CHAPTER 4

346 7 0
                                    

***

Nandito ako ngayon sa classroom para umatend ng last subject sa umaga. Pinabalik na kasi ako ng nurse at sila na daw bahala sa bwiset na babaeng yun.. Plano kopa naman mag cut ng klase pero di ako maka ditch dahil nandun rin yung math teacher namin. Kaya ito ako ngayon walang ganang makinig sa mga tinuturo nya.

 ̄へ ̄

Discuss..

Lunchbreak..

" Kamusta na kaya si dane? "si mic.

" Hindi ka galit sakin?? " tanong ko dito.

" Eh? pinagsasabi mo? "

" Kasi nga diba yung ginawa ko kahapon.. Promise di ko na uulitin dahil alam ko naman ako yung nauna. " sabi ko dito at tinaas pa ang kanang kamay ko.

Nang bubully lang naman ako pag sila yung nauna..

" Kay dane mo dapat itanong yan timang! Saka.... Oo nagalit naman ako slight lang... Puntahan mo na kaya siya dun? "

" At bakit ako?! Sinamahan ko na siya kanina ayus nayun.. " sobrang init kaya.. Saka ano siya?? señorita??? Psh..

" Pupuntahan mo siya o sasampalin kita ngayon tulad ng ginawa ng mukhang unggoy mong manliligaw kanina" pag babanta nito sakin.

" Kaya mo? Best friend ma ako tapos sasaktan moko?? " sabi ko with paawa effect.

Pero amp...... Sinampal nga ako huhu.... Its really hurts... Charot masakit talaga..

" Kung yan lang ang maka pag patino sayo sasampalin kita araw araw!! " sigaw nito kaya halos napatingin naman ang mga kaklase namin saamin. " Ngayon puntahan mo na sya dun.. NOW NA! "  HMMP!! BRUTAL!!

" LETSE! OO NA!! KUNG HINDI LANG KITA KAIBIGAN BWESIT!! " sigaw ko dito at padabog na lumabas ng room. Gutom na ako eh..  Nag rereklamo na mga alaga ko..

Ng makarating sa clinic agad ako lumapit sa nurse.

" Nurse excuse me.. Pwede ko ba puntahan yung babae na dinala ko kanina dito? " tanong ko.

" Ah si dane Martinez ba? Pasok ka lang nakahiga lang siya dun.. " nakangiting sagot nito. Ewan pero ang weird lang ng ngiti nya.

" B-Bakit po? " tanong ko dito. Baka mamaya may dumi ako sa mukha at pinagtatawanan na ako nito..

" Wala naman... Dati rati kasi ikaw ang dahilan kung bakit na dadala dito ang ibang students kung minsan ikaw..pero ngayon... Nakakagulat lang. " sagot nito. Ganun naba talaga ako kasama??? Tsaka napilitan lang naman akong samahan sya  " Sige na pumasok kana at pwede narin pala siya pumasok sa klase. "

Pumasok na nga ako at nakita ko naman siya nakahiga habang nilalagyan ng ice ang mukha niya. Napansin nya naman ako kaya napa upo siya.

" Ano ginagawa mo dito? " taena??!

" Alam mo? Wag kana mag tanong na obvious naman pwede?? " sarkastikong sabi ko dito saka na upo sa tapat ng higaan niya. Parang hospital bed ganun...

" Edi wow... " bulong nito na rinig ko naman. " So dinadalaw mo ko ganun?? Tsh... Hindi kita kelangan.. " argh!! I cant believe this girl.

" Di moko kailangan? Ahh...  Kaya pala kung hindi pa ako lumapit baka nahimatay kana dun?? Utang na loob mo na yun sakin.. "

" So? Share mo lang? " peste!!
Mapapatay kona toh eh..

THAT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon