12 : Pretentious

3 0 0
                                    

CHAPTER 12

"Ate, what was that po? Sino 'yong babae na tumawag kay daddy kanina?"

Nakatulala lang ako sa mukha ni Zoe at hindi maka-ngiti ng maayos. "S-si doktora Torres 'yon. Tara na, matulog ka na."

"Po? I'm not yet sleepy. Let's call daddy again," sabi niya.

"He probably got something important to do right now, Zoe."

Nalungkot ang mukha niya at sinulyapan ang likuran ko kung nasaan ang sala nila.

"Let's watch something nalang po and wait for daddy to be done with his important business..."

Umawang ang labi ko sa sinabi ng bata. Wala naman kasing ibig sabihin ang important business kay Zoe pero para sakin may iba pa itong kahulugan. I mean... Zane...

Natawa ako sa harap ng bata. E ano naman? Hindi ko naman hawak ang desisyon ng buhay niya, 'no. Pero sana naman kung may gagawin siyang ganoon huwag nang sagutin 'yong tawag ko. Pwede naman kasing ayusin niya ang reply niya at sabihing huwag ka munang mang-istorbo at maghahalikan muna kami ni doktora.

"Nababaliw na 'ko."

"Po?"

Napakurap-kurap ako nang makita ang naguguluhang mukha ng bata sa harapan ko. Pinilig ko ang ulo ko at kinurot ang palad. Umayos ka, Via!

"Let's go to your room na."

"But ate... Hindi pa ako inaantok..."

"Zoe," maawtoridad kong tawag.

Napayuko siya at hinawakan ang magkabilang palad. Napabuntong hininga ako dahil sa ginawa. I didn't meant to be strict and mean to the kid. Ewan ko at ba't bigla nalang ako nawalan ng gana.

Pagkatapos ko siyang mapagtimpla ng gatas ay inimnan na niya iyon. Pinanghalatian niya muna 'yon bago ako sinulyapan.

"You seemed irritated kanina pang hapon nung pumunta ka sa kitchen after daddy's call ate. Are you mad at me? I'm sorry na po. I'll behave and listen to you na..." 

Doon ko lang napansin na magkadikit na naman ang mga kilay ko kaya agad akong huminga ng malalim. Bigla nalang din akong napangiti dahil kay Zoe. I didn't know she noticed that because even me didn't. Kaya agad akong nakonsensya at umupo rin kagaya niya sa kanyang higaan. Umusog ito upang bigyan ako nang space at binigay sa akin ang ubos na niyang gatas. Sabay kaming humiga at agad lumambot ang puso ko ng siya mismo ang naglagay ng comforter sa katawan ko.

She hugged me and all of my insane thoughts flew away just like that. I carresed her hair and I saw her closed her eyes.

"I'm not mad at you, Zoe," panimula ko. "I'm sorry... Remember that ate loves you so much okay?"

Tanging tango nalang ang naisagot niya dahil humikab na ito. I smiled and hugged her too.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya mahaba ang oras ko upang mag-prepare. Pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ay sinunod ko naman si Zoe. Binihisan ko siya ng uniform niya sa school.

"Uuwi na po ba si daddy ngayon?" tanong niya bigla nang nasa labas na kami at nag-aabang na ng taxi.

"I'm not sure pa, e but I'll ask," ngumiti ako.

"If daddy will go home tonight... can you sleep here too?"

Natigilan ako sandali sa tanong niya. Kasi nandito lang naman ako natulog dahil wala si Zane at walang bantay kay Zoe, at syempre dahil trabaho ko naman talagang alagaan ang bata.

Wala akong naisagot agad kaya laking pasasalamat ko nang may humintong taxi sa harap namin. We drove to Zoe's school and drop her off safely. I make sure first that she will enter the gates surely before going back to the taxi.

Try, And Make Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon