Chapter 23:

872 60 0
                                    

Chapter 23:

*Continuation of Flashback*

ALLISON 'POV

"Gano'n naba kabigat para umiyak ka sa harapan ko?" Pagkatapos nyang ikwento sa akin ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid nya na si Divine ay nakaramadam na talaga ako ng awa sa kanya. "Shh... iyak mo lang." Dagdag ko.

Nakasubosob ang ulo nito sa leeg ko at duon ito umiyak ng umiyak. Ganito lamang ang naisip kong paraan para pakalmahin sya, pakalmahin sya sa nararamdaman nyang bigat sa kalooban.

Ang sama pala talaga ng mga Lion Dark na 'yon. Pati ang inosenteng bata ay ginamit nila sa kwalang kwentang pagkainggit. Insecurity kills. Sana sila nalang ang nawala, pero sino ba ako para sabihin sa kanila yon? Pero nang dahil sa kanila, kaya ngayon ay nakakaramdam si Hermes ng guilty sa sarili nya.

Ramdam ko, ramdam ko na kahit hindi nya ipakita ay nakakaramdam na sya ng anxiety at depression. Kaya ganito ko gustong samahan nya sa lahat ng bagay.

"My mom and my dad... they are now.. dead." Napapikit ako at hindi ko na talaga napigil pa ang aking pag-iyak. Lumuha na rin ako at hindi na pinansin 'yon sapagkat mas tutok ang aking atensyon sa lalaking yakap ko ngayon.

"Hindi kinaya ni Mommy ang nalaman nya,after nyang magbigti, nang malaman 'yon ni Dad, lagi nalang syang umiinom at naging dahilan din iyon ng pagkamatay nya. Nakatagpo si Daddy ng mga lalaking basag-ulo, ang sabi ng mga pulis na nakausap ko ay natamaan ni Dad ang leader ng grupo na 'yon, dahil sa sobrang kalasingan nya ay hindi nya na alam ang ginagawa nya kaya naman nagalit ang lalaking yon at doon nila sinimulang bugbugin si Daddy hanggang sa ang pagbubugbog ay naging pagsasaksak na. Walang nagawa ang mga pulis, gangters ang mga iyon at binantaan nila isa-isa ang mga pulis na 'yon. Napaka makapangyarihan nila, then after that, ako nalang ang natira. I'm 17 years old that time. Isang taon palang ang lumilipas, Alli. Kaya masakit parin para sakin."

"I know, kaya iiyak mo lang,ok? Sasamahan kita hanggang sa makatulog at gumaan ang pakiramdam mo."

Tumango sya sa saka niyakap ako at rinig ko parin ang mahihina nyang hikbi.

"Hermes."

"Hmmm?"

"Curious ako sa pangalan mo."

"Why?"

"Diba yung Hermes na 'yon pambabae ang pangalan? Tapos yung Temmirson? Saan ba nila nakuha 'yon."

"Yeah. I forgot to explain. My Mom named me Hermes dahil mahilig sya sa mga story, ang sabi nya si Hermes ay isang parang sirena na kanang kamay ni Jupiter. Nang dahil sa name ko na yon i always bullied in my classmates. Sinasabi nila na bakla daw ako, pero dahil sa hindi na ako nakapagtimpi, ayon, sinapak ko."

Natawa ako ng kaunti pero hindi pa nasasagot ang isang tanong ko na 'Temmirson' na yan.

"Yung, Temmirson naman? Saan nakuha yon?

"Trip lang ng magulang ko." Natawa ako sa kwento nyang 'yon, trip nang magulang? Wow. "Wala kana bang itatanong?"

Umiling ako. "Wala na, saka nalang siguro. Sinabi mo naman na wala kang ex, kaya no problem. Matulog ka nalang at ipahinga mo nalang ang puso at isip mo ok? Hayaan mo nalang na si God ang magparusa sa mga kasalanan nila." Pagkasabi ko noon ay tumango nalang sya at isinisiksik ang ulo nito sa leeg ko.

"Good Night, I love you, Love." Sabi nya bago matulog.

" I love you too." Sagot ko.

End of Flashback

Hindi nalang namin sila pinansin pa at nagtuloy-tuloy nalang sa room ni Miss, kung papatulan pa namin sila ay paniguradong magkakagulo. Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Hermes kung ganon man ang mangyayari.

"Ingatan mo, Hermes. Sa oras na mawala ang paningin mo sa kanya, bigla nalang syang mawawala na parang bula. And i promise,you'll be crazy by that time."

Ang akala ko ay hindi na papansinin pa ni Hermes ang sinabi ni Brixz pero nagkamali ako, sa isang mabilis na kilos ay nasuntok na nya ito.

Hindi agad ako nakagalaw dahil narin sa gulat,ngunit ng mabalik na ako sa huwisyo ay mabilis akong pumunta rito at inawat ito. Pero mali ako sa naging desisyon kong 'yon dahil pinagtulungan na nila Cent at Euri si Hermes, hinawakan nila ang braso nito at sinuntok naman ni Brixz si Hermes.
Akmang lalapit na ako ng may biglang nanghila sa akin at nagulat ako ng makita na si ate Lou 'yon nginisihan nya ako at sumenyas itong tingnan ko rin kung anong tinitingnan nito. Imbis na maawa ay nginisihan ko lang sila at hinayaan na mabugbog sina Cent, Euri,Brixz at ang iba pa nilang kasamahan. Kahit na ang babaeng kasama nila kanina ay napaatras na ngayon ay ang isa sa kanila ay halos umiyak na dahil sa higpit nang pagkakasabunot ni Ate Daisy. Really? Buti nalang talaga at hindi pa sila umuwi kundi ay lagot na kami.

Pero hindi ko hinayaan ang sarili ko na tumunganga nalang doon, i shock! Nakita ko si Joan na mabilis na hinablot ang buhok ni Ate Daisy pero dahil malapit narin akong makapunta doon ay hinila ko rin ang buhok ni Joan.

Heto ako. I'm Allison. At ipaparamdam ko ngayong araw na ito sa babaeng ito ang tunay na galit ko sa kanya.

Pagkalapit ko ay Hinawakan ko ang buhok nya malakas naman na napahiyaw ito na ikinatigil ng lahat sa pagsusuntukan. Kita ko ang mga dugo sa labi nila Cent, Euri, At Brixz, pati narin ang mga kasamahan nito. Lalapit sana si Shan sa akin marahil siguro para awatin ako sa ginagawa ko pero hindi agad ko na syang hinila.

"Alli, Tigilan mo na yan!" Sigaw ni Kuya Shan.

"Ahhhhhh!!" Halos lumabas na ang tulok ko sa sobrang lakas nyang sumigaw. Ganon kahigpit ang hawak ko sa buhok nya.

"Shit! Tigilan mo na 'yan!" Si Cent

"Stop!" Si Euri

"Are you ok, Jo?" One of her friends.

"Bitawan mo sya." Napataas ang kilay ko nang sabihin yon ni Brixz. Ngisi lang ang isinagot ko rito.

"Talaga ba? Maipagtatanggol mo pa kaya ang babaeng ito kung sasabihin kong sya ang naging dahilan ng pagkamatay ng kapatid mo?"

Halos lahat ay natigilan sa sinabi ko. I smirked more! This is it! Maipaghihiganti ko na si Hermes at ang kapatid ni Hermes sa kanila. Sila na mismo ang magpapatayan.





The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now