14 : Dealing with things

1 0 0
                                    

CHAPTER 14

Umaga na at para kaming mga lantang gulay sa loob ng opisina. Wala kaming tulog dahil kailangan naming i-check kada oras ang aming mga pasyente. Kaya heto at tuwi-tuwinang umiidlip lang.

Tulog silang dalawa sa harap ko. Hindi ko nga rin alam kung pang-ilang kape na ang nainom ko ngayon.

"Hoy, Via... pahingi... Baka hindi na ako magising," tawag sakin ni Nicole. Agad kong inabot sa kanya ang hawak na kape dahil medyo sumasakit nadin ang tyan ko sa rami ng nainom ko.

"Dahan-dahan. Mainit pa," sabi ko. Tumango lang ito sakin at ngumiti ng tipid. Si Jaja naman ay mukhang nagising dahil sa ingay namin.

Nang matapos nilang ubusin ang kape ay naisip naming mag-stretching upang magising ang diwa namin. Sinusunod lang namin si Nicole sa instructions niya. Ilang saglit pa ay pumasok ang ibang nurse at nakisali rin sa amin. Masaya kaming lahat nang matapos dahil ginanahan ang mga katawan namin dahil doon. Umalis din agad ang iba dahil may gagawin pa sila at ang ilan naman ay nagpaiwan muna saglit.

"Oy Via, ikaw ba 'yong nakita ko noong lunes kasama ni doctor Wilson?"

Napatingin ako kay Cherry. Nagsa-sanitize ito ng mga kamay. Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay nanlaki agad ang mga mata ni Nicole.

"Talaga? Bakit hindi ko alam 'yan?!"

Hinila ni Jaja ang buhok nito at sinenyasang tumahimik muna.

"Uh... Oo, Che. Sinamahan ko lang siya," sabi ko dahil iyon naman ang totoo.

"Akala ko ibang tao kasi maikli ang buhok pero nung nakita kita ay hawig mo nga 'yon! Hindi ko naman alam na nagpagupit ka pala," sabi niya at kinilatis ang mukha ko.

"Soot mo 'yong coat ni doc?" tanong ni Gweneth.

Agad tumili si Nicole. "Totoo ba 'yan?! Oh my God!"

Hindi siya pinansin ng dalawa at nag-abang lang ito sa kumpirmasyon ko. Dahil walang magawa ay mabilis nalang akong tumango na nakapag-pangiti sa kanila.

"Pero huwag kayong mag-isip ng masama. Wala namang ibang kahulugan 'yon," agap ko agad.

"Ako pa inuuto mo?–" naputol ang sasabihin ni Nicole dahil agad na tinakpan ni Jaja ang bibig nito.

"Pero kahit na, Via. Nakakakilig padin 'yon. Single naman si doc e," sabi ni Gwen na agad sinang-ayunan ni Che. Nginitian ko nalang sila at hindi na nagsalita pa hanggang sa magpaalam na ang dalawa.

"Gaga ka talaga kahit kailan!"

Sita agad ni Jaja kay Nicole nang kami nalang ang naiwan sa silid pero hindi nagtagal ay nagtitili na silang dalawa.

"Buntis ka na ba?!" high pitch na tanong ni Nicole.

"Invited ako sa kasal ha!"  si Jaja.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Ang advance mag-isip.

"Hindi naman ako ang type ni doc."

"So gusto mo nga siya!" walang pag-aalinlangang sabi ni Nicole.

Patuloy lang sila sa pag-tanong na sila rin naman ang sumasagot. Inilingan ko nalang sila nag-prepare na nang kakailanganin ko sa araw na 'to.

Natapos ang araw na wala naman masyadong nangyari. Mabuti narin ang kalagayan ng mga pasyente at ang iba pa nga'y discharge na. Ano pa nga ba e St. Luke ito. Dumiretso na ako sa condo nang makuha ang mga gamit sa apartment. Tinawagan kasi ako ni big boss at sinabihang hindi siya sure kung makakauwi ba siya. Wala naman akong reklamo at sa katunayan pa nga'y gusto ko rin kasama si Zoe lagi.

Try, And Make Me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon