CHAPTER 6

265 8 0
                                    

" 1! 2! 3! 4! Tananan And 5 and 6 and 7,8!  ok!! From the top!! " sigaw nito at pumalakpak. Shet!! Pagod nako huhu.... Naka sampung ulit na kami pero mukhang hindi pa siya satisfied..

Lahat sila ay sumunod na dito halata sa mukha ng mga kaklase kong pagod na ako naman ay na upo sa sahig. Oo naka sampung ulit palang kami pero yung mga steps nya. Shet lang!!! Pang world of dance!! Parang susuko nako.

" Oh ano Gonzalez?! Kaya paba?? If not pwede kanang umuwi at wag na mag practice. Papatanggal ko nalang pangalan mo sa listahan.. " sigaw nito sakin habang naka cross arm. Boss ka???

" Hindi mo ba nakikitang pagod na kami?? Ano ba kala mo? Madali lang yung tinuro mong steps?? " hingal na sabi ko dito na sumang ayon naman sila. Gusto ata kaming patayin eh.

" Oo nga dane.. Break muna tayo kahit mga 5 minutes lang" sabat ng isa kong kaklase. Napa buntong hininga nalang siya.

" Ok 10 minutes rest.. " sabi nito dahilan para mag hiyawan silang lahat.

Sobrang hinihingal na ako at di ko na magalaw mga binti ko... Hindi ako sanay sa ganito.. Puro sa paa kasi yung steps namin.

May bumuhos ng tubig mula sa ulo ko pero hindi ko iyon pinansin. Ipipikit ko pa sana yung mata ko ng sawayin ako nito.

" Wag kang pumikit at baka mas lalo kang mahilo. " sabi nito at inabot sakin ang kamay nya.

" Ano naman gagawin ko diyan?? Baka mamaya may germs payan psh... "

" Alam mo?? Kahit kailan napaka maarte mo.. Bilisan mo " sabi nito at inabot ulit sakin ang kamay nito pero hindi ko ito tinanggap at pilit akong tumayo.
" Daming arte... " bulong niya pa.

" Pakealam mo ba? Masama bang hindi tanggapin yang kamay mo Martinez?? " mataray na sabi ko dito.

" Hindi naman Gonzalez.. sumunod ka sakin. " pautos na sabi nito.

" At bakit naman ako susunod sayo? Baka may gagawin ka pang kalokohan sakin.. Ayoko nga. "

" Wow! At sayo ko pa talaga narinig yan? Eh ikaw nga tong gumawa ng kalokohan sakin eh.. " mataray din ani nito. " Basta bilisan mo. " sabi nito at tumalikod kaya sumunod nalang din ako.

Kinuha nito ang bag niya at mukhang may hinahanap kung ano man yang hinahanap niya. " Ano ba kasi hinahanap mo diyan? " tanong ko dito. May binato naman siya sakin.

" Lagay mo sa binti mo at ito inhaler kung sakali mahilo ka. " kunot noo niyang sabi.

Pansin kong pinapawisan na ito sa suot niya tsk! Hindi ba siya naiinitan?

" Wala ka naman sa America bat kapa nag jajacket? Hindi kaba naiinitan? " kasi naman mukhang naligo na ito sa pawis.

" Concern ka? " ngising tanong nito.

Eh?????????

" A-ano? Masama bang magtanong?! "

" Hindi naman.. Pero kung... concerned ka talaga sakin.... Sige huhubarin ko nalang hoodie ko. " sabi nito sabay kindat. Ano ba nangyayari sa mga tao ngayon??

At hinubad niya nga ang hoodie nya at tumambad sakin ang mga pasa nito sa braso. " A- anong ng yari diyan? " takang tanong ko dito.

" Wala naman.. Nabunggo lang kung saan saan.. Tatanga tanga ako eh.. " sabi nito at tumawa.
Baliw ang bwesit....

Lumapit ako dito at umupo saka kinuha ang isa nyang paa na muntik pa siya ma out of balance at tinaas ang jogging pants nito at dun bumungad sakin ang mga pasa nya.. Kaya siguro iika ika itong mag lakad..

THAT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon