" Sabing ayoko sumama! Bat ba ang kulit mo?! " sigaw nito sakin. kita na sa mukha nito ang pagka inis sakin.
Kanina ko pa kasi ito pinipilit na sumama. Tsk! Ayoko lang naman siya ma iwan dito ng mag isa dahil nga injured pa ito. Napaka tigas talaga ng ulo..
' Ikaw din naman ah.. ' sabat ng utak ko. Peste bat ba palagi sumasagot to?!
" Mag bihis ka na sabi! Kung hindi ka sasama hindi ako aalis bahala ka diyan! " sabi ko dito at naupo sa kama niya.
" Edi wag kang umalis! Pakealam ko sayo?! " sigaw nito at halos maging kamatis na ang mukha niya dahil sa inis.
Ahh ganun? Edi wag! Bahala siya diyan! Inis akong tumayo at padabog na sinarado ang pinto ng kwarto niya. Nag bihis lang ako ng jeans at maluwag kong puting T-shirt at puting sapatos.
Nag iwan lang ako ng note at idinikit iyon sa ref at lumabas na. Hindi naman ako pupunta sa school dahil hindi naman siya sasama aayain ko nalang si mic gumala.
Nag text lang ako sa kanya kung saan kami magkikita. Umoo naman siya agad. Tinignan ko ang wristwatch ko kung anong oras na at Maaga pa naman masyado kaya pumunta muna ako sa malapit na coffee shop. Hindi pa kasi ako kumain. Panigurado matagal pa ang bruhang yun.
Pagpasok ko agad akong pumunta sa counter para mag order.
" One espresso and chicken omelette thank you " sabi ko at agad na binayaran iyon at umupo sa isang table.
Ringing....
" Bes.. Nasan ka? Nandito nako. " sabi niya sa kabilang linya. Tumingin naman ako sa labas at nandun na nga siya.
" Himala at napa aga ka."
" Duh! Syempre kailangan mo pa ikwento sakin kung anong nangyari kahapon!" sigaw nito. Kita ko pa mula dito ang pag ikot ng mata nito. Tsh... Chismosa parin..
-_-
" K.. Nandito lang ako sa coffee shop kanina pa nakatingin sayo. " sabi ko saka siya binabaan.
Agad naman siya humarap sa gawi ko at tumakbo. Natipalok pa ang bruha pfft! Ang dami pa nakakita.. Naglakad nalang ito papasok sa coffee shop pag pasok nito umupo siya ka agad sa harap ko.
" Iba talaga tong best friend ko famous na... Ayeeii best actress ang loka! HAHAHA! "
-_-||
Wala naba may mas ilalakas sa bunganga nito??
May mga napapatingin sa gawi namin dahil sa lakas ba naman ng tawa ng kasama ko.
" Wala akong kilalang maingay ang bunganga.. " sabi ko dito kaya naman natigilan ito at tinignan ako ng masama.
" Peste ka! You know its really hurts?! You hurt my ano.. My.. Basta ganun! " inis na sabi nito at umarte na umiiyak.
English english pa kasi pwede naman mag tagalog..
" Bes.. Nasa coffee shop tayo hindi sa palengke.. Pwede pakihinaan ng boses mo?? " sabi ko dito habang masamang naka tingin sa kanya.
Tumingin tingin naman ito sa paligid at humingi ng pasensya sa mga naka tingin sa amin. Agad naman dumating yung inorder ko at ang bruha pa ang unang kumain ng pagkain ko. Hayy kailan paba ako masasanay dito?
" So ano na? Kwento ka naman diyan.. At bakit ganyan yung mukha mo? Wag mong sabihin.... " nanliliit ang mga mata nito tanong sakin.
" Wag sabihing ano? Pwede ba?? Kahit limang minuto lang tumahimik ka muna? " walang ganang sabi ko at kinuha sa kanya yung pagkain ko.