" GONZALEZZ!!!! " sigaw nito sakin habang pilit akong hinahabol. Pero weak ata pfft! "BUMALIK KA DITO! HUMANDA KA TALAGA SAKIN PAG NA HABOL KITA!" halos hindi na ma ipinta ang mukha nito sa sobrang pagka bad trip sakin.
" pfft! Yun kung mahabol moko! HAHAHA! " pang aasar ko pa dito.
Kung nag tataka kayo kung bakit ito na bad trip.... Binatohan ko lang naman siya ng itlog actually kaming lahat tapos binuhusan ko ito ng harina plus nabasag ko pa ang cellphone nito kaya ayan siya ngayon sobrang pikon hehe...
Kanina niya pa ako hinahabol pero di nya naman ako ma huli huli. Nag tatawanan na nga mga kaklase namin eh at ang kaibigan niya..
Napa tigil ito sa pag takbo at hingal na hingal na napayuko..
" Oh ano? Suko kana? HAHAHA! napaka weak mo naman.. " pang aasar ko ulit dito. Pero hindi ako nito pinansin at kinuha ang bag nito.
Wala na... Finish na... Pikon na siya.... Hahahha joke
" Alam niyo? Mas mabuti pang umuwi nalang tayong lahat.. Practice pinunta natin dito diba?? Hindi tayo pumunta dito para lang gumawa ng kalokohan... Ano? Gusto nyo ba may ma e perform tayo o wala??" sabi nito... Pero walang may sumagot sa kanya. Makikita mo sa aura nya na seryoso at galit na ito. " Let's continue this tomorrow.. And president.... Please act like a president hindi yung nakikisali kapa sa mga kalokohan nila.. " sabi nito.
kita ko naman na napahiya si almara ang president namin kaya napayuko ito. Tinignan niya lang kami at lalo na ako tinignan niya ako ng napaka sama. Kinuha niya ang selpon nya at may kinalikot lang ito sa cellphone niya... Kinuha ata yung sim card saka ito binato sakin pero naka iwas ako at tinignan ko siya ng masama..
" Yan! Tutal binasag mo naman na to sayo nayan! " sigaw nito sakin. Pinulot ko ito saka lumapit sa kanya at inabot yun sa kanya.
" Sinabi ko na sayo na yan diba?? " taas kilay na tanong nito sakin." Sino ba may sabi na binabalik ko ito sayo? " ngising sabi ko rito. Kunot noo niya naman akong tinignan. " Paki tanggal ng password para akin nato. " pilit kong hindi ma tawa sa reaksiyon nito.
Kinuha niya ang selpon niya at tinanggal ang password nito. Inabot niya ito sakin at akmang aabutin ko rin ito ng ihulog niya ito. Hinuhulog lang ang ahh... Tinignan niya ulit ako ng masama saka dumiretso sa cr.
" Kayo kasi eh.. Dinamay niyo pa ako. Pati tuloy sakin galit rin... " si Cassandra.
" Wag ka nga! May choice ka naman na tumanggi ah.. Bat nakisali kapa?? " si mic.
" Kasi po... pinilit nyo ko!"
" Aba! Wag ka nga mang sisi kasi kahit pinilit ka kung ayaw mo hindi ka mag papapilit! " sigaw sa kanya ni mic. Bat ang iingay nila!!! Sarap nilang pag uuntugin.
" Kasi sabi nyo sakin pag hindi ako sumali pati ako babatuhan nyo ng itlog! " sigaw rin nito pabalik.
" Eh kaibigan mo siya diba?? Sa pag kaka alam ko kasi ang kaibigan walang iwanan.. Eh tatawa tawa kapa nga kanina eh. "
Sasagot pa sana si Cassandra ng dumating si dane.
" Pwede ba tigilan niyo na yan?? Pare pareho lang kayo may kasalanan.. " sabi nito. Naka palit narin ito ng damit. Kinuha niya lang ang mga gamit niya saka umalis na hinabol naman ni Cassandra. Sarap niya talagang asarin pfft..
hindi nga siya gumaganti pero siguro once na ginalit mo siya. Mahihirapan ka ulit kausapin ito.
" Si althea kasi ang may pasimuno ng lahat eh... " si mic. Tinignan ko naman ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/242569621-288-k159610.jpg)