CHAPTER 17
One word to describe ocean– relaxing.
Kung ako ang tatanungin, I could live a life in a beach. Malayo sa syudad at naglalakihang mga buildings. Malayo sa usok ng sasakyan. Far away from my comfort zone.
Pang-apat na araw na namin dito at wala akong ibang ginawa kundi i-enjoy ang dagat at mga pagkain. After my call with Lisa, I realized that I shouldn't overthink it that much. Natawa ako sa aking sarili. Ako na mismo ang hindi sumunod sa sarili kong utos.
"I thought It was fun until it lasts, Via?" tinig ng isang boses sa isipan ko.
So what if Zane's flirting with me? Or was he? That maybe I was just hallucinating from all of this? Gusto kong isipin na ganoon nga pero imposible. At tangi ko lang gagawin ngayon ay huwag nang isipin pa ang problemang iyon. It wasn't mine to begin with. Problema na 'yon ni Zane at wala na akong magagawa pa roon.
I just hope that he knew better than that. He knew that I wasn't most of his women. Hindi ako ganoon. Hindi ako pang-ganoon.
Tinignan ko ang karagatan 'di kalayuan sa inuupuan ko. Funny how love works, isn't it? The more you saw his flaws, the more you fell in love deeper.
Nakakatawa kasi wala ka nang magagawa kundi hayaan itong tangayin ka ng agos hanggang sa kinailaliman ng dagat, kasalanan mo na kung malulunod ka... o pipilitin mong sagipin ang sarili mo.
Because after all this time, it was your choice to make.
"Excuse me, hija. Pwede pa-picture?"
Napaigtad ako sa gulat ng may nag-lahad ng camera sa harapan ko.
"S-sige po," agad ko 'yong tinanggap at in-adjust ang lens upang maganda ang kuha.
Pumwesto ang katandaang lolo sa tabi ng kanyang asawa. Napangiti ako nang sabay silang ngumiti. They looked so cute and elegant. Halata ngang may kaya sa buhay dahil sa soot at aura nila.
"Saan ba Arthur?" tanong ni lola.
Ngumiti ng malungkot si lolo at sinandal ang ulo ni lola sa balikat niya. Inakbayan niya ito at nakatingin lang si lola sa kawalan habang si lolo ay nakatingin sa camerang hawak ko. They were both smiling but the evident pain in both eyes were clear to me.
"One, two, three... smile."
Marami ang kinuha ko sa iba't ibang anggulo. Hindi ako professional photographer pero alam kong maganda ang kuha ko.
"Salamat, hija..." ngiti ni lolo sakin.
"Walang anuman ho..."
Tinignan ko sila at tanging si lolo lang ang nakayuko habang tinitignan ang kuha ko. Si lola naman ay nakatingin padin sa kawalan.
"Maganda ba?" si lola.
"Oo. Ang ganda mo."
Tuluyang natunaw ang puso ko habang nakamasid lang sa kanila.
Tumawa si lola.
"If only you could see how beautiful you are, Mila... If only we could see the world together..."
Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang pabalik sa kwarto namin. Ang sakit lang ng nasaksihan ko kanina. Ang sakit lang isipin na iyong mga taong totoong nagmamahalan ay napaparusahan sa ibang paraan. Ang sikip ng dibdib ko ng maalala ang dalawang matanda.
"She was my first love, hija. Nabulag siya sa edad na singco. Pinagkaitan agad siyang makita ang buong mundo sa murang edad pa lang. Magkababata kami. Minahal ko siya ng buong-buo habang tumatagal..." huminga ng malalim si lolo. "Pero iba mag-isip ang tadhana. Minahal niya ang kapatid ko."
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romansa#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...