CHAPTER 10

285 8 9
                                    

nagising ako ng madaling araw 2:31 am at napatingin sa pinto ng may pumasok na nurse kasama ang isang doctor. Lumapit lang ito sakin at chineck lang yung dextrose na nakakabit sakin.

" Miss check ko lang yung temperature mo. Up to 10 gaano ka sakit yung likod mo? " tanong nito at binigay sakin ang thermometer na nilagay ko naman sa kilikili ko.

" 7.. Pag nabigla kong igalaw yung likod ko sobrang sakit tapos pag humiga ako ganun din.." sabi ko at binigay sa kanya ang thermometer ng tumunog ito.

Putol putol nga yung tulog ko eh..  Sa tingin ko bakal ang pinang hampas sakin. Ako lang mag isa dito.. Pina uwi ko na si mariz dahil kanina pa pala ito naka bantay sakin. Tapos natawagan naraw ni andy sila mama at papunta na sila dito maybe mga around 5 or 6 am? nandito na daw sila at syempre kasama si lola..

Mag isip kana ng magandang idadahilan dane kung ayaw mo ma bugahan ng apoy..

" 38.8 you have fever.. Sigurado akong may bali yang likod mo.. Na set ko narin ang schedule mo for X-ray at ito paracetamol inumin mo toh.. Kung sobrang sakit talaga ng likod mo or kung may kailangan ka tawagan mo lang kami at nasa station lang si 'nurse may' may telepono naman diyan sa lamesa mo.. " Sabi nito at dinagdag pa itong sinabi pero hindi ko na naintindihan saka sila lumabas.

Hayysstt... Mas kinakabahan pa ako kay lola kaysa sa kalagayan ng likod ko.. Ano ba sasabihin ko sa kanya mamaya? Ah! Alam ko na!

Lala nahulog lang po ako pero hindi niya po ako sinalo kaya po ako nabalian..

Pero syempre charot lang baka ma dagdagan pa yung bali sa katawan ko hehe..

" Ano ba ang magandang rason? Lala nahulog po kasi ako sa hagdan ng school namin.. nag pagulong gulong po ako 4th floor pababa hanggang 1st floor.. " sabi ko habang iniimagine na nasa harap ko si lola habang masama itong naka tingin sakin.

Pero... Parang ang oa naman ng dahilan ko.. Fourth floor hanggang first floor? Hindi kapani paniwala.. Eh kung...

" Lala.. Nasagi kasi ako ng jeep kaya tumilapon ako at nag pagulong gulong.. "

Aisshh! Mas lalong hindi maniniwala yun! Edi sana dapat nasa kulungan na yung driver dahil hindi naman makakatakas yung driver dahil maramimg pasahero! Huhu... Lord help me please..

" Parang kang baliw.. "

" Oh sh--! Ah.. S-shit.. Aray... " napadaing ako sa sakit ng likod ko dahil sa gulat. Peste! Bat kasi bigla bigla nalang siya sumusulpot?!

Agad itong lumapit sakin at tinulungan akong mahiga ng maayos. Kita ko din ang pag aalala sa mga mata nito. Tsh..

" Bat ka nandito? At paano mo nalaman na dito ang kwarto ko?? " taas kilay na tanong ko dito.

" Malamang nagtanong sa nurse station duh... " being sarcastic again?

" What i mean is bat nandito ka? " bakit kasi nandito toh? Madaling araw panga lang eh..

" Pasyente ka diba? Malamang dinadalaw ka. " Argghh! Damn you!

(*>.<*)

" Pwede? Kung mang iinis kalang feel free to leave.." sabi ko dito at pumikit.

Kung maka sigaw lang ako kanina pa kita sinigawan pesteng demonyita ka..

Dinig ko ang pag buntong hininga nito kaya napa mulat ako at tinignan siya. Siya naman na upo sa tabi ko.

" Kumain kana? " at ano naman na kain nito at sinaniban ng kabaitan? Konting kabaitan lang naman.. Bwiset parin siya..

" Bat ka dumalaw ng ganitong oras? " balik tanong ko dito. Pero hindi niya ako sinagot at may nilagay na pagkain sa lamesa ko.

THAT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon