyo may kalakasan ang pagkasabi nito kaya naman napalingon din samin si dane.
" Pinag c-chismisan niyo ba ako la??? Wag po kayong maniwala sa babae na yan.. Nanliligaw pa nga lang may babae na eh. "sabi nito sabay irap sakin.
Tinaasan naman ako ng kilay ng lola ni dane. *lunok*
" H-hindi ko naman yun babae ah.. Siya ang parating lumalapit sakin.. Ni hindi ko nga yun kilala diba? Sa plaza palang sinabi mo na sakin na trip ako ng babae nayun. Kita mo naman siguro ang pagtaboy ko sa babae na yun diba? Pero ano ang nangyari? Mas lalo pa nga siyang lumalapit sakin.. " sabi ko kay dane pero hindi ako nito nilingon. T_T
" Tsh.. Wala kang pinag kaiba sa iba.. Pare-pareho lang kayong lahat. " sabi nito at pumasok sa kwarto niya.
Anong walang pinag kaiba? Meron kaya.. Mas dyosa lang ako mwehehe...
" Pakipot nga siya..." natatawang sabi ng lola nito at humarap sakin. " Hanggat maaari layuan mo yung babaeng tinukoy niya.. Alam mo naman.... Naloko na yan dati.."
" Sa tingin niyo po la? Mahal niya paba yung ex niya?"
" Sa tingin ko? Tingin ko nga hindi niya naman lubos na minahal yung lalake na yun.. Una palang sinabi ko na kay dane na hindi ako boto sa lalaking yun. Alam mo kung bakit? Marami na akong narinig tungkol kay mike na maraming babae. Pero si dane yung ni legal niya sa mga magulang niya. " sabi nito at tumayo at naglakad papunta sa kwarto ni dane saka pumasok.
Si dane lang yung ni legal niya sa magulang niya? Hindi kaya seryoso naman ang lalaki na yun kay dane pero... Manloloko lang talaga? Tsh! Buti nga yun... At least hindi niya na pag mamayari si dane.
-_-#
Inayos ko nalang ang gamit ko para mamaya aalis nalang kami. Mga ilang oras din ay lumabas na sila ng kwarto at napag desisyonan ng umalis at dumiretso sa hospital. Habang nasa biyahe kami hindi talaga ako kinausap ni dane at tahimik lang itong naka tingin sa bintana. Anyway... Nasa frontseat pala yung lala niya at magkatabi kami pero feeling ko napakalayo ko sakanya...
(*>_<*)
Bakit kasi ayaw mo akong kausapin.... Nanghihina tuloy ako.
" Dane..."