" Dane! Sorry na pweasee.... " si Cassandra yan tsk! Ang ingay talaga ng bunganga nito eh. Kasama niya din si mariz na ayaw umalis sa tabi ni dane. kanina pa siya buntot ng buntot dito psh..
Pag pasok kasi nito kanina may pasa ang mukha kaya syempre yung pesteng mariz nayan kanina pa naka buntot.
Teka.. Pake ko naman diyan? Kahit maging buntot pa siya nito wala akong pake..
Si Cassandra naman Kanina niya pa sinusuyo si dane pero ang isa di parin siya pinapansin. By the way wala nga pala kaming klase pero kailangan parin namin pumasok para maka pag prac.
Puro nalang practice ng practice nakakatamad na.. Kaya naisipan ko mag ditch isasama ko nalang si mic.
" Bes.. Halika may sasabihin ako sayo" tawag ko dito. Wala naman siya ginagawa natutulog nga lang eh. Tamad na lumapit ito sakin.
" Ano? "
( ̄. ̄) ‹------ siya
" Cut tayo.. Boring dito eh.. " sabi ko dito at nag taas baba pa nang kilay. Agad naman sumilay ang mukha nito at ngumiti din sakin. Nag thumbs up pa ito at dali dali pumunta sa upuan niya para kunin ang mga gamit nito.
Ako naman ay lumapit sa president namin. " Oy almara cr lang kami. " sabi ko dito at tumalikod.
" Pero mag papractice na tayo ngayon. " sabi nito. Hinarap ko naman ito.
" So? Hindi ba yan makapag hintay? " taas kilay na sabi ko dito. Hindi na ito nag salita sign na pumayag na ito.
" Bes.. Halika na " sabi ko dito at lumabas na ng room. Pumunta lang muna kami sa cr para mag palit ng T-shirt at para narin hindi halata na mag d-ditch kami.
" Bes saan tayo tatambay? Sa mall niyo nanaman?? " tanong nito habang nag papalit sa isang cubicle.
" Pwede naman.. Pero nakaka sawa nadun. Bat hindi nalang sa bahay niyo? Marami naman kayong foods dun. Tas inom nadin tayo miss kona yung alak" sabi ko dito saka pumunta ng lababo para mag ayos ng mukha.
" Pagkain lang talaga habol mo ano?? " sabi nito at lumabas din sa cubicle at nag muni muni sa mga gamit ko. " Ang yaman mo pero napaka kuripot mo.. Bakit? Wala bang pag kain sa inyo? "
" Meron naman.. Pero ano kakainin ko dun? Puro gulay? " sagot ko dito.
Pag binuksan mo kasi yung ref namin puro gulay at prutas lang ang nandun. Bilin yun ng parents namin kay nanay linda. Dapat daw kahit wala sila puro healthy yung kakainin namin.. Si mommy kasi isang ganap na doctor tapos si dad naman ay isang business man. Di nila alam yung anak nila lasinggera.. Minsan na giguilt naman ako sa ginagawa ko.
" Sige sa bahay nalang.." sabi nito. Pagka nagsasawa na kami sa mall sa bahay nila kami pumupunta nag P-PS4 tapos inom tas kain ganun lang..
Inayos ko ang mga gamit ko at nilagay yun sa bag at lumabas na.
" Ay butiki! Ano ba dane?! Ano ginagawa mo diyan?? " Gulat na sigaw ni mic sa kanya. Kahit kailan magugulatin talaga ang baliw.
" Sinusundo lang naman kayo.. Baka kung saan lupalop kayo lumusot.." sabi nito habang naka cross arm. Himala at hindi naka buntot sa kaniya si mariz?
Pansin ko lang na palagi na mainitin ang ulo nito may dalaw ba siya?
" Hindi namin kailangan ng sundo.. Actually pupuntahan ko pa yung kapatid ko sa room nila may ibibigay lang. " sabi ko dito at di na siya pinansin.
