Chapter 4:

1.7K 86 3
                                    

Chapter 4: Buking

ALLISON 'POV

Pagkatapos naming kumain ay naisip nilang maglaro, truth or dare daw. Kapag hindi sinunod ang dare ay may consequence na gagawin. Ayaw kong pumayag dahil gusto kong libutin ang lugar na 'yon. Mukhang pamilyar, nakita ko na ito hindi ko lang alam kung sa panaginip ba.

Nakapa-ikot kaming lahat at sinimulan ng paikutin ni Miguel at bote na natutok naman kay Shan. "Truth" sagot ni Shan.

"Nambababae kapa ba kahit na may asawa kana?" Tanong ni Miguel.

Tumango si Shan na ikinabigpa naming lahat sabay lingon kay Lai na tahimik lang at di kumikibo. "Gago ka kung gano'n." Sabi ni Daisy ang asawa ni John Carreon.

"May batas sa grupo,Shan." Sabat ni Bernadette ang asawa ni Bernard Ducusin.

Natahimik lang lahat at hindi ko alam kung bakit ganon? Galit ang mga mata ng lahat at halos gusto ng sapakin si Shan. "Ang buhay may-asawa ay biyaya ni Ama!" Mariin na binanggit ni Miguel. "Hindi ko lang alam pero ba't nakuha mo pang mambabae, kahit na may batas tayong sinusunod,Shan."

"Hindi nyo alam ang dahilan ko,"

"Pero hindi mo parin dapat na niloko ang asawa mo." Mahinahon na sabat ni Lou.

Nakita ko ang galit sa mga mata nila, ano bang batas mayroon sila at bakit ganito nalang kung magalit ang mga ito? Tama si Lai, mahirap para sa baguhan na katulad ko ang makaintindi sa problema nila.

"Mag-simula na uli tayo," sabi ni Hermes. "Mamaya natin pag-uusapan ang proboemang 'yan."

"Bakit mamaya pa kung gayong nandito na ang lahat?" Sabi ko, napatingin naman silang lahat sakin. Pero bumaling ako kay Shan at tiningnan ito ng masamang titig st nginisian. "Ang buhay may-asawa ay biyaya ni Ama," panimula ko. "Ang gandang pakinggan, nakakamangha. Sabi nga nila sa isang relasyon ay laging masusubok ang pagmamahalan ng dalawang magkasintahan, pero kung lagi nalang ganito ang nagyayari sa inyo base sa itsura ninyong dalawang mag-asawa. Paano pa kayo makakabuo ng isang masayang pamilya kung ngayong nagsisimula palang kayo ay puro pagtataksil na ang ginawa nyo?" Inis na sabi ko. Hindi ko alam kung nainis ba sakin si Lai o sa mga sinabi ko. Dahil nag-walk out sya.

''Hindi ko alam kung anong batas ang meron kayo, pero ang pananakit sa puso ng mga babaeng minamahal ninyo ay hindi makatarungan. Shan," tawag ko. "Si Lai, maswerte kana sa kanya. May problema kayo pero hindi nyo kayang ishare sa mga kapwa nyo may-asawa. Maikli lang ang buhay mayroon tayo,Shan. Kapag hindi mo inayos ang probleman
g kinakaharap nyo ngayon,ikaw ang uuwing luhahan at hindi sya. Tandaan mo ang sinabi ko, bago mahuli ang lahat."

Tumayo ako at iniwan sila sa loob,  lumabas ako para hanapin si Lai pero hindi ko sya makita. Naisipan ko nalang na humiga sa ilalim ng puno na may mga damo na.

Naaalala ko ang nakaraan,

Nakaraan sabay tayong nagtatawan

Tipong sabay kumakain sa hapag-kainan

Pero kailangan kaya mababalik ang ganyang paraan.

(Hmmmmm....yeah 2x)

Pagkabilang isa.... humanda kana

Pagkabilang ng dalawa....ipikit ang mata.

Pagkabilang ng tatlo.... imulagat mona

Pagkabilang ng apat..... ang sakit pala.

Isipin ang nakaraan

Nakaraang di'na mababalikan

Ito'y isa nalang kabaliwan

Kung ako'y aasa sa nang-iwan.

Hindi ako tanga para hintayin kapa,

Pipilitin ko nalang na kalimutan ka

Alam kong masakit, pero aking tatanggapin

Ang tadhanang ipinagkahit sa atin.

Ganyan talaga ang mundo

Ito'y pabago bago

Minsan ika'y panalo

Minsay ikay talo.......

Naaalala ko ang nakaraan,

Nakaraan sabay tayong nagtatawan

Tipong sabay kumakain sa hapag-kainan

Pero kailangan kaya mababalik ang ganyang paraan.

Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako habang kinakanta ang ginawa kong kanta na 'yon. 'Isipin ang nakaraan.... nakaraang di na mababalikan.'

Bakit ba kasi hanggang ngayon ay ganun ang mga tao! Ang mga lalaki! Bakit ba nananakit sila ng mga babaemng inosente ang puso? "Ang lalim naman ng iniisip ko."

Nagulat ako dahil si Hermes na naman iyon, "Bat pa pasulpot-sulpot ka?" Inis na sabi ko.

"I don't no. May sinundan lang kasi akong boses na kumakanta, it's that you right?"

Tumango lang ako dahil iniisip ko parin hanggang ngayong kung nasaan si Lai, sana naman ayos lang sya kung nasan man sya ngayon. "Sa tingin mo nasan si Lai?"

"Sa ilog."

"Ilog? Meron dito non?" Tanong ko pero tumango lang sya, "Punta tayo." Nakangiti kong sabi.

"Ok. In one condition."

"Ano?"

"I'll piggy back you." Tiningnan ko naman sya pero seryoso nga sya. Shit! Abnormal ba 'to?

"Dina kailangan, kaya ko naman maglakad." Pagtanggi ko.

"It's ok, hindi rin tayo pupunta doon." Sabi nya at humakbang na ito na para bang nagbabalak na umalis.

"Oyy!! Teka lang!" Habol ko. "Ang arte mo."

"What?" Gulat na tanong nya pa.

"Sabi ko ang arte mo, para kang babae kung mag-inarte." Sermon ko sa kanya pero nginitian nya lang ako. "Talikod!"

"Why"

"Basta! Para ka talagang babae!"

Ginawa nya lang ang sinabi ko, tawa-tawa naman akong nagbalak na lumukso sa likod nya. Pero syempre madali akong kausap, lumukso ako sa likod nya kaya naman nakapiggy back na ako.

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now