CHAPTER 24
"Sabi nila kapag in love ka... bumabagal ang mundo mo... tapos... tapos–"
"Athena and Kenji!" sagot ko agad.
Nag-apir kami ni Jaja. At inabangan si Kylie at Nicole.
"Pangit ba ako? Kapalit-palit ba 'ko?"
"No–" singit ni Kylie.
"Then why?!"
"Liza and Enrique!" nag-flip hair pa siya na ni hindi abot sa leeg ang buhok.
Umirap si Nicole at humalukipkip. "Ang tanga naman! Sabing character's name!"
"E sa hindi ko knows sis!" binatukan niya ang partner niya.
Napasapo nalang kami ni Jaja sa mga noo namin at hindi na natapos ang laro dahil nagbabangayan na naman ang dalawa.
"Ang bobo mo sis–"
"Ikaw, pota ka!"
Nanlaki ang mata ni Kylie at hinila ang buhok ni Nicole. Bumuntong hininga nalang ako at napakamot naman sa ulo ang katabi ko.
"Parang mga 'di professional!" sigaw ni Jaja.
Agad nagsitayuan ang dalawa at madramang niyakap ang isa't isa sa harap ni Jaja.
"Are you churlala, sis?" nag-aalala ang boses nito habang hinahaplos ang buhok ni Nicole pero kitang-kita sa gawi ko ang paghila niya dito.
Halos sumabog ako sa tawa nang makita ang reaction ni Nicole habang hindi na maitsura ang mukha at pilit na tumatawa pero kitang-kita ko ang pag-apak ng takong niya sa sapatos ni Kylie.
"Tangina mo– okay ka lang ba?"
Hindi ako matapos-tapos sa tawa ko kahit nandito na kami sa opisina. Pinigilan ko ang sarili dahil kailangan na naming mag-seryoso.
Naupo kami sa likurang bahagi. Mabuti nalang at hindi naman kami sobrang late talaga dahil kakasimula pa lang naman daw ng meeting.
Zane on his white coat and fresh look stood up in a mini-stage like holding a microphone in front of everyone.
Sinulyapan pa ako ng kuryosong tingin ni Kylie pero hindi na nagsalita pa.
"Nurse Via?"
Nilingon ko si doc Sarah na nakatayo sa pinaka-likurang bahagi.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Can I talk to you? I have something to discuss with you privately."
Nagkatitigan kami sandali at nakita ko ang pangamba sa mga mata nito. Agad akong tumango kaya lumabas kami sa silid at nagtungo sa hagdanan na nasa gilid lang nito.
"Ano po 'yon?"
She eyed me with a sad smile.
"I don't know how to start this but..."
she trailed off and put his hand on my shoulders. "I know about you and Zane. I don't want you to think that I'm being nosy but I just feel it..."Kumurap-kurap ako.
"You don't need to confirm it to me," ngumiti siya. "And I'm happy for the both of you. Really... But... Here's some thing that I want to discuss with you, I don't know if you knew it already. About an offer from Barcelona?"
"Yes, doc," simple kong sabi upang makapagpatuloy siya.
"That's it. The whole team planned a meeting yesterday because we need the answer immediately now."
Natahimik ang paligid. Hindi ko alam kung paano pero nakaramdam ako ng sagot dahil sa katahimikan.
"Hindi... niya po tinanggap?"
BINABASA MO ANG
Try, And Make Me (COMPLETED)
Romance#ACHIEVE SERIES (1) Vianica Maricar was your typical girl in town that has lots of dreams in mind. She wanted to become a doctor but ended up to pursue nurse. She was living her normal life alone with positivity and good morals. For her, breaking a...