CHAPTER 04
Pagkatapos malinis ang table namin ay nagsimula na kaming mag-usap.
"My friend owns a condominium near the St. Luke," panimula niya.
Ang mahal ng condo... Hindi ko nga afford 'yong ibang apartment, condo pa kaya?
"Okay lang naman ako sa apartment lang," sabi ko.
He crouched a little. "I insist. Your security is safer there."
"Hala, wala naman sigurong magtatangka sa buhay ko."
"You're under my residency, under my hospital management. It is really important. Every lives matter, right?"
Tumango ako. It is the St. Luke's motto.
Ang bait.
"Magkano ba roon?"
Tinitigan niya ako. "I'll pay–"
Hala, sumusobra na naman ata 'tong lalakeng 'to.
Isa ba siyang walking bank? Naglalakad na alkansya o pitaka? Alam ko namang mayaman at matulungin pero grabe naman na atang paggastusan ako ng ganoon. Hindi naman niya ako ka-pamilya, saka ang pangit tignan kahit sa anong aspeto.
Ayoko ng ganoon. Hindi lang magandang tignan. Nurse ako sa hospital niya, tapos magtatrabaho naman ako, sapat naman 'yon.
Ngumiti ako at pinutol ang sasabihin niya sana. "Ako po 'yong magbabayad."
Natigilan siya sandali. "I didn't meant to sound off and disrespectful. I'm sorry."
Agad akong na-guilty. Hala, bakit ko pinag-papaumanhin si big boss?!
Nababaliw ka na ba, Via?!
Ayoko namang isipin niyang masama akong tao dahil siya na nga itong nagmamagandang loob na tulungan ako sa abot ng makakaya niya pero heto ako at pinapairal ang aking prinsipyo... pero kasi kaya ko naman talagang magbayad.
"Pasensya na rin... pero kaya ko naman magbayad ng sarili kong tutulayan... Nakakahiya na kasi sa inyo at madami ka nang naitulong sa akin... Hindi naman na maganda na pati ikaw pa magbabayad sa titirhan ko..." mahinahon kong paliwanag.
He bit his lower lip. "I know. I'm really sorry. I just got carried away..."
Hay. Sobra na 'tong pagkaka-helpful mo big boss. Pero mabuti 'yan dahil bukal sa loob siyang tumutulong ng walang hinihiling na kapalit. Ang gwapo lalo ni big boss sa paningin ko.
"Wala po 'yon. Pasensya na rin," sabi ko. "Tungkol doon sa condo... magkano ba?"
Matagal siya bago sumagot. "It's a bit expensive, though I can ask for a discount."
Mahal nga.
Nako... gipit ako e.
"Ayos naman ako sa apartment lang."
Tinitigan niya ako. "There are also cheaper price if you want. Pero hindi kasing laki nung mamahalin pero ayos nadin."
Gusto niya talagang mag-condo ako. Pero masyadong mahal kasi talaga, e. Okay lang sana kapag ilang months kong pag-ipunan muna... pero walang-wala talaga ako ngayon.
Kinagat ko ang labi ko. He won't give it up but I also won't give the apartment up... kung saan mas kasya pera ko.
"Para mapanatag ang loob mo, pwede mo namang tignan din ang mapipili kong apartment kung gusto mo lang," suggest ko.
"No need for that. Sasamahan naman
talaga kitang mag-hanap."Tumango ako at hindi masyadong pinrocess sa utak ko ang sinabi niya. Masakit kasi 'yon sa ulo.
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...