25 : How it should be

6 0 0
                                    

CHAPTER 25

"I'm really sorry."

"Hala, huwag mong alalahanin 'yon. Salamat talaga, Wain."

Binalik ko na sa kanya ang cellphone at nagpresintang ihatid siya sa labas bilang pasasalamat. Kahit sinabi niyang pwede ko siyang tawagan kung may kailangan ako ay ngumiti lamang ako. Magbo-book naman ako ngayong gabi ng flight pauwi kaya hindi na masyadong problema. Chinarge ko na rin ang cellphone upang makatawag sa mga kaibigan mamaya.

Nang matapos sa ginagawa ay dumiretso ako sa kama upang mahiga at hinintay ang cellphone na mabuhay. At dahil medyo matatagalan pa iyon ay agad akong tumayo sa pagkakahiga dahil ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano.

Tinoon ko ang pansin sa telebisyon. Ilang sandali ay sunod-sunod ang texts at tawag na natanggap ko.

Kylie:

sis bakit u nag resign?!!

wala ka sa apartment! asan ka now?!

nasa condo ka ba ni papi zane? the thought calmed me. ingat ka sis

Nicole:

e1 ko sayo at hindi ka man lang nagsasabing aalis ka pala sa ospital bakit pala? magpapakasal na ba kayo?

tangna mo via wala ka raw sa apartment dika nagsasabi nagsesex naba kayo p0ta

Jaja:

Late ka na naman, gaga!

Hindi ka papasok ngayon?

today

Via?! Nasaan ka?! Pinuntahan ako ni doc Zane, hinahanap ka sakin!!!

Galit na galit! Akala ko masusuntok ako! Nasaan ka ba? At nag resign ka! Bakit? May problema ka ba??

Te, nandito naman kami. Hindi mo kailangang umalis. Makikinig kami sayo... :( mag iingat ka V

Text us back please, nag aalala na kami sayo

Zane:

231 missed calls

Via?

V

Pick up the damn phone.

Sabihin mo kung nasaan ka. Why are you in the airport again?

You're not in NAIA! Nasaan ka?

Your phone's off?

I went to your apartment but no one's there. Wala ka rin sa condo ko.

today

120 missed calls

Call me please, we'll talk.

Why did you resign?

59 missed calls

Napahilot ako sa sintido habang nanghihinang naupo sa dulo ng kama.
Diyos ko! Ano ba 'tong ginawa mo, Via!

Ni hindi ko kayang magtipa ng irereply sa mga kaibigan ko dahil hiyang-hiya ako sa sitwasyon ko. All of this is part of my reckless and stupid moves again.

Nakatitig lang ako sa pangalan ni Lisa sa screen. Nagdadalawang isip kung tatawagan ko ba siya ngayon... Oo at gusto ko siyang makausap dahil miss ko na siya pero paano kung magtanong si Lisa? Anong isasagot ko?

Ayokong naglilihim sa kanya. Sa huli ay napagdesisyonan kong tawagan nalang ulit si Zane kaso unattended daw ito. I'm starting to get scared again... kasi alam kong galit siya noong huli kaming nag-usap... at galit na galit noong nalaman niyang nag-resign at umalis ako... at hindi ko na alam ngayon nung binabaan niya ako ng tawag kanina.

Try, And Make Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon