CHAPTER 03
"Oh my God..." nakatutop si Nicole sa kanyang bibig.
Si Jaja naman ay nakatitig lang sa akin.
"Ano?" naguguluhan kong tanong. Bakit parang nakakita sila ng multo?
Nilapitan ako ni Nicole at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Job? Anong job? Blowjob?!"
Nanlaki ang mata ko at hindi nakapagsalita dahil sa gulat.
"Gaga!" tinulak siya ni Jaja. "Ano 'yon, Via? Magkakilala kayo?"
Tumango ako pagkatapos ay umiling. "Ay parang ganoon nga. Tinulungan niya lang naman ako pero hindi kami close. Nag-offer siya ng trabaho sakin kasi kailangan ko ng pera, e."
Tumango-tango si Jaja.
"Kailangan ko rin ng pera!" agad na sabi ni Nicole kaya binatukan siya ni Jaja.
"Ang yaman-yaman niyo na!"
Ngumuso nalang si Nicole at sumuko na.
"Sobrang bait nun ni doctor. Madami na iyong natulungan dito sa hospital pati narin sa labas. Kahit hindi niya kilala ay hindi siya mag-aalinlangan," mahinang sabi ni Jaja.
"Kaya nga whole package na, e," singit ni Nicole na mukhang nagde-daydream na naman. Napailing nalang ako sa kanya.
"Crush mo ba 'yon, Via?"
"Hindi, a. Ang sama niyo, tinutulungan lang ako ng tao," sabi ko.
"Weh? Hindi ako naniniwala," giit ni Nicole at sinundot pa ang tagiliran ko.
"Hindi naman ako magseselos, e. Basta pahiram mo sakin."Nanlaki ang mata ko.
Binatukan na naman siya ni Jaja. "Ano ba Nics! Bunganga mo talaga!"
"Sus! Hindi na naman na tayo virgin, e!"
Nalaglag ang panga ko at agad namula.
Tinignan nila akong dalawa.
"Virgin ka?!" sigaw ni Nicole na para bang masamang maging birhen sa mundong 'to.
"Ang sarap talagang tahiin niyang bibig mo!" naiinis na singhal ni Jaja.
Hinead to foot ako ni Nicole. "Akitin mo kaya si doc?"
Diyos ko. Ano ba 'tong babaeng 'to.
Napasapo nalang si Jaja sa kanyang noo na para bang suko na siya.
"Anak?" tanong ni Kylie.
Nandito kami ngayon sa opisina dahil free time naming apat. Sobrang luwag kasi ng hospital ngayon kaya good mood lahat ng tao rito. Mine-maintain din namin pati ang mental health ng mga pasyente kasi toxic na nga mismo ang hospital para sa kanila kaya dapat hindi sila maapektuhan doon.
"Oo," tango ko.
Nagkatinginan silang tatlo.
"Wala namang anak si doc!" giit ni Nicole. "Balita ko virgin 'yon!"
Napailing na naman ako.
"Hindi na 'yon birhen ateng," sabi ni Kylie sa kanya. "Mga ganoong mga lalake, sure to the ball akong hindi na virgin."
"Sure ka talaga, Via? Saan mo naman nalaman? Sinabi niya?" tanong ni Jaja sa akin.
Tumango ako pagkatapos umiling. "Hindi ba tinulungan niya nga ako? Kasama niya si Zoe noon."
"Zoe?" sabay nilang tanong.
Tumango ako.
Nagtataka ako kung bakit nila nasabing single raw si doc since birth. Marami raw itong ka-flings pero hanggang doon lang...
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...