Special Chapter

773 53 1
                                    

Thank you sa support, Mulawins. Ilabas nyo na ang inyong mga pakpak at sabay-sabay tayong lumipad.

****

"What happened, bro? Damn, wag mong sabihing kabado ka?" Sinimangutan ko nalang si Shan dahil iniinis na naman niya ako. Porket alam na nya kung nasaan si Ate Lai mang-aasar na siya? Sus.

"Sinong hindi kakabahan? Ikakasal na ako sa babaeng mahal ko. Ba..ba..eng..mahal..ko.." diniinan ko pa talaga ang mga salitang binitawan ko sa huli.

Sa hinaba-haba nga naman kasi ng prusisyon ay sa simbahan din ang punta naming dalawa.

Tyaka sino ba naman kasing hindi kakabahan kung minsan kanang iniwan sa ere ng babaeng mahal mo? Sobrang sakit kaya para sa akin 'yon. Na saktong kasal nalang namin, nasa tapat na nang pintuan si Alli ay umatras pa sya.

Halos malugmok ako no'n. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang uminom at matulog. Kapag naman kasi pinupuntahan ko si Alli sa bahay nila para itanong kung anong problema, bakit siya umalis ay wala talaga akong nakuha kahit isang sagot.

Naki-usap na ako sa mga classmate namin dati na kausapin nila si Alli pero tinanggihan din daw sila.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko nang mga araw na 'yon. 1 month akong hindi kinausap ni Alli, until one day, tinawagan ako ng Mommy nya at sinabing hinahanap daw ako ni Alli at iyak pa daw ng iyak.

Nagmadali akong pumunta sa bahay nila, syempre naligo ako at inayos ang napabayaan ko nang katawan. Namayat kasi ako.

Nang makarating na ako sa kanila ay bumungad sa akin si Alli na nasa labas ng pintuan nila at nakahalumbabang nakatingin sa akin ng deretso. At siguro, nang marealize nya na ako 'yon, dahil sa matagal nya akong tinitigan ay tumakbo at nang makarating siya ay niyakap nya ako.

Niyakap ko din naman sya ng sobrang higpit dahil sobrang miss ko talaga s'ya, ipinasawalang bahala ko muna lahat ng galit ko sa kanya sa ginawa nyang pang-iiwan sa akin sa altar noon.

"Na-miss kita," bulong nya habang umiiyak. "Ba't 'di mo na ako pinupuntahan? Hindi mo na siguro ako mahal 'no? Diba nag-promise ka sa'kin na hindi mo ako iiwan? Bakit ganyan ka?"

Gusto kong magmura, gusto kong sabihin na siya ang may kasalanan, na siya ang nang-iwan, na siya ang umatras pero natakasan ako ng loob. Ang gusto ko lang ngayon ay yakap siya sa mga braso ko.

"S-sorry.." iyan lang ang tanging lumabas sa bibig ko. I'm speechless. Naguguluhan ako sa kanya.

Ilang minuto din ang tinagal ng yakap na 'yon, hanggang sa pinapasok kami ng Mama niya dahil may importante daw siyang sasabihin sa akin.

At sobrang epic ng sunod na nangyari dahil nabigla ako sa sinabi ng Mamshie nya at umiiyak ako. Buntis pala si Alli kaya gano'n sya kung umakto, gano'n daw pala kapag nagbubuntis, may ibat-ibang trip.

Buntis lang pala siya kaya iniwan niya ako sa harap ng altar.

"Baka umatras ulit kamo, sobrang epic kaya nang mukha ni Hermes. Iyak pa ng iyak na hindi na daw siya mahal ni Alli, eh, inuna naman pala 'yung honeymoon kaysa sa kasal ng bobo." sabat ni Brixz.

Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Brixz, kahit papaano naman ay nababawasan ang kabang nararamdaman ko.

"Kung bobo ako, ikaw naman tanga! Hindi mo parin ba nahahanap yung babaeng sumuntok sa'yo? Ano 'yon bro? Love at first punch?! Hahahaha!!" Pang-aasar ni Shan sa kaniya.

The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now