CHAPTER 11
Pagpasok namin sa simbahan ay naghanap agad kami ng mauupuan. Nakahawak lang ako sa kamay ni Zoe habang pinapaupo siya sa tabi ko. Inayos ko ang suot niyang creamy dress at tinali ang tuyo na niyang buhok.
"Your hair's getting longer," bulong ko sa kanya ng matapos sa ginagawa.
Tinignan niya ako at inabot ang buhok kong hanggang bewang.
"Sayo rin po, ate."
Bigla kaming napa-tingin sa isa't isa at napangiti. Kapwa namin hinarap ang mga sarili at napahawak kamay.
"Haircut!"
Nang matapos ang misa ay nagtungo na kami sa mall. Hindi na kami umuwi dahil maayos lang naman ang suot namin. Ang creamy cute dress ni Zoe at ang kulay plain peach na fit dress ko, iyon lang kasi ang naipasok sa bag. Parehas din naming suot ang we bare bears naming puting sapatos dahil gusto niya rawng itry 'yon kasama ko.
"Saan mo ba gustong pumunta muna?"
Tinignan niya ako. "Haircut! Haircut!"
Natawa ako at lumuhod sa harapan niya.
"Gusto mo nang gupitan 'yong buhok mo ngayon? Hindi ba magagalit si daddy mo?"
Umiling ulit siya. "Daddy won't get mad at us, ate. Tara na, please! I'm so excited!"
Hinawakan ko nalang uli siya sa kamay at naglakad pa papasok sa isang salon. Pagpasok namin doon ay agad lumapit sa amin ang isang magandang babae habang may malaking ngiti sa mukha.
"Baby Zoe!" tili nito.
Automatic akong napangiti dahil nagtatalon-talon ang bata sa saya. Niyakap siya ng babae at hinagkan.
"You're so big na!" kinurot nito ang pisngi ng bata at tinignan ang likuran na para bang may hinahanap o inaasahang ibang tao. "Ikaw lang mag-isa? Where's your daddy?"
"Daddy's in the hospital po. I'm with my ate Via," malambing na sagot ng bata at hinawakan ang kamay ko.
Tinignan ako ng babae at nginitian din. "Pinsan ka ba ni Zane?"
Bahagya akong nagulat pero ngumiti rin kalaunan. "Hindi. Nagtatrabaho ako sa kanya."
"My ate Via is a nurse po, tita Coleen!" singit ng bata sa tabi ko.
Coleen nodded and looked at me. Nakatingin lang siya sandali na para bang kinikilatis ako bago tumaas ang kilay niya. Kumunot ang noo ko sa sandaling 'yon kasabay nang pagngiti niya ulit, pero alam kong pilit na 'yon.
"Oh, okay. So, you are going to have a haircut today?" tumango si Zoe. "But why? Your hair's beautiful! Maganda 'yang mataas ang buhok mo habang bata ka pa."
Nilibot ko muna ang tingin sa paligid. Walang masyadong tao kaya maluwag ang salon nila at free rin ang lahat ng mga staff. Ang iba ngang napapadaan sa gawi namin ay napapansin si Zoe at binabati ang bata. Masaya naman siya at mukhang kilala niya lahat ng tao rito sa loob. Siguro ay dito sila nagpupunta ng daddy niya kapag nagpapagupit.
"But ate Via and I decided to cut our hair so we will have the same length na po," magalang nitong sagot.
Nawala ang ngiti sa labi ni Coleen at sinulyapan ako. Inirapan niya ako bago binalik ang ngiti sa mga labi nang tignan ulit si Zoe. Umawang ang labi ko sa nangyari at nanigas sa kinatatayuan.
"Baka magalit si Zane niyan at nagdedesisyon si ate mo nang walang permisyo?" hindi ko alam kung naiinis o naiirita ba ang boses niya pero siguro both.
Doon ko lang din napansin ang maliit na nametag na suot niya.
Coleen Ong
Manager"Hindi naman po. Daddy said to me that he can't get mad at ate Via kaya I'm sure that she's safe. Don't worry po at ako ang bahala kay ate," ngumiti ito ng malapad.
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...