CHAPTER 05
Winala ko nalang sa isipan ko 'yong weirdong si Lary at nagpatuloy sa lakad. I have this weird instinct that I would be meeting him again. Ewan ko.
Pumasok ako sa kulay dilaw na building hindi kalayuan sa St. Luke. Ngayon ko lang 'to nakita. Natanaw ko ang matandang nagbabasa ng diyaryo sa kanyang lamesa.
"Magandang umaga po," tawag ko sa kanyang atensyon.
Nilingon niya ako. "Magandang umaga rin. Pasok ka hija."
Laking pasasalamat ko at madami namang bakanteng kwarto rito. At ang maganda pa ay kasya lang sa budget ko ang pang-uupahan. Sabi rin ni Aleng Linda ay bagong katatayo lang nitong apartment niya kaya hindi pa masyadong sikat at kalat sa buong Manila.
Binayad ko ang tinabi kong pera para rito. Tinignan ko rin ang kwarto at agad ko namang nagustuhan ang lamig ng klima sa loob. Maganda rin ang pagkaka-arrange ng mga gamit. Maganda ang kondisyon ng pintura at kama dahil bago pa lang ito. Pinasok ko ang CR, tama lang din siya para sa isang tao at malinis ang mga gamit.
Hinarap ko si Aleng Linda at nagpasalamat muli sa kanya.
Pagkatapos ko roon ay dumiretso na ako sa hospital. Malaki pa ang oras ko kaya roon nalang muna ako. Wala naman kasi sa akin ang mga maleta kaya wala akong magagawa sa kwarto bukod sa tumunganga.
"Wow. Super duper ultra mega aga natin, sis!" bati sa akin ni Jaja.
"Wala ulit aking choice."
"Nakahanap ka na ba ng apartment?"
"Oo, malapit lang dito saka mura lang din naman."
Nag-usap pa kami sandali hanggang sa dumating si Kylie.
"Hi mga sisiw! Ang early bird niyo naman!"
Nagtataka talaga ako rito kay Kylie kung may obsession ba siya sa mga ibon? O mga hayop na may tuka at pakpak?
"Mahirap na ang ma-late. Walang issue 'yon kay Nicole dahil mayaman naman na 'yon," sabi ni Jaja na sinang-ayunan agad ni Kylie.
Hinarap niya ako. "Kumusta ang date, ateng?"
"Date?"
"Petsa, gusto mo?" tumawa ito at nag-flip hair. "Nahahawa na ako kay Nics. Anyways, kay papi Wilson kasi sis."
"Hindi naman kami nag-date. For business purpose only."
"Ay ano ba 'yan!" maktol niya at naglakad papunta roon sa lababo.
"Ano bang ine-expect mo, Antonio Junior?"
Pairap na bumaling si Kylie kay Jaja. Ngayon ko lang napansin na compared sa mga bakla na nakakasalamuha ko ay medyo hindi siya expose. Clean cut ang buhok at medyo matikas ito kung tumayo, lalo na kapag maraming tao. Maliban lang kung kaming apat lang ang magsama-sama. Pansin ko ring umaayos ang boses at kilos niya sa labas ng office.
Kahit na ganoon, o kung ano man ang tinatago ni Kylie, hindi ko maipagkakailang may mabuti siyang kalooban.
"Of course I expect the expected!" naiinis niyang sabi. "Huwag mo nga akong tawagin sa pangalan na 'yan!"
"Oh? Bakit si doktora Torres hinahayaan mong tawagin kang Kyle Antonio Junior?" tukso ni Jaja na lalong nagpainit sa ulo ni Kylie.
"Malamang doktor 'yon, huwag ka ngang tanga."
"Sabihin mo, crush mo lang talaga si doktora. Ano?"
Tinignan ko si Kylie. Umakto naman ito na parang nasusuka.
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...