CHAPTER 10
Hang on for a minute!
This chapter is special to me since half of it talks about gender equality, female and male empowerment, and some toxic traits of a parent... (hypothetically) :)))short message: I wrote this on September 16. No one actually knows that I'm starting to write in wattpad and that's why I don't have any followers (I'm not expecting to have one). So, if ever you decided to read my story and have reached chap 10... I want you to know that I'm so thankful to you.
***
"You good?"
Tinignan ko si Kylie nang tanungin niya ako. "Why wouldn't I be?"
"You looked crestfallen, sis..." malungkot niyang sabi sa akin.
Ngumiti nalang ako nang tipid upang sabihing maayos naman ako at hindi na nagsalita pa.
"Cheers!" magiliw na sigaw ni Nicole at inangat ang baso niya bago 'yon tinungga. "This feels good!"
"Lasing na?" tanong ko kay Jaja na nasa kaliwang bahagi ko habang nakanguso kay Nicole na nasa harapan lang namin na katabi ni Kylie.
"Oo. Mababa tolerance niyan, e pero kung maka-inom akala mo kung sinong siga."
Sabay kaming napabuntong hininga ni Jaja. Niyaya kasi kami ni Nicole mag-club dahil gusto niya rawng uminom ngayon. Sinamahan naman namin siya at ilang saglit lang ay nalasing agad nang hindi ko namamalayan. Kanina parin siya nagku-kwento.
"Tangina talaga," mahina niyang sabi at tumungga ulit.
Nagaalala kong sinenyasan si Kylie na alalayan si Nicole sa pag-inom dahil magkatabi lang naman sila.
"Ayaw niya paawat, sis," kahit si Kylie ay medyo naalerto narin.
"Sino ba kasing nagsabing ginusto kong mag-nurse?! Sila lang naman ang nagpupumilit kasi gusto nilang pabanguhin ang kompanya nila! Parang gago!"
Napatingin ako sa mesa at hindi na matignan ang itsura ni Nicole.
"Pamilya! Pamilya pero hindi na nila alam na nasasaktan na ako! Na hindi na ako nasisiyahan sa lahat ng mga pinagsasabi nila sakin!" marahas siyang bumaling kay Jaja. "Sabihin mo sakin, Ja?! Pabigat at walang kwenta ba ako? Ginawa ko naman ang sinabi nila a? Sinunod ko naman ang mga putanginang daing nila? Hindi pa ba 'yon sapat?!"
Naaawa kong tinignan si Nicole na patuloy lang sa pagluha at pagtungga ng inumin niya.
I felt sad for her. Kasi kahit ayaw niyang maging nurse ay walang siyang ibang magawa dahil kailangan niyang sundin ang gusto ng magulang niya... Kagaya ko, nurse lang ang malapit sa propesyong gusto ko kasi hindi ko kaya ang maging doctor.
Niyakap ni Kylie si Nicole at tinabi ang lahat ng bote ng alak na malapit sa kanya. Inabot namin 'yon ni Jaja at inilayo kay Nicole.
"Nics, everything will be fine..." suyo ko. "You did great, you don't have to prove yourself anymore as long as you knew you did your best. Nandito lang kami para sayo..."
Narinig ko ang paglakas ng hagulgol niya kaya ngumiti ako.
"Via's right. It wasn't your fault if they couldn't appreciate the things you had sacrificed before, and willing to sacrifice more... Pero kami, handa kaming suportahan ka lagi." ani Jaja.
Humarap si Nicole sa amin at lumapit sa gitna namin. Siniksik niya ang sarili sa pagitan namin at niyakap kaming dalawa.
"Thank you..."
"Hoy mga gagang sisiw, ako rin!"
Lumipat din si Kylie at naupo sa mesa na nasa harapan namin. We enveloped ourselves in an embrace.
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...