CHAPTER 23
Pagkahiga ko pa lamang ay agad kong pinikit ang mga mata ko upang pilitin ang sariling matulog.
Hindi pa nga nagsisimula ang utak kong mag-isip ng kung ano-ano ay narinig ko ang tawag ni Zane.
"Via."
Hindi ako sumagot at nagkunwaring tulog na.
"I'll take a quick shower first."
Iyon lang ang sinabi niya at narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa banyo. Hindi ko 'yon narinig na sumirado kaya unti-unti kong binuksan ang mga mata at sinilip ang pintuan.
Zane's serious face met my eyes. Taranta akong bumalik sa pwesto.
"I know you're not asleep yet. Hintayin mo 'ko."
Bumuga ako ng hangin nang marinig na sinara niya na 'yon. Nakakaasar talaga.
Ilang sandali ay natapos nadin siyang maligo. The familiar scent of him fresh from bath attacked my nose. Agad kong pinikit ang mata nang makita ang side view niya habang naglalakad ng wala ni kahit isang saplot sa harapan ko. Ang puting tuwalya ay ginamit niya lang sa pagpapatuyo ng buhok at agad din naman iyong sinukbit lang sa balikat.
He went beside the bed, in front of the cabinet. Tinalikuran ko siya at pinilit ulit ang sariling matulog. Ilang saglit lang ay narinig ko ang tunog ng tv na nililipat niya sa ibang channel.
He won't sleep?
Or will he going to sleep in the (obviously too small for him) couch?
"Via."
Agad nawala ang bumabagabag sakin ng marinig ang boses niya.
"Matutulog na ako," sabi ko.
"Come here."
Hindi ko siya sinunod. Kanina lang nagdududa siya? Nagkunwari agad akong tulog na.
"No one will sleep until we settle our issue," his voice serious. "Let's talk."
Pero hindi parin ako gumalaw o sumagot man lang. Seconds by now he would probably realize that I'm already asleep.
"Isa," pumintig ng malakas ang dibdib ko ng marinig ang authority sa boses niya. "Hindi ako nagbibiro. Halika rito."
Nakasimangot, ay dahan-dahan akong bumangon at umupo ng maayos.
"Zane, maaga pa 'ko bukas. Ayokong ma-late na naman," I faked a yawn. "Sinabi ko na lahat ng sinabi ko kanina at 'yon ang gusto ko para sayo. Kung desidido ka na, edi wala na akong magagawa pa diba. Bahala ka na sa buhay mo–"
"Anong bahala ka na sa buhay mo?"
Tumindig ang balahibo ko sa batok nang makita ang pagkakadisgusto niya sa sinabi kong 'yon. Doon ko lang din nasilayan ang pagkapareho ng terno naming pajamas. Ngumuso ako dahil nade-delay ang kilig dahil sa pagtatalo namin ngayon.
Mas umayos ako ng upo upang pagaanin ang loob niya. Natatakot pa naman ako kapag sobrang galit na siya.
"Sige," finally giving in. "Mag-usap tayo."
He arched his brow. "Why are you there? I said you sit here."
"Kahit umupo pa 'ko sa dingding ay makakapag-usap padin tayo," tumawa pa ako para effect.
Hinintay ko siyang matawa rin sa lame kong joke pero walang dumating. Agad dumaloy ang kaba sa dibdib ko nang mapagtantong hindi na siya nadadala sa mga pa-effect effect ko. Grabe, kahit si Lisa hindi narin nagpapadala sa mga uto ko.
"I'm serious. Walang matutulog hangga't hindi tayo nagkaka-ayos."
"Hala, maayos naman tayo," kunwari ko pa, at sinubukan ulit tumawa pero naging bahaw lang ulit 'yon dahil mas dumilim lang ang paningin niya sakin.

BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...