CHAPTER 15
"Hindi 'to ang daan patungong apartment a?" tanong ko habang sinusuri ang tinatahak na daan ng sasakyan niya.
"Who said we're going to your apartment?"
Binalingan ko siya. Nakatutok lang ang atensyon nito sa daan at ramdam na ramdam ko ang hindi magandang aura niya.
"Saan ba tayo?"
"Somewhere..."
Kumunot ang noo ko. "Saan?"
"I don't know," sagot niya sa pagod na boses.
Soot pa naming dalawa ang damit namin sa simbahan. Naka-dress pa 'ko. Naka-polo naman siya na naka-tuck in sa itim niyang pantalon. Ang gwapo na sana e, masungit lang ngayon.
Tinignan ko ulit ang daan. Nasa syudad pa naman kami. Hindi ko nga lang alam kung saan siya pupunta at dinadawit pa ako.
"Bigla-bigla ka nalang nanghahatak ng taong hindi ready at walang alam gaya mo?"
Sinandal niya ang ulo sa head rest at bahagyang sinulyapan ako. Nag-iwas agad ako ng tingin.
"I thought you owe me a trip? Why are you complaining as if I'm kidnapping you?" ramdam ko ang mahina niyang tawa.
"Grabe sa kidnap," natawa ako. "E sa hindi mo ako sinabihang ito pala 'yon. Akala ko sa tabi-tabi lang tayo."
"Why? Nasa gitna-gitna ba tayo?"
"Ang korni!" tawa ko at hinampas siya sa braso. Ang tigas, bakit ganoon?
"So, bayad na ako ha," paniguro ko at tinuro siya. "Wala na 'kong utang sayo."
Hindi na siya nagsalita pa pagkatapos nun. Kaya hinilig ko ang sarili sa kinauupuan at huminga ng malalim. Maybe I need this too. We both need this.
Pinikit ko ang mga mata. At bago pa ako tangayin ng antok ay medyo hindi ko na narinig pa ang binulong niya.
"Marami pa... Marami pa 'kong sisingilin sayo sa tamang panahon."
Nagising ako dahil huminto pala ang sasakyan sa drive thru ng McDo. Nag-oorder na si Zane kaya kinuha ko narin ang pitaka ko upang makapag-bayad sa kakainin ko. Pero bago ko pa man mabuksan ay kinuha niya sa akin 'yon.
"Akin 'yan," sita ko sa kanya. Hindi naman kami magkaparehas ng wallet e. Baka akala niya siguro kinuhanan ko siya.
Hindi niya ako pinansin at nagbalik na naman ang aura niya kagabi. Napaka-moody niya talaga. Sinundan ko ng tingin ang wallet ko at binulsa niya 'yon.
"Hala Zane, akin 'yon," paalala ko sa kanya.
"That's all sir?" tanong ng babae.
"Do you want something else?" tanong ni cold boss sakin. Marahan akong umiling dahil kinuha niya naman ang pera ko.
Nagpasalamat lang ako sa babae pagkatapos niyang ibigay lahat ng order. Nagsimula naring mag-drive si Zane kaya tahimik na uli sa sasakyan. In-arrange ko nalang ang mga paper bags dahil baka mahulog ang mga pagkain sa loob.
"You can eat," he said, eyes fixated on the road.
"Pwede naman ata tayong huminto muna? Para makakain ka ng maayos," suggest ko dahil paano siya kakain kung nagda-drive siya.
"Malayo ang pupuntahan natin. Bukas ng tanghali pa ata tayo makakarating doon."
Nanlaki ang mata ko. "Ano? Seryoso ka ba riyan?"
Nagulantang naman ako. I mean, nagda-drive si Zane. That would be so tiring. Hassle pa sa lahat ng hassle kung pwede lang naman kami rito sa manila. Ito ba 'yong ibabayad ko? O baka utang na naman 'to sakin?
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...