Nandito lang ako sa pwesto ng mga kaklase ko at tahimik na naka upo at sila na ang susunod na mag p-perform. Na una yung section E at ngayon section C na ang nag p-perform kung saan kabilang si unggoy.
Magaling din naman siya tumambling... Puro tambling nga lang ginawa nito..
Kinakabahan nga ako dahil lahat sila puro mga magagaling.
Pero may tiwala ako sa mga kaklase ko. Tinignan ko ang mga kaklase ko na puro kulitan lang ang alam ni hindi nga mababakas sa mukha nila na kinakabahan sila.
" Okay! thank you section C for your wonderful performance. Now Let's welcome SECTION B! " sabi ng emcee. Marami naman ang nagsi palakpakan. Karamihan sinisigaw ang pangalan ni demonyita. Sikat eh.
" Guys! Good luck! Tandaan niyo manalo matalo ayus lang yan! Ang importante buo tayo! " cheer ko sa kanila.
" Oo na.. Parang mas kinakabahan kapa nga samin eh.. " si demonyita
>_<
" You want suntok?? " inis na sabi ko dito. Sila na nga chinicheer eh!
" Yun kung makatayo ka.. Pfft! " sabi niya saka tumakbo na papunta sa mga kaklase namin na naka formation na. Peste ka.....
Humarap pa ito sakin saka ako binelatan.-_-#
Nag simula na silang mag perform si demonyita ang pumalit sa pwesto ko kaya nasa gitna ito. Dati akong myembro sa isang grupo ng sayaw dati. Pero tinigil kona.. Sikat din ang grupo ko dati.
10 mins lang dapat ang sayaw kaya naging madali din samin yun matapos. Sa nakikita ko ngayon lahat sila sabay sabay.
Napatingin ako kay demonyita masasabi kong ang lambot ng katawan niya. I mean.... Ang hot ng dating niya ngayon? Sexy? Ewan... Pero alam nyo yun? Parang nang aakit siya sa mga galaw nito.. Oh baka ako lang?
Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanya. Parang feeling ko natutunaw nako.. Pero pesteng mata to! Bumabalik ang tingin sakanya! Nakatingin din siya sakin habang sumasayaw ito. Hindi ko nalang iniwas ang tingin dito at pinag aralan ang mukha niya.
Those eyes... Sana lahat maganda yung mata eh no? Yung mga mata niya na ang lakas ng dating.. Bumaba ang tingin ko sa medyong matangos na ilong nito.. Tinignan ko ang mala dyosang mukha nito pero yung ugali hindi pang dyosa.. Hangang sa napadpad ang mga mata ko sa mapulang labi nito. Naramdaman ko nanaman uli ang lakas ng tibok ng puso ko.
Mukhang kailangan kona mag pa check up baka may sakit nako..
Agad naman itong ngumisi kaya agad din ako napaiwas ng tingin. Pero hinihigop niya ang mata ko kaya napa tingin ako uli dito. Kita ko ang mga butil ng pawis nito mula sa noo hangang sa mapunta sa dibdib nito..
* lunok *
Napahawak ako sa dibdib ko but then i realize wala pala akong dibdib.
* sabay tampal sa noo *
〒_〒
Yumuko nalang ako di nako sisigaw ang dami narin naman nag chicheer sa kanila.
May tumapik naman sa balikat ko kaya napatingin ako dito.
" Oh mariz? Tapos kana sa poetry mo? Kamusta?" tanong ko dito tumabi ito sakin at pinatong ang ulo sa balikat ko. " Oy.. Ayus kalang?"
" Hayystt... Sa tingin mo mananalo kaya ako? Kanina sobrang kinakabahan ako " sabi nito.
" Ano kaba?! Ikaw pa? Kahit hindi ka manalo at least nag try ka." sabi ko dito at nag angat ng tingin sakin at ngumiti.
Hindi ko ito napuntahan dahil sabay din nag umpisa yung sayaw at yung sakanya. Sakanya nga dapat ako sasama pero si demonyita ayaw akong payagan dapat daw sa kanila ako dahil sa kanya daw ako pinag katiwala ni lala. Parang ewan eh nasa loob lang naman ako ng school -_-+
