CHAPTER 18
Tinulak nang bahagya ni Kylie si Nicole.
"Tangina Kylie!" sigaw ni Nicole.
Sinampal ni Kylie ang bunganga niya. "Palagi nalang kasing ako, ikaw na naman!"
Sabay kaming nailing ni Jaja at napakamot nalang sa ulo.
"Pag ito palpak na naman dahil sa inyong dalawa ha," Jaja warned the two of them.
"Sis, 'di porket may lawit ako, ako nalang laging pumapasok!"
Natawa kami nang sabay ni Nicole dahil sa sinabi niya. Ewan ko ba at nahahawa na ako sa ka-green minded nitong si Nicole.
"Malamang lalaki ka! Edi mas malakas ka samin!"
"Bobo ka ba? Nauntog ba ulo mo sa tubig?" sabi niya sabay batok kay Nicole.
Hindi na naka-angal pa si Nicole nang itulak namin siya papasok sa bakuran ng bahay. Kita ko pa ang paglunok niya bago kami sinenyasan at irapan. Hinanda ko na ang bitbit ko, pati narin ang mga kasama sa gilid ay handa na.
Nicole raised her hand and counted one, two, three. "Tao po!"
Walang sumagot pero nakita namin ang mga anino sa loob ng bahay. Tila nagtatago.
"Tao po!" sigaw niya ulit. "Nandito po ba si Joy?!"
Ilang saglit lang ay bumukas ang ilaw ng bahay at bumukas din ang pintuan. Nakita naman ang ginhawa sa mukha ng ginang.
"Walang Joy dito, hija–"
"Joy to the world, the Lord has come! Let earth receive thy king! Let everyone, prepare him room, heaven and nature sing, heaven and nature sing! And heaven, and heaven, and nature sing!" umalingawngaw sa buong barangay ang matinis na boses ni Kylie.
Habang lumapit si Nicole sa ginang ay kinutusan ni Jaja si Kylie.
"Gaga! Mali lyrics mo!"
"Ha? Iyon ang narinig ko sa kanta!"
Natawa ako nang bahagya. Nakita ko naman ang mukha ng ginang na para bang pinagbagsakan ng langit at lupa. Sa huli, malaki ang mga ngiti namin dahil naka-bente kami roon.
"Ilan lahat, Ja?"
Nag-abang kaming tatlo kay Jaja na may malaking ngiti sa mukha.
"One hundred fifty five!"
Kumpara samin ay si Nicole lang ang hindi masaya. "Isang milktea ko lang 'yan e."
Binatukan ulit siya ni Kylie. "Huwag mo 'kong madala-dala sa kaartehan mo, sis!"
Umirap si Nicole at wala nang nagawa pa.
My vision rolled over so fast like a sleeves on the arms. I adjusted my eye sight and saw my friends on the green grass, laying down comfortably. Immediately joined them.
Nakatingin lang kami sa kalawakan. Maraming bituin na nagkikislapan na parang mga mamahaling crystal. Huminga ako ng malalim.
"If you'd be given a chance to make a wish... what would you wish?"
Naramdaman kong binalingan nila akong tatlo pero nakatingin lang ako sa kalawakang nasa harapan ko. Walang nagsalita ng ilang minuto hanggang sa narinig namin si Nicole.
"I'd wish to be given unlimited wishes," narinig ko siyang natawa ng mahina. "Pero to be honest, I'd wish that people would be free from the image they created just to look perfect for those people who expected them to be... I'd wish them to be brave enough to fight for themselves, brave enough to choose tracks that would make them happy and not let other people control their lives just because people thought it was the best for them, when in fact, it actually wasn't."
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...