Althea POV.
Monday morning maaga ako nagising at wala akong sa mood ng dumating ako sa school. 6am usapan nila na dumating sa school para kung sakaling may klase maka pag practice kami sa umaga.
Pag dating ko sa room medyo marami narin sila agad naman bumungad sakin ang baliw kong kaibigan.
>_<
" Good morning kaibigan! kamu- anyare diyan sa mukha mo? " kunot - noong tanong nito habang naka turo sa pasa ko.
Oo pasa! Pesteng babae kasing yun.. Argh! At oo siya rin ang dahilan kung bakit wala ako sa mood.
" Mahabang kwento.. At pwede ba? Wag ka muna dumikit dikit sakin.. Mas lalo akong naiinis sa pag mumuka mo.. " sabi ko dito at tuluyan ng pumasok at umupo sa upuan ko.
" Hoy! Grabe ka makapag salita sakin ah! Ano bang nangyari sayo at ganyan ang mukha mo? " sabi nito at umupo sa tabi ko. " Mag kwento ka naman.. Sabihin mo sakin kung sino may gawa resbakin natin " pangungulit nito sakin. Sabihin nyong isa susuntukin kona talaga toh..
Flashback..
" Bitiwan mo ko Gonzalez kung ayaw mo mahanap ang hinahanap mo. " seryosong sabi nito. I dont know why...gusto ko lang siya inisin. I just found it cute.
" Pano kung ayaw ko? " nang aasar na sabi ko dito. Mainis kapa please....pfft!
" Bitawan mo---" akmang hahalikan ko ito pero dapat biro lang naman ng isang malakas na suntok ang natamo ko sa kanya kaya napahawak ako sa pisnge ko.
Shet! Malakas pala sumuntok toh?! Dinig ko ang mga tawanan sa paligid namin. Pero wala akong pakealam sa halip tinignan siya ng masama na gulat naman itong nakatingin sakin.
" W-wala akong kasalanan.. Sinabihan na kitang bitawan moko pero hindi ka nakinig! Kaya i-ikaw yun.. Ikaw yung may kasalanan hindi ako.. " mahabang sabi nito at agad ako tinalikuran at dali daling sumakay ng taxi.
End of flashback..
" BWAHHHAHAH!! " tawa ng impaktang to habang hawak hawak ang tiyan niya. " Wait... HAHAHA!! Sandali lang pfft.. B-bakit mo kasi HAHAHA!! Ginawa yun?!" tatawa tawang sabi pa nito sakin. Pakshet siya....
-_-#
" Eh kasi nga gusto ko pa siyang bwisitin! Dadalhin ko nga siya dapat sa hindi niya alam na lugar eh tapos iiwan ko siya dun edi mas lalo pa siya na bwesit sakin.... " sabi ko dito pero isang malakas na batok ang natanggap ko dito. Taena!!!!
" Ano ba?! Bat ka nambabatok?!!" sigaw ko dito. Wala na nga ako sa mood babatukan pako?! Pestengina siya!!
" Aba! G*go kaba?! Subukan mo lang at malalagot ka sakin.. " nag babatang sabi nito sakin.
" Akala ko ba ikekwento ko sayo dahil reresbakan mo?? Ngayon na sinabi ko kung sino ako naman ang binatukan mo! Umalis kana nga dun.. Isa kadin bwesit eh.. " pikon na sabi ko dito sakto naman na dumating din si dane. Pero bago pa ito makapasok sinigawan na siya ni bes.
" Dane! " galit na sigaw rito ni Michaella. Yiee bessy ko nga talaga siya hekhek...
" B-bakit nanaman? Kung bibwisitin nyo lang ulit ako.. Pwede wag ngayon? " walang gana sabi nito. Mukhang wala rin siya sa mood ah..
" Totoo bang ikaw ang sumuntok kay althea?! " galit parin sigaw nito sa kanya.
Tumango naman ito. " O-oo.. Pero hin--" hindi nito natapos ang sasabihin ng bigla siyang niyakap nito.