16 : Confusing

1 0 0
                                    

CHAPTER 16

Malaki ang ngiti sa labi ko nang makakita ng malaking karatulang nagsasabing Welcome to Davao City!

Wow. Namangha agad ako sa linis ng lugar.

"Saan tayo?" tanong ko.

"Samal Island," sagot niya.

"Malayo pa ba 'yon dito?"

"Malapit na."

Natuwa ako sa narinig. So malapit na ngang talaga kami roon.

"Magbe-beach ba tayo?" takha kong tanong. Tumango siya. "Ha? Nagpunta tayo ng Davao para sa dagat? Marami namang dagat sa Manila?"

He chuckled. "I'm afraid you'll regret saying that when we get there."

"E, bias ka," sabi ko na kinatawa niya lang. "Nakapunta ka na roon?"

"Yeah..."

Hindi na ako nagsalita. Kahit curious ay hindi nalang ako nagtanong. Ayokong i-overthink na naman kung ano ang isasagot niya. I was just wondering with whom? Pamilya niya kaya? Mga pinsan? Kaibigan? Past girlfriend or stuck girlfriend? Stuck kasi hanggang ngayon hindi pa nakakalimutan?

Huminga ako ng malalim at hindi na nag-isip pa ng kung ano-ano. We're here to enjoy and have fun.

"Uuwi naman agad tayo 'no? May trabaho pa."

"I'm afraid you'll regret–"

"I will not regret anything when it comes to my job, Zane," seryoso kong sabi.

Tumawa ang papalit-palit ng mood. "Don't worry about that. Nagpaalam ako sa ospital ng one week leave–"

"One week?!" tumaas ang boses ko sa kaba. Paano si Kylie? Hindi ko pa nabisita 'yon!

"Hey, I promise there's nothing to worry, Via. Relax, I'm on this one, okay."

Kahit kabado ay sinunod ko nalang siya. Tatawagan ko nalang mamaya si Kylie upang kumustahin ang lagay niya roon. At sasabihan ko rin sina Jaja at Nicole na bisitahin si Kylie para mapanatag ang loob ko.

Nagtaka ako nang huminto kami sa SM.

"Anong bibilhin mo?"

"We'll buy clothes and foods," sagot niya at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Damit? May mga dala naman tayong damit a?"

Muli, hindi na naman siya sumagot at sumeryoso bigla. Sabay na kaming pumasok at naramdaman ko agad ang mga titig ng tao sa amin. Well, specifically, kay Zane.

Pumasok kami sa Forever 21. Nahinto agad ako sa paglalakad.

"Dyan ka bibili ng damit mo?"

His expression soften. Na para bang alam niya kung saan patungo ang usaping ito.

"Via... let's not fight over this again, please. Let's go," inabot niya ang braso ko pero umiling lang ako.

"May dala naman akong mga damit," sabi ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim at laking gulat ko nang bigla nalang niya pinakita sa harap ko ang malungkot niyang aura. Ganoon kadali.

"Please..."

Kinagat ko ang aking labi. "Pwede namang sa department store nalang. Madami namang mura dun e."

Nang makitang tapos na ako sa pagsasalita ay hinila na niya ako papasok at hindi na ako naka-angal pa. Nilapitan agad kami ng isang sales lady at nagtanong. I scanned the place. Different kind of clothes caught my eyes. And I don't want to know the prices anymore.

Try, And Make Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon