Chapter 7

1.5K 74 0
                                    

Chapter 7:

ALLISON'POV

Nagising ako mula sa pagkakahimbing ko sa tulog ng maramdaman kong parang may tao sa paligid ko. Nang tuluyan kong imulat ang mga mata ko ay nakita ko si Hermes, natututulog ito.

Naisip ko agad na gisingin iti dahil baka ma-stiffneck nya, ayaw ko naman na ako ang maging dahilan para magkasakit sya.

"Hermes," tawag ko sa kanya habang yinuyugyog ko ito ng mahina.

Nagulat sya ng makita akong gising, mabilis nyang inayos ang sarili nya saka nagsalita. "Gutom kaba? Sorry nakatulog ako,ah? Iinit ko lang yung sabaw para makakain kana, tapos papainumin nalrin kita ng gamot."

"Hindi na," tanggi ko. "Samahan mo nalang ako sa kusina, ayos narin naman ang pakiramdam ko at kaya ko naman ang sarili ko. Wag kanang mag-alala pa."

Tumango lang sya saka ako
Inalalayan na bumaba na akala mo naman ay may sakit ako, nang tuluyan na kaming makababa ay sya rin namang pasok ni Shan. Mugto ang mata nito, halatang kakagaling lang sa pag-iyak. Hawak ni Hermes ang kamay ko kaya naman mabilis ko lang na napisil ang kamay nya saka inginuso si Shan, nagkibit balikat lang sya at patuloy nya na akong iginaya papunta sa kusina.

"May problema ba sila ni Ate Lai?" Tanong ko.

Pina-upo nalang nya ako, sya na raw ang mag-iinit nang pagkain naming dalawa. "I don't know, maybe."

Yun lang ang sagot nya, nainis naman akong tumitig sa kanya. Hindi nya 'yon mapapansin dahil nakatalikod ito sakin.

Sya na ang nag-asikaso ng lahat, naka-upo lang ako at pinagmamasdan ang ginagawa nya. Naglapag na sya ng kanin,baso,kutsara at tinidor, plato, pitchel at syempre ang ulam namin.

"Let's eat," aya nya.

Tumango lang ako at hindi nagsalita, ang dami kasing pumapasok na tanong sa isip ko. "Hermes?"

Napahinto ito sa pagkain saka ako tiningnan lang. "Yes?"

"Bakit ang aga nilang nag-asawa?" Tanong ko sa kanya. Sandali syang natahimik saka malalim na bumuntong hinga.

Para bang ayaw ikwento sakin, kainis ang lalaking ito. Masyado naman nya akong kinu-curious.

"Hindi nila kagustuhan yon, mga magulang lang nila."

"Paano? Diba dapat 2 years palang ang pinaka matagal na pagsasama ng mag-asawa? Bakit sila ate Cole ay 3years na?" Curious na tanong ko talaga.

"Because of their family." Tipid nyang sagot kaya naman sinamaan ko sya ng tingin.

"Ang damot mo naman sa sagot?" Inis na ani ko.

"Haha, sorry."

Shit! Para naman akong natulala sa mga ngiti na 'yon, ayyyss. Ayusin mo ang ugali mo,Alli. Wag kang basta magtitiwala nalang, masasaktan ulit yang puso mo!

"Diba sinabi mo sakin na kaya possesive section ang pangalan ng section nyo kasi kasal na ang lahat diba?" Tumango sya, "Pero bakit sa edad nilang 'yon, bakit ang aga nilang ikinasal at ba't hanggang ngayon ay nasa first year college palang sila?"

Ang dami ko nang tanong pero kumportable lang ang lalaking ito
At relax na relax pa. Hanep sa mga kilos tong lalaking 'to ah? Masyadong pa fall, tapos kapag nainlove eh hindi naman magsasalo.

"The first answer for your question number 1 is because of their parents," sabi nya at inihinto ang pagkain saka humarap sakin. "Dinaya ng mga magulang nila ng edad nila para makasal sila ng maaga."

"Pwede ba 'yon?"

"Why not? Mayaman at maraming connection ang pamilya nila, siguradong lahat ay magagawan nila ng paraan. Karamihan sa kanila ay Arranged Married lang, yung iba naman ay ikinasal talaga ng mahal ang isat-isa."

"Ganun? Sino yung mga Arranger married lang?"

"Sila ate Lai at Shan, Ate Lou at kuya Brent, Cole and Miguel and a lot from them." Parang tinatamad nyang sagot dahil ang ikli nya talagang sumagot.

"Ayyy, yung sa edad naman nila? Diba dapat 4th year college na sila? Bakit first year college palang sila hanggang ngayon?" Ito talaga ang gusto kong itanong. Curious kasi talaga ako sa pagkatao nilang lahat, buti nalang at mabait ang lalaking ito at sinasagot lahat ng tanong ko.

"Huminto ang karamihan sa kanila para tumulong sa business na mayroon ang parents nila, yung iba naman ay nagfocus sa buhay mag-asawa talaga."

Ahhh.... ganun pala yon? Ang dami ko pa sanang gustong itanong sa kanya pero gabi narin at nakita ko sa mga mata nya na inaantok na sya. Inalagaan ba nya ako? Mukhang hindi dahil nakatulog sya.

Tapos na kaming kumain, sya ulit ang nagligpit at naghugas ng plato. Nasa kusina parin kami at hinihintay ko naman sya dahil ang sabi nya hintayin ko daw ito. Ganito ba talaga sya kasipag?

"Hermes, ikaw ba? Ilan taon kana?" Tanong ko sa kanya, kasalukuyan patin syang naghuhugas ngayon ng plato.

"I'm turning 18, this coming Oct. 07, why?"

"18? Ang bata mo palang pala?"

Naka-talikod sya sakin kaya naman nod nalang ang isinagot nya. Grabe ibig sabihin pareho palang kaming magdi- didisiotso nyan? October sya, November ako. Lamang lang sya ng buwan sakin, pero sya itong mas matured na isip.

Ilang minuto ang nakalipas ay tapos na syang maghugas ng pinggan, ako nalang ang nagpunas sa mga ito at nag-taob. 11pm na ng gabi at gising na gising pa kami.

Tinapos ko ng mabilis 'yon dahil inaantok ako, antok na antok na. Marami pa akong gustong itanong, kaso ay iipunin ko na muna. "Saan ka nga pala matutulog?" Taong ko habang paakyat kami sa hagdan.

"Sa tabi mo."

Halos mahinto ako sa paglalakad sa sinabu nya, kami magtatabi? Sa higaan talaga? No! "Bakit kailangan na magtabi pa?" Tanong ko at nagmartsa ulit.

"Because we don't have a guestroom here, i think you didn't forget that all people's here is married. Kaya naman lahat sila ay natutulog na sa iisang kwarto."

"Pero hindi naman pwede yun,eh! Hindi naman tayo mag-asawa!" Inis na sabi ko. Nasa harap na kami ng pintuan ng kwarto ngayon at ganun parin kami magbangayan.


"You want it or not, tabi tayong matutulog. Period."

Pagkasabi nya non ay pumasok sa kwarto at dumiretso sa banyo, ako naman ay naiwan na tulala at naiinis sa lalaking yon. Ano bang pumasok sa kokote nya at ganun sya?

"Btw," tawag nya bago pumasok sa banyo. "Soon to be wife na kita, kaya wala nang problema kung magtatabi tayo ngayon."

Dagdag nya at tuluyan ng pumasok sa banyo. Ano bang nangyayari? Panaginip lang ba 'to? Isang araw palang naman na nakilala ko sila, siya, pero bakit parang kilala na nila ako ng matagal? Komportable silang kausapin ako ng ganoon?

Sa inis ko at wala na akong magagawa ay humiga nalang ako saka nagtalukbong nalang ng kumot.

Nextchapter.....


The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now