Chapter 20

884 57 2
                                    


Chapter 20: Joan Pascio.

ALLISON 'POV

Hindi ko alam pero naiirita ako sa mukha ng babaeng ito, ang lakas ng loob na tumabi kay Hermes? Feeling close pa sya. Dahil sa inis ko ay pinalipat ko ng upuan si Hermes kaya ako ang katabi ng babaeng ito. Pansin ko ang sobrang katahimikan na bumalot sa room.

Siya daw si Joan Pascio ang 'girlfriend ni Shan' sobrang gigil na gigil ako at nagtitimpi nalang. Sarap talagang katusan ng babaeng ito. Akala ko sa mga kwento ni Hermes sakin tungkol sa kinababaliwan ni Shan ay maayos ang babaeng ito, kabaliktaran naman pala. Matino daw itong babae. Psh! Isang malaking kalokohan.

Kung ikukumpara natin si Ate Lai at itong babaeng hampas lupa na ito ay malaki ang lamang ni ate Lai, 101% sure. Simple lang manuot si ate Lai at hindi ito mahilig maglagay ng kolorete sa mukha, katulad ko. Hindi rin sya plastik tulad ng babaeng ito na sobrang kapal na nga ng make-up, sa mukha ay ang landi pa kung magsalita, ang arte! Nakakairita.

Ito na ba ang ipapalit ni kuya Shan kay Ate Lai? Ganitong klaseng babae? Mukhang mabait, pero baka nasa loob ang kulo. "Hi, I'm Joan, your new classmate." Pagpapakilala nya.

"Ayusin mo ngang magsalita, ang arte mo.'' Walang prenong saad ko. Narinig ko ang tawa ni Hermes, dahil nasa pinaka-likuran kami, nakita kong lumingon si Ate Lai pero nginisihan ko lang sya.

"Ow, sorry, i didn't know that your masungit," sabi nya na mas lalo kong kinairita.

Sinusubukan talaga ako ng babaeng ito,eh. Taglish ang ginagawa. "Oo talagang masungit ako," malakas na saad ko at tumayo na sa upuan ko. "Kaya ikaw," tinuro ko sya. "Ayusin mo ang ugali mo't ako ang katabi mo, ayaw ko sa mga babaeng napaka-arte."

"Ikaw ang maarte!" Sigaw nya at tumayo narin sa kina-uupuan. Nabigla ang mga kaklase namin kaya naman mabilis nilang inawat kami pero sinabi kong chill lang sila. Ako bahala. Hindi kami pinapasin ni ate Lai. Nakayuko lang ito, pero si Shan ay nasa likuran ni Joan. "I'm just introducing myself! Pero sinungutan mo ako!"

"Sinabi ko bang magpakilala ka?" Kalmadong sagot ko.

"How dare you! I'm Shan girlfriend!"

"Hey--- stop." Awat ni Shan.

"Girlfriend kalang, hindi ka asawa. Si Ate Lai lang naman ang asawa at hindi ikaw."

"Tsk! As if naman na mahal sya ni Shan? She's just an boring person, a pity woman, na nagkagusto sa lalaking hindi naman sya gusto. Such a pity. And you!" Dinuro nya pa ako. "Don't try to fight with me, i'm gonna kill you." Banta nya.

"Dont try---" inapakan ko ang paa ni Hermes para hindi na ito maki-alam pa samin "Then? Dapat na ba akong matakot? Go! Subukan mo ako, at ipapakita ko sayo ang tunay na ako. Baka nakakalimutan mo na teritoryo namin ng pinasukan mo. Walang may gusto sayo dito, look at them." Iminuwestra ko ang kamay ko sa mga kaklase ko na masama ang tingin sa kanya. "See? Isa pa, ang nararapat lang na nandito ay ang mga may asawa na at legal na asawa."

"Mahal ako ni Shan!"

"Pero---" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang dumating na ang next teacher namin.

Pumasok iti sa room at mukhang nagtataka kung bakit nakatayo kami. "Ms. Alfaro and Ms. Pascio, bakit kayo nakatayo?" Tanong ng Prof namin.

"Nagkakaroon lang po ng debate prof," sagot ko. "Kung sino ang legal na asawa at sino ang KABIT!" Diniinan ko pa ang salitang kabit at nginisihan sya.

"Really? Then what do you think is better? Ang legal o ang kabit?"

Sa ganoong sitwasyon ay napatanga ako sa prof namin, tinatanong paba yon? "Tinatanong pa po ba 'yon Sir? Malamang naman po na ang mga KABIT. tulad nga po ng sabi nila ay talo ng maganda ang matalino, at talo ng malandi ang mahinhin. Kaya siguro sa KABIT ang panalo, pero syempre po, kahit na gano'n ay panalo parin ang LEGAL na asawa. Dahil kahit na sabihin natin na sya ang unang minahal, sya rin naman ang unang nang-iwan. Wala ring kwenta."

Napatango-tango si Sir pinapaupo na nya kami pero nang akmang uupo na ako ay saka dumada na naman ng dumama ag babaeng ito.

"Wala kang alam sa totoong nangyari, kung makapagsalita ka akala mo naman alam mo lahat ng pinagdaanan ko. At isa pa hindi ako ang nang-iwan, iniwan ako dahil sa pesteng kasal na yan na wala namab katuturan. Hindi naman kasi sya mahal pero pinipilit nya ang sarili nya sa taong hindi naman sya mahal."

Sasagutin ko sana sya pero iba na ang sumagot sa kanya.

"Oo, hindi nya ako minahal." Nilingon namin sya. Literal na lahat kami. "Hindi namin ginusto ang kasal pero may magagawa ba kami para pigilan 'yon? Wala! Pero alam mo? Kung hindi ka umalis ay baka napigilan yon dahil mahal na mahal ka nya pero iniwan mo sya, mas pinili mong umalis at hindi sya ipaglaban. Ngayon na may sumusuway sa lahat ng mga ginagawa mo nagrereklamo ka? Isa pa.. who are you to talk me like that? Alam ko ikaw ang mahal nya, pero kailangan mo pa bang ipamukha sa'kin? Ang-"

"Yeah, i need! Dahil salot ka!" Nagulat ko sa sinabi nyang iyon.

Pero ang mas ikinagulat ko ay bigla syang sinampal ng malakas ni Ate Lai, sobrang lakas.

"Kulang pa yan! Kung salot ako mas salot ka! Isa kang bobong nilalang na nilikha. Napaka-kitid pa ng utak mo! Ano? Gulat ka? Kulang pa yan, kulang na kulang. Hindi mo pa nararamdaman ang lahat ng sakit ng naramdaman ko, wag mo akong sabihan sa mga nakikita ng mata mo at hindi nararamdaman ng puso. Wag kang mag-alala. Iyo na sya, pero babalik ako ng poot, sakit, at ipaparamdaman ko sayo lahat ng yon."

Pagkasabi yon ni Ate Lai ay kinuha nya ang kanyang bag at naglakad palabas ng room pero bago sya makalabas ay lumingon ito kay Kuya Shan at nginitian ito.

"Wag mo akong hanapin dahil hinding-hindi ako magpapahanap sayo."

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now