" Dane sweetie may bisita ka gumising ka muna... " si mama habang pilit akong ginigising.
" Hmmm... Ma.. 5 minutes... " sabi ko dito. Nakakatamad pang bumangon sarap pa ng tulog ko eh..
" Dane! Gumising ka muna! Binibisita kana nga eh.. " si Cassandra siguro to.. Pilit akong bumangon at humikab at antok na antok na humarap sa kanila.
" Ma?.... Bat kayo nag papasok ng bwisita dito? " tanong ko kay mama. Agad naman akong binatukan ni Cassandra kaya napa himas ako sa ulo ko. Tsk.. Nawala tuloy antok ko..
" Yan para yan sayo! Nung pinuntahan kita dito kahapon tulog ka tapos hanggang ngayon tulog ka parin? " sigaw nito sakin. Tinignan ko naman siya ng masama kaya nag peace sign ito.. Tss.. Makuha rin pala sa tingin.
←_←
" Iha wag mo muna kausapin si dane bigyan mo siya muna ng mga 1 minute ayaw na ayaw niyan na kinakausap pag bagong gising. " natatawang sabi ni mama. Pati si mama may pagka isip bata din..
Nanatili lang akong naka tingin sa kanila nandito ngayon sila demonyita with her loka lokang best friend nandito rin sila mariz at ang maingay na si Cassandra naka upo silang lahat sa pahaba na upuan na akala mo hindi maka basag ng plato...
-_-#
" Ma nasan sila lala? " tanong ko kay mama na naka tutok sa cellphone nito.
" May inasikaso lang.. Nagugutom kana ba? May dalang pagkain si Althea para sayo.. " ngiting sabi nito at inilapit sakin ang lamesa at nilagay ang pagkain sa harap ko.
" Galing kay demonyita? Baka may lason to? " naka ngiwing sabi ko. Akmang gagalawin ko na ang pagkain ng kunin ito ni demonyita saka kinain ang manok. " Oh? Akala ko ba bigay mo? Bat mo kinain? " kunot noo sabi ko dito.
" Sa nagugutom ako eh.. Akin nalang toh tutal may lason naman sabi mo. " sabi nito saka ako tinalikuran.
←_←
Tinignan naman ako ni mama saka pinanliitan ng mata. Ano nanaman klaseng tingin yan ma? Hayystt sarap na ng tulog ko eh napanaginipan ko pa sila ano..
May pumasok na doctor at kina usap si mama dala dala ang X-ray ko di ko nalang sila pinansin lumapit sakin si mariz at sumunod ang dalawa sa kanya. Yung isa enienjoy ang pagkain habang naka tingin sakin. Kala niya siguro mag lalaway ako sa pagkain baka nga di payan masarap psh...
" Pwede kana maka usap? " si mariz tumango lang ako dahil tinatamad akong mag salita. " Hayystt... Alam na namin kung sino may gawa niyan sayo.. May tago kasing cctv sa may puno na kita malapit sa cr.. Kaya wala rin ang lola mo dito dahil pumunta sila sa school. " paliwanag nito. Teka? Edi alam na ni lola kung sino?
" Sino daw? " tanong ko dito. Binigay niya naman sakin ang selpon niya na kuha ng cctv.
Kita ko dito na binantayan talaga ako nito sa labas ng cr na may hawak na bakal.
" Pinatawag na ni dean si jake.. At hihintayin ka nalang maka labas dito para maka usap kayo. Kanina kasi nung nasa Dean's office siya hindi naman nag sasalita.. " sabi nito pero hindi ko siya nilingon.
Naka tutok parin ako sa video nakita ko kung pano ako maglumpasay sa sahig. Kita ko ang pag takbo nito palayo at siya naman ang pag lapit ng babae. Teka?
Tinignan ko si Demonyita at binalik ang tingin sa selpon tapos tinignan ko nanaman siya ulit.
" Ikaw ang nag dala sakin dito? " tanong ko dito pero ang peste hindi ako pinansin. Tinignan ko naman si mariz na agad naman nag iwas ng tingin sakin. " Sabi mo ikaw? " kunot noong tanong ko dito.