" Manong salamat sa pag hatid. Pasok ka po muna para maka pag maryenda ka muna. " sabi ni demonyita kay mang edward at tinulungan ako maka baba ng sasakyan.
Kadadating lang namin dito hindi ko naman alam kung saan to pero sabi niya nasa probinsya daw kami at dito raw naka tira yung grandparents niya..
Maganda nga dito malaki din ang lupa nila parang hacienda ganun.. Or let's say na... hacienda talaga.
" Ok lang po maam.. Tulungan ko nalang kayo sa gamit niyo. Kailangan ko rin kasi kaagad bumalik. " sabi ni mang edward at binaba yung dalawang backpack.
Sinabihan din ni demonyita si mang Edward kanina bago umalis na dito nadin siya matulog pero hindi na daw dahil na hospital yung anak niya tapos may sakit din yung asawa niya. Tinawagan ko din kanina si lala para matulungan din si mang Edward.
" Salamat mang Edward kami napo mag dadala nito sa loob.." sabi ko sa kanya.
Naka wheelchair naman ako ngayon. Ang baliw na demonyita na yun sabi malubak daw dito eh sementado naman yung daan nila tsh..
" Sige salamat dane, maam una napo ako. " paalam ni mang Edward at pumasok na ng sasakyan.
" Ingat kapo mang Edward! " sabi ko at kumaway sa kanya ganun din si demonyita. Ng maka alis na ito may dumating naman na matandang babae.
" Oh apo buti at nakarating kana.. " sabi nito sabay yakap niya kay demonyita. Ahh so lola niya?
Malamang.. Tinawag ngang apo diba?
" Yeah... I miss you nanay.. Nasaan si tatay? " sabi din nito sa nanay/lola niya daw at humalik sa pisnge nito.
OP ako dito ah... Bakit niya pa kasi ako sinama kung wala naman akong gagawin dito...
( ̄へ ̄)
" Alam mo naman tumatanda na kami.. Ayun masakit daw yung likod nandun siya sa kwarto at nag papahilot. " natatawang sabi nito at napatingin sakin. " At may kasama ka pala? Kay gandang dalaga naman nito. Anong pangalan mo iha? " sabi nito sakin kaya pilit naman akong ngumiti.
Weg nemen po keye genyen.. Elem ke nemen ne megende ake..ehe..
Wag nang umangal trip ko yan eh bat ba..
" D-dane po.. Nice to meet you po K-kayo din po maganda din hehe.. " nahihiyang sabi ko. Shy type ako eh.. Pfft..
" Asus nag biro pa... Halika pumasok muna kayo.. Mamaya niyo na ipasok yung mga gamit niyo di naman yan mawawala. At ikaw Althea apo.. Tulungan mo yung gurlprend mo.. " sabi nito.
(O_O)
Tf??? Girlfriend? Hindi nga ako pumapatol sa babae eh! Hanggang girl crush lang ako!
" Ahh.. Hehe.. H-hindi ko po
j-jowa yung apo niyo.. T-tita? " nauutal sabi ko. Tama bang tita itawag ko sa kanya? Yung katabi ko naman nag pipigil lang sa tawa nakakainis.." Hindi ba? Ah basta darating din naman kayo diyan.. And just call me mamita magiging kayo din naman ng apo ko." sabi nito at tatawa tawang pumasok sa loob.
Ako? Ito naiwang tulala sa mga sinasabi niya.. Ganun ba talaga yun mag salita?
" See? Even my grandma likes you.. Let's go? " masayang sabi nito wala akong pake... iginaya na niya ako papasok sa loob ng malaking bahay nila.
Nang maka pasok na kami... Agad naman ako namangha sa disenyo nito. Kung titignan mo sa labas moderno ang disenyo nito tapos pag pasok mo naman parang nasa sina unang panahon ka lang. parang pumunta lang ako sa 80s/90s era..
