CHAPTER 22
"Pizza. Sayo?"
Tinignan niya ako. "Mango float?"
Ngumuso ako sa pagpipigil ng ngiti dahil ang cute niya.
"Ba't parang 'di ka sure?" natatawa kong tanong.
"Because I'm asking you if you want that too," he innocently stated.
Ngumisi ako at tinaas ang dalawang kilay.
"Pwede rin."
Pagkatapos niyang umorder ay in-on ko naman ang tv at nag-hanap ng magandang movie sa Netflix.
"Zane," tawag ko sa kanya habang nakatoon padin ang atensyon sa tv at naghahanap ng magandang panonoorin namin ngayon.
"Yeah..." he sofly said and sat beside me. Hindi pa nakontento ay pinulupot muli ang mga braso sa akin, I flinched when he rested his big hands on my stomach.
"A-avengers?"
"What's that?"
Marahas ko siyang binalingan. "Marvels?"
"Marvels?" tanong niya pabalik kaya napasapo ako sa noo.
"Gusto mo rin bang manood ng Marvels? Hindi ko pa kasi natapos lahat."
"Oh. Movie," he said when he realized what I was talking about.
"Hindi mo alam 'yon?"
Umiling siya at tinapunan ng tingin ang tv bago binalik sakin.
Madrama ko siyang pinanlakihan ng mata. "Seryoso ka ba riyan?"
"You're a judger."
Tumawa ako sa ginamit niyang salita. "E nagulat lang ako kasi hindi mo alam 'yon!"
"But I know batman."
Tumawa ako ng malakas. "For your own knowledge doctor Zane, batman isn't from Avengers."
"I don't know that... Well, still, I know Iron man."
"One point ka lang. Bawas pogi points."
Sinamaan niya ko ng tingin pero tinawanan ko lang siya.
"That's foul," he said before shutting my mouth with a kiss.
He deepened the kiss and pulled away that fast my eyes were still closed and left my mouth half open.
"Ang bastos nito," sabi ko nang maka-recover at pinlay na ang movie.
"If you'll bully me, I'll kiss you like that again."
Umawang ang labi ko at agad siyang hinampas sa braso. He chuckled and kissed my cheeks pero iniwas ko lang 'yon.
"Bastos mo, Zane."
He kissed my cheeks again. "I was just kidding," tumawa ito. "Gusto mo lang talagang halikan ako ng matagal?"
Kinurot ko ang braso niya.
"H-hindi a!"
He laughed and rested his chin on my shoulders.
Kumakain lang ako habang nasa palabas ang buong atensyon. Si Zane naman ay hindi ko maintindihan dahil bulong nang bulong na hindi ko naman naintindihan ang sinasabi. Marahan niya rin akong tinatawag nang makitang hindi ko siya napapansin.
"Zane, focus on the movie."
Iyan lang ang sinasabi ko kapag kinikiliti niya ang tiyan ko. Ilang saglit lang ay kinakagat na naman niya ang tenga ko.
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...