today is Saturday pero ito ako ngayon naka hilata parin sa aking kama. arggh i can't move my body.
Since na naka bangga ko yung unggoy nayun tuwing papasok ako ng school parang pumapasok nadin ako sa impyerno. Nung isang araw bago ako pumasok sa gate meron nanaman ng trip sakin.....no... Actually araw-araw.
Kaya araw araw may bago akong pasa. Di lang isa kundi marami.
ಥ_ಥ
Bumangon na ako at tinignan ang orasan kung anong oras na.Time check 9:45am
Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom. Saka ko kinuha yung cellphone ko kung may text o wala..
Tap*tap*tap.
Message from: SENIOR SEC. B
Ms. President : Dane nasan kana?! kanina pa kami dito ikaw nalang hinihintay!
Althea: bat kasi siya pa mag tuturo ng sayaw? Dapat di na sinasali yan eh.
Teka.. Bakit nyo ko hinihintay? Anong meron?? :
Althea : Tanga kaba?!! Ikaw magtuturo ng sayaw diba?!!Nasamid ako sa iniinom kong tubig pag ka tapos ko ma basa.
Shet!! 8am pala usapan namin!
>_<ika ika akong pumasok sa banyo para maligo pagkatapos maligo nag bihis lang ako sinuot ko lang yung black jogging pants ko, white tennis na nike, white T-shirt at sinuotan kopa ng black hoodie ko para ma tago ko yung mga pasa sa mga braso ko.
Nag dala lang ako ng extra T-shirt ,syempre selpon at wallet saka towel. At lumabas na. Nasa labas nako at nag aabang ng taxi.
Shete! Ang hirap mag abang ng taxi..
A few minutes later.... Kidding
So yun nga pag kalipas ng ilang ilang minuto nakasakay na nga ako.Ang init talaga sa pinas!!
' Tanga! Panong hindi ka maiinitan e balot na balot ka?' sabat ng peste kong utak.
Althea POV.
Gosh!! Kanina pa kami dito! Nasaan na kasi ang bwesit na yun?!
" Guys! Ano?! Kanina pa tayo dito!" reklamo ko.
Almost 2 hours na kami nag hihintay dito sa gym ng subdivision namin. Pero anong oras na?! 10:05 na wala parin siya! Peste mag tatanong pa kung bakit siya hinihintay... Siya nag suggest na mag tuturo ng sayaw tapos makakalimutan nya??!
" Mag hintay lang tayo ng konti if wala pa siya aalis na tayo. " si mic. Wala akong nagawa kundi mapa upo nalang sa tabi.
Ilang minuto din ng may huminto na taxi. At iniluwa ang babaeng sarap sabunutan. Nag taka ako kung bakit balot na balot ito.
Hindi ba siya na iinitan? O sadyang takot siya ma sikatan ng araw??
Pansin ko din na pa ika ika itong mag lakad papunta sa gawi namin. " Guys im sorry.. I almost forgot. Sorry talaga. " hingal na sabi nito.
" Its okay.. A--" di ko pinatapos ang sasabihin nya ng sumabat ako.
" Anong its okay??! My ghad bes! Kanina pa tayo nag hihintay dito! Tapos okay lang?? " sigaw ko rito.
