CHAPTER 20
Hindi naman ako iyaking tao... pero nitong nagdaang buwan ay lagi lang akong umiiyak sa gabi.
I don't know why.
I was torn.
Maybe, I was too hurt. Too mad at myself. Too in love. Too happy. Too sad. Too regretful.
Maybe all of it.
Kaya naiiyak nalang ako kasi wala nang mapaglagyan ang nararamdaman ko.
Umuwi ako kagabi na basang-basa sa ulan at iyak lang ng iyak. Parang tanga. Ang tanga ko.
"Ay tanga!"
Agad akong tumayo sa pagkakamudmod sa tiles at pinagpagan ang sarili.
Nilibot ko ang paningin at lahat sila nakatingin sa akin. "H-ha?" tumawa ako ng pilit. "Okay lang ako 'no!"
Tinignan naman nila ako na para bang nawe-weirduhan sakin. Naglakad nalang ako ng mabilis at lumayo na roon.
Ini-scan ko muna ang hawak na papel bago binuksan ang glass door. Pagpasok ay nakita ko agad ang iba't ibang klase ng mga alak at wine na naka-display. Dumiretso ako sa lalakeng nasa counter upang ibigay sa kanya ang hawak kong papel.
Binasa niya 'yon at kinukuha bawat isang nakalagay doon.
"Ang dami niyong bibilhin ma'am a? Family celebration po?" tanong nito habang inaabot ang tequila sa itaas.
"Uh. Job celebration? Nakasanayan na din daw kasing mag-celebrate kada taon."
Nang ma-ibigay na sakin lahat ay nagbayad na ako. Grabe, ang mamahal ng alak na 'to!
Bago ako lumabas ng mall ay dumaan muna ako sa isang salon.
"Happy new year, miss. New life, new hair?"
Nginitian ko ang bakla bago tumango.
"At your service!" maligaya niyang sabi at hinila ako palapit sa isang upuan.
Nang maupo ay tinitigan ko ang sarili sa salamin. Tumaas nadin kasi ang buhok kong hanggang balikat dati at ngayon ay nasa kili-kili ko na ang haba.
Napag-desisyonan kong pagupitan hanggang leeg. Wala namang problema kasi bagsak na bagsak naman ang buhok ko. Nang matapos ay hindi ko maiwasang mapangiti.
"Ayaw niyong magpa-hair color?" tanong niya.
Napaisip ako sa offer.
Wala naman sigurong masama diba?
Lumabas ako ng salon na naninibago. Hindi kasi ako sanay na kulay ash gray na ngayon ang itim na itim na buhok ko noon. Bitbit ang mga mabibigat na alak sa magkabilang kamay ay nagmartsa na ako papasok sa elevator.
"Via?"
Napakurap ako ng mamukhaan ang lalakeng sabay kong lumabas ng mall.
"Jerome..."
"Hi. Long time no see..." sabi niya. "Happy new year."
"Same to you," ngumiti ako.
Tinignan niya ang hawak ko at walang sabing tinulungan akong magbuhat nun.
"Hala, salamat."
Naghintay kami sa abangan ng tricycle. Walang nagsasalita pero hindi ko na ramdam ang galit at poot na naramdaman ko rati.
"V... I'm sorry. I know what I did was unforgettable and unforgivable but I want you to know that I am really sorry," nilingon ko siya at nagtama ang tingin namin. Hinarap niya ako. "Please do know that you're worth it. You deserve all the love, you deserve someone who can make you feel what you actually deserve... that I failed to gave you."

BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...