Althea POV.
" Oy bes tara na.. Gutom nako... " si mic
Morning break kaya papunta kami sa cafeteria. Habang naglalakad kami bigla naman sumulpot si jake.
" Ayy! Unggoy.. Pwede ba sa sunod wag kang sulpot ng sulpot??!" sigaw ni mic pero di sya pinansin nito at humarap sakin.
" Good morning my love. " bati nito at may pataas baba pang kilay.
" My love?! Sinagot mo na bato bes?? " mukhang nandidiri na tanong ni Michaella. Makalait amp...
Di naman panget si jake di rin naman gwapo kumbaga tama lang. But his not my type.. Yung gusto ko kasi yung malinis sa katawan at yung feeling na bigla nalang titibok ang puso mo sa isang tao. Malinis naman siya pero makikita mo talaga sa itsura nya na gangster ito. May hikaw sa tenga at kilay..tapos... Tapos... Basta lahat ng makikita mo sa gangster nasa kanya.
" Hindi niya pa ako sinasagot.... Pero darating naman kami diyan diba my loves?? " sabi nito at kumindat pa.
" H-huh? Ano... Ka--" di ko natapos ang sasabihin ko ng sumabat si mic.
" Anong darating kayo diyan?? Asa uyy.... Ilang beses kana nga binusted diba? Diba??? " nang aasar na sabi nito.
Akmang susuntukin ni jake si mic pero pumagitna na ako.
" Pwede ba tigilan niyo na yan? Halikana bes.. " sabi ko at na una ng mag lakad.
One more thing na ayaw ko sa kanya is yung pati babae pinapatulan nya..
" Nako bes ipangako mo sakin na wag na wag mong sasagutin yun. Kita mo yung ginawa niya kanina?? Muntik niya na ako suntukin! Nakoooo pano pag naging kayo nun? My ghad! " sabi nito at umiling iling habang hawak ang noo.
" Ikaw naman kasi bat kapa kasi sumagot sagot? Yan tuloy muntik kapa ma suntok hahaha!! Napaka daldal mo kasi! " natatawang sagot ko dito.
" Duh!! Pero bes... Naisip ko lang baka meant to be talaga kayo ka--" pinutol ko ang sasabihin nya.
What the heck?! Anong meant to be? Ghad!!
" Nasisiraan ka na ba?! Anong meant to be sinasabi mo dyan?! " di makapaniwalang tanong ko dito.
" Kasi.. Look... Si jake gangster..."
" Oh tapos? "
" Pwede ba patapusin mo muna Ako?! " iritang sabi nya na mukhang lalabas pa ang eyeballs nito.
" Alright fine... " sabi ko at tinaas ko pa ang dalawa kong kamay.
" So yun nga gangster si jake at ikaw naman siga sa school. Pareho kayong bully... Match yung ugali nyo. Baka kayo talaga para sa isat isa HAHAHA! " sabi nito at tumawa ng malakas habang ang isang kamay naka hawak sa tiyan at isa nitong kamay nakaturo sakin.
" HA! . HA! . HA! paki kiliti nga ako bes baka sakaling matawa ako.. " sabi ko dito saka ko siya nilapitan saka binatukan. " LETSE KA!! " at pumauna ng umalis sumunod naman sya. Babaw ng kaligayahan amp.
Di namin namalayan na nasa cafeteria na kami agad akong pumila at bumili ng snacks.
" Manang isa nga nito saka pineapple juice thank you. " sabi ko. Isang biscuit lang binili ko. Mabubusog na ako nito mabilis lang kasi ako mabusog.
" Magkano nga po ito? " tanong ko.
" 55 lang lahat. " tsk! Grabe naman ang patong nila.
