Chapter 10:

1.2K 66 1
                                    

Chapter 10:

ALLISON 'POV

Hindi kami sabay-sabay na pumasok, nauna ako sa kanila. Tumakas lang ako
Dahil kanina pa ako kinukulit ni kuya Shan tungkol sa napag-usapan namin ni ate Lai, pero iling lang lagi ang sagot ko at kibit balikat.

Pag ako ang nangako, lagi kong tinutupad yon. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang nangangako pero hindi tinutupad. Alam ko ang nararamdaman ng taong napapangakuan pero napapako din ang pangako.

Ayyss, bahala sila sya sa buhay nya. Kumukulo ang tiyan ko gutom ako dahil hindi ako nakapag-almusal kanina dahil agad akong naligo pagkatapos no'n ay umalis na ako at hindi pinansin ang mga tao.

Ang dami kasi nilang tanong sakin, naririndi ako dun.

Kaya naman umalis nalang ako, sumabay ako kay ate Lai. Akala ko ako lang ang may boyish na personality pero nalamangan ako sa sobrang angas nya.

Sobrang bilis nyang magpa-andar ng kotse, sobrang angas! Pero syempre baka mapahamak kami kaya sinabi ko na bagalan nya.

Tawa sya ng tawa sakin dahil daw ang bilis kong matakot, sinabi ko lang na bagalan nya dahil delikado pero tinawanan nya lang ako.

Iniwan nya muna ako sa room namin dahil pinatawag sya ng Principal, may nagawa nanaman siguro syang hindi tama. Ano naman kaya 'yon? Ang bait kaya ni ate Lai, sana naman ayos lang sya.

"Hay..... naiinip na ako." Sabi ko sa sarili ko. "Anong oras kaya sila papasok? Ang tagal naman nila."

Dahil sa inip ay naisipan kong lumabas, alam ko narin kung saan ang canteen dito dahil itinuro na sa akin ni Ate Lai kanina.

Habang naglalakad ako ay kitang-kita ko kung paano ako titigan ng mga estudyanted dito, naglakad nalang ako ng mabilis. Nagkamali ako ng akalain ko na kapag nakarating na ako sa canteen ay wala ng titig pa sa akin pero hindi pala.

Nakatitig ang lahat hanggang sa maka-order ako ng Juice at Sandwich. Naiilang na ako, ilang na ilang na.

Humanap ako ng maaaring ma-upuan para makain kona ang mga in-order ko, sa dulo ako umupo para naman kahit papaano ay mabawasan ang mga tumitingin sakin.

Tahimik lang akong kumakain hanggang sa may magsalita, "Can i seat here?"

Dahan-dahan kong ini-angat ang ulo ko, nakita ko ang nakangiting mukha ni sir Manchi. "S-sure po sir," sagot ko, ngunit may pag-aalinlangan dahil nakita ko kung paano ngumisi ang ibang mga estudyante na tumitingin din sa pwestong kinaroroonan ko.

Umupo naman sya at ako naman ay nagtuloy -tuloy  nalang sa pagkain at nakayuko lang.

"Hey," tawag nya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakangiti ito. "Btw, i'm Gilver Manabat."

Nag-aalangan ako kung tatanggapin ko ba o hindi, paano naman kasi hindi ko naman alam na sir ko pa mismo ang lalapit sakin at magpapakilala lang bilang sya. Shit! Ang sama tuloy ng titig ng iba sakin, yung iba naman ay nakangisi.

Tatanggapin ko na sana ang kamay ni Sir Gilver pero may kamay na humawak sa kamay ko. Nang tingnan ko ay si.... Hermes. Nanlilisik ang mga mata nito at galit na tumitig sakin. Ibinaling nya ang tingin nya kay Sir Gilver na ngayon ay nakangisi sa kanya.

Hinila nya ako at hindi naman ako nakapalag dahil sobrang higpit ng hawak nya sa kamay ko. Nakita ko ang paglungkot ng mukha ng ibang mga estudyante na na dadaanan namin, bakit ba ganon? Bumagal ang lakad namin ng matanaw namin ang room, pinakawalan nya ang kamay ko saka sya naglakad ng mabilis at hindi ako hinintay.

Napaawang ang labi ko sa sobrang pagtataka?! Bakit ba ganito ang kilos nya sa tuwing si sir Gilver o kung tawagin nila ay Manchi ang lumalapit sakin ay nagiging aligaga ito at parang laging gusto akong proteksyunan? What's with you Sir?

Napilitan tuloy akong maglakad mag-isa papunta sa room namin, nang makapasok ako ay walang emosyon ang kanilang mukha. Wala kang mababakas. Mukhang galit sila dahil nakakunot ang noo nila, pero ang iba ay nakangiwi lang.

Hindi ko alam kung tatabi ba ako kay Hermes ngayon na alam ko na galit sya sakin dahil sa hindi ko malaman na dahilan o lalayo nalang muna ako at makikipagpalit ng upuan kay kuya Shan.

Sa huli. Nakipagpalit ako ng upuan kay kuya Shan, mabilis lang syang pumayag dahil hindi rin naman daw sya kinibo ni ate Lai. Nakayuko ngayon si ate Lai at mukhang may iniisip na napakalalim, sana makahukay sya ng kayaman sa lalim ng iniisip nya.

Gusto ko man syang gisingin ay hindi ko na ginawa, bigla kasi akong nakaramdam ng hindi maganda sa katawan ko. Bigla nalang akong nahilo kaya naman napapikit nalang ako. Shit!! Wag kang sasabay!

Pero mukhang hindi ko napaki-usapan ang sakit na ito, naramdaman ko na sobrang lamig ng pawis ko. Para ba akong masusuka, hindi pala ako naka-inom ng gamot kanina at konti lang ang nakain ko.

Hindi ko na talaga kaya. Nasa likod ko sina Hermes at kuya Shan, wag naman sana nilang mapansin. Kusang nagising si ate Lai ng dumating ang 3rd lecturer namin, kanina kasing 1&2 lecturer namin ay tinulugan nya lang. Ako? Hindi ako nagsulat at pinikit ko lang ang mata ko.

"Are you okay?" Napalingon ako sa nagsalita, si ate Lai.

Tipid na ngiti lang ang sinagot ko.

Hinang-hina na ang katawan ko, pupunta nalang ako sa clinic. Magpapasama nalang ako kay ate Lai. Kahit na nanghihina at nahihilo ay tiniis ko at sumulat sa papel at ibinigay iyon kay ate Lai.

Kinuha nya ito, at binalingan ako ng tingin. Nakikiusap ang tingin ko sa kanya saka hinawakan ang kamay ko. Tumango sya pero nagsulat rin muna sa papel.

'Ate? Patulong naman ako. Masama ang pakiramdam ko at hindi ko na kaya nanlalambot na ang katawan ko. Wag mo sanang ipaalam kay Hermes :) galit sakin yan,eh. Hindi ko nama alam ang dahilan.' Yan ang sabi ko sa sulat.

'Sasamahan kita, wag mong ipapahalata na may sakit ka. Kayanin mo hanggang sa makalabas tayo ng room ok?'

Tiningnan ko sya saka tumayo na ako. Kayanin ko self! Kayanin mo please! Hilong-hilo na ako at sobrang nanlalamvot na talaga ako. Feeling ko anytime ay masusuka ako.

Sinubukan kong maglakad pero nang ihakbang kona ang paa ko ay saka ko naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mata ko.

Nextchapter....
*
*
*
*
*
*
A/N: may nag-away dito samin kaya gising pa ako. Yan ang hirap sa mga mahilig uminom ng alak,eh. Hindi nilalagay sa tiyan, sa utak dinadala,eh.

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now