CHAPTER 21
Dahan-dahan akong humarap sa kanya at ngumiti ng peke.
"Hala, d-doc huwag n-na... Sasabay sana ako sa kanila kung hindi ka umepal."
Nanlaki ang mga mata ko dahil nasabi ko pala ng malakas ang huli!
"J-joke time. Ang ibig kong sabihin ay huwag na po kayong mag-abala pa."
Nakita ko kung paano umigting ang panga niya. Halos malusaw din ako sa paraan ng pagtitig niya sakin. At ngayon ko lang nakumbinse ng husto ang sarili nang masilayan ang soot niyang jacket at sapatos.
Nakaasar. Gusto kong maiyak sa frustration dahil sa kanya. Soot niya ang mga 'yan... tapos ngayon sasabihin niyang ihahatid niya ako pauwi? Parusa ba 'to sa pagsasampal ko sa kanya?
"Let's go home," he said with authority.
Ngumiti ako ng mapakla. "S-sige, umuwi na po kayo. S-samahan ko pa kasi ang mga kaibigan ko. Mamaya pa siguro kami."
I saw how his face soften that fast. He was no longer clenching his jaw. He brushed his hands through his hair and bit his lips.
"Alright... Samahan muna natin ang mga kaibigan mo."
Natin?
Ako lang.
Pinilit ko ang sariling tumawa. "Hala, hindi na. Mukhang gusto niyo nang umuwi, tatawagin ko nalang po ang girlfriend niyo sa itaas para hindi na kayo umakyat pa? Si Aloe?"
The sides of his lips rose. Na para bang nasisiyahan siya sa nakikita at naririnig niya. He put both of his hands on the pockets of his jacket and stared at my eyes.
Ni hindi niya tinanggi?
So... totoo nga?
Agad kong kinagat ang labi upang pigilan ang traydor kong luha. Nanginig ang kalamnan ko at kumurap-kurap ang mga mata. Hindi ko narin maiangat ng maigi ang mga labi dahil nagsimula na itong manginig.
May girlfriend naman pala bakit niya ako ginaganito? Bakit niya ako hinahayaang umasa at mabaliw sa kanya? Okay na sana 'yong pag-iwas namin sa isa't isa, nakakaya ko naman 'yon...
And to my horror, a tear fell from my eye. Daig ko pa si flash sa pagtalikod at pagmartsa palayo sa kanya. Hindi pa ako nakaktatlong hakbang ay nahagip niya agad ang kamay ko.
Bumuhos ang luha ko at hindi ko na 'yon nagawang palisin agad dahil bukod sa pagkakahawak niya ay alam kong nakikita na niya akong umiiyak.
"B-bitiwan mo 'ko," I forced myself to looked fierced and unaffected as possible.
Nagpumiglas ako nang harapin niya ako. I dogded his eyes and tried pushing him away.
"B-bitiwan mo sabi ako, Z-zane... Ano ba!" my voice broke.
Sumikip ang dibdib ko nang maramdaman ang daliri niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko.
"Why are you crying?" his gentle and soft voice lingered in my ears.
Hinila ko ang kamay ko pero mas hinigpitan niya lang ang kapit doon
"Answer me... Why are you crying?" malambing niyang tanong na para lang nakikipag-usap sa bata.
Lord, hindi ko alam na ganito pala kasakit ang mararanasan ko sa lalakeng 'to... Hindi ko alam.
Nagpumiglas ulit ako sa hawak niya pero parang wala lang 'yon sa kanya. Nang mawalan ng lakas ay huminga ako ng malalim at matapang siyang tinignan.
"Gusto mong malaman kung bakit ako umiiyak?" natawa ako habang tumutulo ang luha sa mga mata.
I stared back at him. I saw how confused he was when I started laughing at his face. I find it funny. I find the situation funny.
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...