Start

7 0 0
                                    

START

"Hiwalayan mo na 'yon," mahinang sabi ni Lisa pero alam kong pinaparinig niya ito sa akin.

Umiling ako at sumandal sa kinauupuan. "Nagbago na si Jerome, Li... saka mahal ko 'yong tao..."

Nagpakawala ng tawa ang kaibigan ko habang tinitignan ako na para bang nahihibang na ako. "Nag-away kayo kasi hindi mo tinugunan ang halik niya? Putangina?"

"Hindi pa ako handang makipag..." bumuntong hininga ako at uminom sa inorder naming kape rito sa Cafè Fecia.

"Alam ko 'yon. At kahit ako ayaw kong makipag-chukchakan ka sa gagong 'yon. Kaya nga kahit maaga pa iwan mo na."

Kinagat ko ang aking labi at tinanaw ang kaibigang stress na stress sa lovelife ko. Nakahalukipkip ito at halatang wala sa mood. Pilit ko namang winawala ang usapan pero bumabalik padin kami rito.

"Hindi ko kaya, Li..."

Tumawa siya. "Naiintindihan naman kita sa part na 'yan. Pero tangina naman ang toxic ng jowa mo, Via!"

Alam ko 'yon.

Two years nadin kami ni Jerome at maayos pa ang ugali niya sa umpisa. Masaya kaming dalawa. Sa puntong iyon nga ay ramdam kong siya na...

Pero totoo palang nagbabago ang ugali ng isang tao habang lumilipas ang panahon. He was no longer the man that I used to love... Noong una pinatawad ko ang ginawa niyang paglilihim sa akin. Nakikipag-harutan siya sa mga friends niya sa facebook...

I forgave him. I gave him a second chance. Kasi ganoon naman talaga, diba?

Nangako siya sa aking hindi na niya uulitin pa. Sinorpresa niya ako sa kaarawan ko. He made me feel special after that.

Nagalit si Lisa nang malaman niya ang ginawa ni Jerome. She didn't let it pass. She confronted my boyfriend and threatened him. Naintindihan ko naman ang kaibigan ko dahil nagaalala lang siya sa akin kaya sinigurado ko sa kanyang ayos lang 'yon.

Pero naulit muli. That night, he reasoned out that he was just drunk and his ex-girlfriend seduced him. Nagalit ako sa kanya. Umiyak ako magdamag kasi ang sakit... Tinanong ko ang sarili ko kung bakit niya nagawa 'yon sa akin? Hindi pa ba ako sapat? Bakit hindi niya nalang ako hiwalayan kung hindi niya ako mahal?

But then he kneeled infront of me. He begged that he won't ever do it again. Because it's just me whom he love. He assured me na ako lang... at pinatawad ko siya.

"Pagpapakatanga na 'yan, Via. Sinasabi ko sayo," Lisa said.

Tinignan ko ang kaibigan kong galit padin.

Tama si Lisa... tanga ako.

Kasi pagkatapos no'n nagbago si Jerome. He made me feel so loved. Ramdam ko talaga ang pagmamahal niya at hindi na na ulit pa ang pagtataksil. Kaya alam ko sa sarili kong nagbago na siya...

Or so I thought.

"Patingin," naiinis na sabi nang babaeng kaharap ko na kanina pa umiirap.

Inilahad ko ang magkabila kong braso at tinagilid ang mukha upang ipakita ang pisngi ko.

Nagtiim bagang si Lisa, "Tarandong Jerome. Putangina niya," ramdam ko ang pagpipigil ng galit niya.

Ibinaba ko ang mga kamay at sinuot pabalik ang jacket upang takpan 'yon.

"At sinasabi mo sa aking mahal mo siya? Na nagbago na?"

Napayuko na lang ako at natahimik.

"Pagmamahal ba 'yon, Via? Ganoon ba ang pagmamahal? Kasi kung ganoon nga ayoko nalang magmahal pa..."

Try, And Make Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon