Chapter 9:

1.2K 71 0
                                    

Chapter 9:

ALLISON 'POV

Matagal kaming nag-usap ni Ate Lai, medyo magaan narin ang pakiramdam nya kumpara dati, akala ko talaga hindi na sya titigil sa pag-iyak nya. Nahahawa rin kasi ako, naiiyak na nga rin ako kanina,e. gpigil lang ako ng iyak kasi ayaw kong makadagdag sa problema nya.

Gusto kong gisingin doon si Kuya Shan at sabihin sa kanya ang lahat nang napag-usapan namin ni Ate Lai, gusto kong ipamukha sa kanya kung anong hirap at sakit ang naipararamdam nya kay ate Lai.

Dala ko parin ang stick-o na dinaklot ko kanina doon, inilapag ko lang yun nung pinapatahan ko na si Ate lai.

'Kahit minsan ba,nakaramdam din sya ng pagmamahal kay ate Lai?'

Tanong ko 'yon sa isip ko. Natahimik kaming dalawa, wala nang nagsalita pa samin. Maririnig mo nalang ang mahinang hikbi nya.

Ganito kasakit ang magmahal.

Ganito ang dulot ng ating pagmamahal sa taong wala naman nararamdaman para sa atin.

Nakakatakot pala, nakakatakot magmahal.

Sumugal ka sa larong hindi mo alam, na   syang dahilan kaya ka nasasaktan.

Napasinghap ako sa naisip ko. Sana pag nagmahal ako hindi rin ako masaktan, sana mas mahal ako ng taong mahal ko para hindi alinlangan ang pagmamahalan namin. 

"Sana pag nagmahal ako, hindi ako umiyak ng todo katulad mo." Sabi ko.

Nakayakap ako ngayon sa kanya at hinahagod ang likod nito. Nag-angat sya ng tingin saka ako pinakatitigan, "Hindi magka-ugali si Hermes at Shan, malayong saktan ka ni Hermes. Sa lahat ng lalaki sa section namin, sya ang pinaka possesive at pinaka maingat sa emosyon at nararamdaman ng tao. Ayaw na ayaw nyang nakakakita ng babaeng umiiyak, may trauma na 'yon. Trust me."

Napataas ako ng kilay. Shock. Seryoso? Ayaw nyang nakakakita ng babaeng umiiyak? Imposible naman ata 'yun. Ano naman kayang gagawin nya kapag nakakita sya ng babaeng umiiyak? Papatahanin nya? I cocomfort nyo?

"Anong ginagawa nya ate kapag nakakakita sya ng babaeng umiiyak?"

"Tatanungin nya ang babae kung sino ang nagpaiyak sa kanya, kapag sinabi na ang sagot. Bubugbugin nya ang lalaki." Tumawa ito ng mahina. "Naaalala ko nga nung unang beses na pina-iyak ako ni Shan, nakita 'yon ni Hermes. He punched,Shan, on his face."

"Ginawa nya yon?" Naninigurado pang tanong ko.

Tumango sya, "Trust me."

Sandali pa kaming nagtambay doon, nagtawanan, nagkwentuhan, at nagshare ng about sa buhay namin.

Nakakabilib sya, napaka yaman pala nila. Hindi nya totally sinabi ang dahilan kung bakit sila in-arrange married ng mga magulang nila, pero ang sabi nya lang sakin ay napaka-babaw lang dahilan.

Gusto ko pa sanang itanong kaso ay may narinig na kaming boses na tinatawag kami, "Allison! Lai!"

Nagkatinginan kami ni ate Lai saka sabay na tumayo sa ilalim ng puno, nakita namin ang hinihingal na itsura ni Hermes at kuya Shan. Anong nangyayari sa kanila?

"Saan kayo galing?!" Galit na bungad na tanong ni Kuya Shan ng makalapit sya samin.

"Tara na, Alli." Hindi ko na nasagot pa ang tanong ni kuya Shan dahil hinila na ako ni ate Lai. Tiningnan ko si Hermes pero ngumiti lang sya at tumango.

Hanggang sa makarating  sa bahay ay hindi nagsalita si ate Lai, ganun din ako syempre. Binitawan nya lang ang kamay ko noong nasa loob na kami ng kusina, nandoon nadin kasi ang lahat at napatigil pa sila sa pagkain ng makita kami.

"Buti nakabalik na kayo,Lai." Sabi ni ate Sye. "Alalang-alala na ang asawa mo sa'yo, sinabi nya na hindi ka daw natulo sa kwarto kagabi, saan ka natulog?"

Napanganga ako sa sinabi ni ate Sye, saan natulog si Ate Lai kung ganon? "Sa itaas ako ng puno natulog,  ganun naman ang lagi kong ginagawa sa tuwing di ako makatulog diba? Alam nyo naman yon." Sabi nya. Tango lang ang naging sagot nilang lahat, pero ako? Hindi! Gulong-gulo utak ko ngayon. Paano nangyari yon?

"Sadyang hindi nya lang kilala ang pagkatao ko, dahil imbis na asawa nya ang atupagin nya ay ibang babae ang kinikilatis nya." yun lang at umalis sya sa loob ng kusina. Sinundan namin sya ng tingin hanggang sa umakyat ito ng hagdan.
Nang mawala na sya sa paningin namin ay sakin naman nila itinuon iyon. "Saan ka din galing?" Lahat kami ay napalingon sa nagsalita, mula iyon sa likod ko. Si Hermes na walang emosyon ang itsura ngayon.

Pumasok silang dalawa ni kuya Shan sa kusina, binigyan agad sila ng tubig dahil hinihingal parin sila. Saan kaya sila galing.

Hindi ko sinagot ang tanong nya, bagkus ay nagbalak ako na lumabas sa kusina na 'yon pero may narinig ako na sigaw na nagpahinto sakin. "Saan ba kayo galing ni Lai?" Malakas na sigaw ni Kuya Shan.

Nang humarap ako sa kanya ay nakita ko na itong nasa ilalim ng floor at may dugo ang gilid ng labi, tinutulungan na makatayo ni kuya Miguel at Brent. Habang ang iba naman na sina kuya Duke,James, at kuya Bernard ay hawak sa braso si Hermes na binabalak pa atang sumuntok.

"Wag mong sigawan,Shan. Mali ka doon," nasa boses ang inis na binanggit 'yon ni ate Lou na ngayon ay nasa akin ang tingin. "Saan ba kayo nagpunta ng matahimik ang kalooban ng lalaking 'to? Tinuro nya pa si Kuya Shan na nakatayo na at pinupunasan nalang ang dugo sa gilid ng labi nya.

"Nanduon lang naman kami sa puno,e." Sabi ko. "Maaga akong nagising 5am palang, syempre hindi na ako inaantok kaya naman lumabas ako para mag-jogging sana kaso lang nung nakalabas na ako natanaw ko si Ate Lai na nasa puno. Pinuntahan ko sya." Paliwanag ko.

"Bakit mugto ang mata nya?" Tanong ni Ate Daisy.

"Dahil sa kanya....." tinuro ko pa si kuya Shan na Naka-awang ang bibig.

"W-what?" Sabi nya.

"Isipin mo kung ano ang ginawa mo sa kanya para umiyak sya, binansagan na kasama ka sa mga possesive na tao sa section natin pero ang pagiging possesive mo ay sa iba mo binabaling."

Yun lang ang sabi ko at tinalikuran na sila, kailangan ko pang maligo dahil papasok pa ako sa school. Hindi ko naman pwedeng ibahagi sa kanila ang nalaman ko at napag-usapan namin, need namin ng privacy do'n.

Isa pa, kailanngan na sila ang mag-ayos ng problemang iyon at hindi ako.

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now