02 : Doctor Wilson?

2 0 0
                                    

CHAPTER 02

Why would he do that to me? Hindi pa ba ako sapat?

Iyan ang linyang palagi kong naririnig sa mga teleserye na pinapanood ko.

Sa nagdaang mga araw ay naiisip ko parin ang ginawa ni Jerome sa akin. Pero never akong naging parehas sa mga babaeng bida na napapanood ko... because I am sure that I was enough... it was Jerome who wasn't contented and still wanted more.

Kaya siguro hindi halatang kagagaling ko lang sa break up– maliban kasi sa pag-iisip sa nangyari ay hindi ako umiiyak ng todo. Napapaluha lang pero hindi ko hahayaang sirain ako nito. It's all in the past now, I shouldn't let it break the future I am about to build.

"I don't want to share my thoughts and feelings about your separation because it will be unfair for you..."

Nakatitig lang ako sa screen habang nakikipag-video call kay Lisa.

She's so thoughtful. Ang bait niya upang isipin muna ang mararamdaman ko. Ang swerte ko talaga dahil naging kaibigan ko siya. I just hope she knows that she's the best.

"Pero super relieved ako dahil safe ka away from him..." she paused and continued. "May nakita ka na bang matutuluyan?"

"Ngayon pa ako maghahanap, Li. Ikaw? Kumusta dyan?" I asked.

She scoffed. "Hindi naman sa reklamador ako, te pero 'yong kasama ko sa sobrang friendly pwede nang gawing clown. Hello? Baka hindi siya aware na ako 'yong kasama niya at hindi 'yong mga chingchong. Kung iwan ako akala niya residente ako ng Japan?!"

Napailing ako dahil sa biglaang pagtaas ng dugo ni Lisa. Moody.

Kahit hindi niya inaamin sa akin dahil in-denial siya, may nahahalata naman ako sa kanya, e... She's my friend for years and I knew her too well.

"Kausapin mo ng maayos si Attorney kung may problema ka sa kanya, Li... Baka kung ano pa ang mangyari sayo niyan. Don't let your pride win against you," paalala ko.

Bumuntong hininga siya.

Ilang oras pa kaming nag-usap hanggang sa magpaalam siya dahil tinatawag na naman daw siya ni Attorney.

"Nakakainis. Hindi naman ako nagrereklamo na madami siyang utos pero sobra naman 'yong pagsusungit niya sa akin! Akala niya hindi ako nakakahalata na ako lang ata 'yong sinusungitan niya sa mundo!"

Hindi nga siya nagrereklamo sa lagay na 'yon. Pero hindi ko maiwasang magalala sa kanila. Napaka-taas din naman kasi ng pride nitong kaibigan ko. Sana lang maayos nilang dalawa kung ano man 'yong problema nila roon. Kung sana ay may maitulong ako pero wala naman ako doon at personal issue nila iyon.

Lisa didn't say a thing about what happened between me and Jerome. Hindi niya ako pinilit na mag-kwento kahit alam ko namang gusto niyang malaman kung ano ang nangyari. Kaya sinabi ko ang totoo. Nakinig lang siya hanggang sa matapos ako. Usually, pagmumurahin niya si Jerome... but she didn't. She respects my feelings... and I appreciate it a lot.

Kinamusta niya lang ang nararamdaman at ang kalagayan ko. Nagpasalamat ako sa kanya... kasi kung hindi dahil kay Lisa, I wouldn't realize things with Jerome. How unhealthy my relationship with him was. Na pati pag-iisip ko halos hindi ko na ma-kontrol. But I'm glad that I am finally free from him... and hopefully, I'd move on.

"Good morning, tita..." bati ko pagpasok sa kusina.

Tita Richel's forehead immediately creased when she heard my voice. Hindi rin niya ako tinapunan ng tingin at umismid lang ito sa kinauupuan niya.

Nahihiya akong yumuko.

"Kain tayo, Via," yaya sa akin ni Kieryn. Nagtama ang mata namin at binigyan niya ako ng ngiting nagpapaumanhin.

Try, And Make Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon