" Althea! Tara? Dun tayo sa usual place natin! " nag lalakad ako palabas ng room pero may makulit nanaman na tumawag sakin.
" Ahh... Ayoko.. Masakit yung katawan ko." reklamo ko sakanya.
Pinalinis lang naman ako ng teacher namin sa gym dahil sa makulit nato.. Hayysst... Nilagyan ba naman ng ipis yung ilalim ng lamesa ko dahilan na napa sigaw ako kaya ayun... Punishment...
>_<
" Ang sabihin mo galit ka sakin.. Tsh ang seryoso mo kasi kanina kaya pinagtripan kita!"
" Yeah... Kahit sorry nga lang hindi mo pa magawa no? Tsk! Dun kanalang kay Adrian! Tutal masaya kanaman dun sakanya! Kayo nalang mag ice-cream na dalawa! "
Adrian is one of my enemies. Grupo sila ng mga hipon tsh.. Alam ko naman na may crush yun kay dane.. As if gusto din siya ni dane psh..
" Eh sa ikaw ang gusto ko eh.. Tsk.. Siya lang naman ang nangungulit sakin.. Gusto niya akong pumunta sa birthday niya pero ayaw ka niyang iinvite kaya... Hindi nalang ako pupunta diba? Anong gagawin ko dun kung wala kanaman? Ma b-bored lang ako dun.. " sabi nito at naupo sa tabi at napahawak ito sa ankle niya.
" Ayos ka lang? Anong nangyare sayo?? " alalang sabi ko at umupo sa tabi niya at tinignan din ang paa niya na medyo namamaga.
" Im okay.. Malayo sa bituka pfft! "
" Seryoso ako. Saan ka naman napadpad at bakit nagkaganyan ang paa mo ha?! Paano ka makakapag bike niyan pauwi??! " suway ko dito. Tsk!
" Tinatawag kita kanina dun sa gym pero tumakbo ka kaya hinabol kita. Hindi ko naman nakita na may kahoy dun kaya... Ayun hehe... Wag kana nga diyan magalit! Mapapagalitan parin din naman ako pag uwi natin hayysst.. Itago ko nalang kaya yung paa ko? Ang sakit mamingot si mommy sa tenga eh! Kulang nalang matangal yung tenga ko.. " sabi nito sabay nguso.
>_<
Ano pa nga ba? Malamang pag tatakpan ko nanaman toh kainis...
" Bat mo pa kasi ako hinabol?? Aisshhh! " inis kong sabi at naupo patalikod sakanya. " Aba, Dalian mo kung ayaw mong iwan kita dito. "
" Paano yung bike ko? "
" Bike mo yung gagamitin natin.. Aangkas nalang kita."
" E yung bike mo?"
" Babalikan ko nalang yun mamaya.. Tsk! Ang dami mong tanong aba kana kasi! "
Inis naman ako nito pinalo sa likod " Ang OA mo ha? Dalawang tanong lang naman tinanong ko sayo ah?! "
" Marami pa din yun tsh.. Pag hindi kapa umaba bahala kana sa buhay mo.. "
Agad naman ito sumakay sa likod ko at kinurot ang mag kabilang pisnge ko.
" Dont be mad na ha? Let's go but before that can i buy ice-cream? "
" Nah, you ate ice-cream yesterday and the other day and last last week and.. Aissh! Basta hindi ka bibili ng ice-cream ngayon tataas sugar mo niyan sige ka.. Gusto mo magka diabetes??"
" Okay... Uwi nalang tayo.. " malungkot na ani nito kaya napabuntong hininga nanaman ako.
Bat kasi hindi ko to matiis?!
>_<
" Fine, pero bukas wala ng ice-cream naintindihan mo? Isusumbong talaga kita kay tita.. "
