CHAPTER 01
Sumakay ako ng tricycle patungong Jollibee. Tanghali narin at sobrang mainit dito sa Pilipinas. Kumalam ang sikmura ko dahil hindi pa pala ako nakapag-umagahan at kape lang ang ininom ko kanina.
Naisip ko naman ang apartment ko... Ayoko nang bumalik pa roon dahil makikita ko lang ang pagmumukha niya. Di bale na, kaya ko naman sigurong mag-ipon sa pagiging nurse at umupa ng apartment...
"Two hundred fifteen po lahat," sabi ng babaeng cashier.
Kinuha ko ang aking wallet at nagbayad na. Medyo nahirapan pa ako dahil bitbit ko pa ang maleta ko. Naiilang na ngumiti ang babae habang tinitignan akong nahihirapan.
"Nako, ma'am mahaba pa po ang pila at wala kaming extra waiter na pwedeng tulungan ka."
Tumingin ako sa paligid at ngayon lang napansin ang pagdagsaan ng mga estudyante galing sa paaralang nasa harap lang ng Jollibee. Napailing ako dahil abala nga ang lahat ng crew dahil punuan na. Saan naman ako pupwesto nito?
Bago ko pa masabing itetake out ko nalang sana ay wala na ang babae sa harap at pineprepare na ang order nitong katabi kong lalake.
Nakatayo lang ako sa gilid niya nang tignan niya ako. Nakasoot siya ng puting polo at itim na slocks. Maayos din ang kanyang buhok at napakakinis ng puting balat. Walang pores at pimples. Nakakunot ang noo nito sa akin.
"Why?" tanong nito.
"Ha?"
"Huwag mo akong titigan."
Nanlaki ang mata ko. "Hala! Hindi po kita tinititigan!" Napaka-assumero naman pala nito.
Nag-iwas ako at hinintay nalang ang babae. Bumalik siya dala ang nakabalot na order ng lalakeng katabi ko.
"Uh, s-sir, baka pwedeng pakitulungan po si ma'am? Kulang pa po kasi kami sa waiter e..."
Marahang tumango ang lalake at nilagay ang order niyang dalawang malaking paper bag sa tray ko at binuhat iyon. Nagsimula kaming maglakad sa napakaraming estudyanteng nagkalat sa paligid.
Nakasunod lang ako sa likuran niya nang may biglang nagtulak sa akin.
"Tumingin naman kayo sa dinadaanan niyo!" sigaw nung babaeng.
Agad akong tumayo at nagpaumanhin nalang bago lumapit sa lalakeng nakaabang.
"What happened?"
"Wala. Nabunggo niya lang ako."
Kunot lang ang noo nito at inilipat ang paningin doon sa babaeng nagdadabog at patuloy lang ang pagtawag sa aking tanga.
Half truth.
Mas lalong kumunot ang noo ng lalake at lalapitan pa sana ang babae pero agad ko siyang pinigilan. "Huwag na po. Okay naman na."
Tumango ako sa kanya upang senyasan siyang magpatuloy dahil sobrang daming tao. Naglakad kami papuntang gilid. Nilapag niya ang tray sa isang mesang may nakaupong batang babae.
"Daddy!" magiliw na tawag ng bata at tumayo sa kanyang upuan upang yumakap sa leeg ng kanyang... daddy?
He's married. Hindi halatang may pamilya na siya dahil bata pa naman siya sa unang tinginan. Sobrang taas din niya at nasa leeg niya lang ata ako.
"Sit down, Zoe," utos ng kanyang daddy. Umupo naman ang bata at excited na kinuha ang ice cream ko sa tray. "That's not yours."
Ngumuso ang bata, "I want ice cream..."
Umupo na ang lalake sa gilid nung bata at sinenyasan akong maupo sa harap niya kaya sumunod naman ako.
"You heard me, put the ice cream down."Dahan dahan naman iyong binaba ng bata. Nakaawa ang mukha nito dahil naiiyak na. Sobrang cute naman.
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...