Hiiii!!! Sorry napatagal ang pag update author niyo na addict sa cod heheh... *peace*
__________________
" Labidabs! Na miss kita ah.." tawag sakin ni jake at nakipag apir sakin.
Papasok palang kami ng gate sa bahay nila nandun na siya at talagang inabangan niya kami. Madidinig mo rin dito mula sa labas ang malakas na mga music galing sa loob mukhang nag s-start na yung party niya.
" Happy birthday." sabi ko dito at binigay sakanya ang regalo.
" Bumili pa kayo ng regalo eh ayos na sakin na nadito kayo haha.. Pero salamat na appreciate ko." sabi nito sakin at napa tingin kay dane.
" Hi dork! Mukhang ayos na paa mo ah.. Dagdagan ko? " asar nito kay dane pero umismid lang si dane at binato sakanya ang isang paper bag.
" Tumahimik ka nga diyan kingkong.. Tsh.. Happy birthday. " nakasimangot na sabi nito.
" Happy birthday.... Eh wala ngang ka happy happy diyan sa mukha mo! Smile ka naman diyan ayaw pa naman ni labidabs na may parating naka simangot tsk.. Sige ka tatanda ka niyan."
Pakealam niya ba kung naka simangot si dane?! Ako ang mag papangiti diyan tsh... Mukhang may pagseselosan nanaman ako ah.. pero kalma lang self... Basta ang alam ko may gusto sakin si dane..
-_-||
" Tsh.. " singhal ni dane dito at pilit na ngumiti. " O ayan ayus na?? Pasalamat ka at birthday mo tsk! Wala ka ba plano na papasukin kami?? "
" Excited?? Smile ka muna bawal ang naka simangot sa loob.. Ayan... Uy~ ngumingiti siya~ ganyan ba ang epekto ng pagmamahal ng labidabs ko? Hayy buhay nga naman.. Pumasok na nga kayo sa loob! "
" Inggit ka lang eh.. " balik asar ni dane dito.
" Inggit mo mukha mo! Gusto ko lang ipaalam sa inyo na naka move on na po ako. Teka nga! Mukhang hindi ako updated eh.. Kayo na ba? Ha? "
" Hindi pa. " sagot ko kay jake napa tingin naman sakin si dane.
" Eh feelings? " tanong nito kay dane.
" Alam mo? Gutom na ako pwede makikain muna? Na hahagard ang beauty ko sayo.. Nga pala si andy pala girlfriend ni mariz tapos pinsan ko din.. At mamaya na kayo mag pakilala sa isa't isa please lang.. "
Nag hi naman ang pinsan ni dane dito at binigay din ang regalo niya ganun din si mariz at sila bes at cassandra.
" Sige na nga.. May nireserve na akong table para sa inyo dun malapit sa harap sa gilid may apelyedo naman ni labidabs dun. Sa loob muna ako may aasikasuhin pa ako eh.. At wag kayo mahiya ah?! Mag pakabusog kayo. " sabi nito at nauna ng umalis.
Pumasok na kami at pumunta sa backyard nila marami-rami din ang mga tao halos mga lalaking kaibigan ni jake na nag s-swimming pero mas marami kaming mga babae yung iba mga kaklase niya tapos nakita ko din ang mga pinsan nito na close ko din. Nag hi hello lang ako sakanila at naupo sa pwesto namin. Tumingin naman ako kay dane pero inikutan niya lang ako ng mata. Maka taray kala mo naman bagay sakanya.... Bagay nga hehe..
" Hindi mo talaga ako kakausapin?? " tanong ko dito ng maka upo ito sakin tabi. Wala narin naman na siya mauupuan.
" Hindi hanggat hindi mo na d-delete yung picture ko."
" Ano ba meron sa picture mo eh naka panty ka lang naman nun atsaka bata kapa nun duh? Ang cute mo kaya dito.. " sabi ko sakanya at pinakita ang litrato niya. Kinurot naman ako nito sa tagiliran kaya napatayo ako.