CHAPTER 29

170 5 8
                                    

9pm na kami nakabalik sa condo ko actually ayaw sana kami pauwiin ni tita pero sabi ko. ako nalang ang uuwi at maiwan dito si althea. Pero itong isa naman ayaw mag paiwan.

Naupo ako sa kama, iniisip kung may kinalaman ba ang daddy ni althea sa pagkamatay ni daddy. Si tito lang naman daw ang madalas pumasok dun.. Pero what if kung may kinalaman nga? Ibig sabihin siya rin ang nag babanta sa buhay ko ngayon?

Pero mukhang mabait naman sila tito.. Kung hindi naman pala pera o kumpanya ang kailangan ng lahat na nasa likod nito.. Eh ano? Mayaman naman sila althea so bakit pa nila gagawin yun? Argh! Ang hirap mag salita ng walang patunay…

O hindi kaya… dahil matagal na silang magkakilala nila daddy at sobrang close lang talaga sila kaya may picture? Ay ewan! Ano ba talaga?! Tsk! Kung mag kakaibigan sila. Wala naman sigurong traydor sakanila??

“ Mukhang malalim ang iniisip mo ah.. Baka gusto mong e share sakin yan? “ napatingin naman ako kay althea na nakaupo sa tabi ko.

Bat lalong gumaganda ang demonyita na to? Tch. Mas maganda pa din ako mwehehe..

“ Wala naman… iniisip ko lang kung anong ulam natin bukas. “ sabi ko dito ng ikatawa niya.

Anong nakakatawa?

“ Yun lang?? Pfft! Andaming pagkain sa ref dane.. Kung nagugutom ka sabihan mo ako kung gusto mong lutuan kita ngayon.. “

“ Wag na.. Gusto kong kumain pero ayokong kumain.. “

“ Huh? “

Slow amp..

“ Wala, sabi ko inaantok na ako.. Matulog kana din maaga pa tayo bukas. “ sabi ko at humalik sa pisnge nito.

“ Usap muna tayo… hindi pa ako inaantok eh. Pweaseee.. “ sabi nito at umarte na parang bata na may panguso pang nalalaman.

Weakness ko talaga ang mga cute huhu… hayop kasing demonyita nato eh! Maganda na cute pa.. Tsk! Inaantok na ako pesteng to…

“ Ano ba ang gusto mong pag usapan? “

“ Kwentohan mo ako kung anong ganap sa buhay mo before tayo nagkita ulit. “

“ Bat di nalang ikaw mag kwento kung ano tayo dati? “

“ Sa yun gusto ko eh.. Dali na.. “

Wala nanaman ako nagawa kundi nahiga na lang at ganun din siya at sumiksik sakin. Bat ba sa lahat ng pwedeng pag usapan yun pa?

“ San ba ako mag sisimula? “ tanong ko

“ Dun sa hindi mo ako maalala sa hospital. “

“ Hindi ko na nga yun maalala diba? Ewan ko ba kung anong klaseng utak meron ako at hindi ko yun maalala. epekto din ito siguro nung naaksidente ako.. Sabi ko naman sayo ang mga naalala ko lang yung before….. Before kami pumunta ni daddy sa amusement park.. “

“ Oo nga pala… edi yun nalang ang ikwento mo sakin… “

Hindi ko alam kung kaya ko bang ikwento sakanya toh.. Tsk! Bahala na ayoko pa naman maging iyakin ngayon eh.

“ Ahm…. Nung araw kasi non.. First honor ako. Kaya.. Tinanong ako ni daddy kung ano gusto ko. Sa wala naman ako gusto at gusto ko lang mag bonding kasama siya. Ayun, sa amusement sabi ko.. “

“ Pero bakit nung dinala kita sa EK ayaw mo dun? “ tanong nito, napa buntong hininga naman ako bago nag salita ulit.

“ Nung… araw na yun.. *ehem* ahm.. Dun sa amusement park.. Dun binaril si d-dad.. “

THAT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon