" Oy.. May tumatawag sayo dane.. " yugyug sakin ni mariz.
4:30 nandito na kami sa school para sa last practice nila ang pesteng demonyita yun pwede naman hindi ako sumama sinama sama pako. At mula kanina wala akong tulog dahil sa ginawa niya kagabi ngayon lang ako umidlip.
Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung sino ang tumawag at tinignan muna kung anong oras na 6 narin pala..
8 missed call from granny
3 missed call from mama
5 missed call from babe..Sa dami ng missed call si lala muna yung tinawagan ko takot ako dun eh.
Ringing.....
" Buti at napa tawag ka! Ano ba ginagawa mong bata ka at hindi mo sinagot ang tawag ko! Pati si Althea hindi rin sumasagot! Alam mo bang nag aalala kami sayo?! " sigaw nito sa kabilang linya kaya nilayo ko sa tenga ko yung selpon ko. Patayy... galit nanaman...
" Lala may practice kasi sila demo- i mean si Gonzalez tapos naka tulog ako kaya hindi po namin na sagot ang tawag mo.. Sorry na po... " paliwang ko sa kabilang linya. Dinig ko ang pag buntong hininga nito bago nag salita muli.
" Tsk! Sa susunod sagutin mo ang tawag namin ok? By the way papunta na kami diyan sa school niyo. Tatawag ako ulit.. Sige na mag iingat ka.. " sabi nito saka binaba ang tawag.
Binulsa ko na ang selpon ko saka humarap sa mga kaklase ko na nag kukulitan lalo na sila Michaella at si Cassandra kanina panga yan nag babangayan. Mga aso't pusa..
" Che! Pwede ba?! Umalis ka nga sa harap ko pwede?! " inis na sigaw ni cass kay mic.
Hmm... I smell something fishy..
(ˉ(∞)ˉ)
" Ayoko nga.. Sige na kasi libre naman kita ah?! " pilit ni mic sa kanya.
" A. YO. KO. NGA. SA. BI!!! mapapa galitan ako ni mommy! Hindi kaba makakain mag isa? My ghad ang laki mona pwede mo naman isama yang kaibigan mo! Hindi mo ko nanay para samahan ka!" si Cassandra at umupo sa tabi namin ni mariz.
" Psst! " tawag sa kanya ni mariz.
" Ano?! " si Cassandra
ヽ(`⌒´)ノ
" 150." asar sa kanya ni mariz pero tinignan lang siya nito ng masama. HAHAHHHA sira ulo talaga. " Joke lang hehe.. Wag na mainit ulo mo lalo kang pumapanget. "
" Wala kang magawa?! Mga letse bahala na nga kayo diyan! " inis na sabi nito at padabog na naglakad palayo.
" Pfft!! Siraulo.. Sundan mo yun! Baliw ka talaga.. " tatawa tawang sabi ko rito. Wala naman ito nagawa kundi sinunod yung sinabi ko.
Naiihi nako... Tsk!
" Oh? Ayus ka lang? " biglang sulpot ni demonyita.
" Naiihi ako...." sabi ko dito.
Hinatid niya naman ako sa CR habang tulak tulak ako. Nang malapit na sa cr pinatigil ko na ito.
" Hintayin mo nalang ako dito.. " sabi ko dito pero tuloy parin siya sa pagtulak sakin. " Hoy! Ano ba? Sabing diyan ka lang wag mong sabihin sasama kadin sa loob? "
>_<
" Pwede din.. " ngising sabi nito. Abat.. Siraulo toh ah..
" Are you f*cking kidding me?? " inis na sabi ko dito. Letse naiihi nako nang iinis pa pag ako na ihi dito humanda ka talaga sakin..
