Chapter 11:

1.2K 75 2
                                    

Chapter 11:

ALLISON 'POV

Nang imulat ko ang mga mata ko, bumungad sakin ang puting kisame. Puting kisame, puting ilaw, at puting pader. Nasaan ba ako?

Ang huling naaalala ko lang ay ang nangyari kanina na bigla nalang bumigat ang talukap ng mga mata ko, at hindi ko na alam ang mga kasunod na nangyari.

Napabuntong hininga ako saka ko pinakiramdaman ang sarili ko, wala na. Wala na akong maramdaman pa na mabigat,medyo ayos na ang pakiramdam ko at hindi narin masakit ang pakiramdam ko. Nakakaramdam lang ako ng gutom, hindi pa nga pala ako nakakain kanina dahil sa nangyari.

'Siguro nasa clinic ako? Yun din naman ang balak ko kanina'

Tiningnan ko ang paligid ko. Isang tao na nakayuko at natutulog? T-teka si Hermes 'to. Anong ginagawa nya rito? Sya ba ang nagdala sakin dito? Malabo nga pala.

Galit sya sa 'kin at hindi ko malaman kung anong dahilan, agad nalang nya akong hinila galing canteen hanggang sa harap ng room tapos hindi na nya ako pinansin. Nagpakilala lang naman si Sir Gilver,eh. Wala akong nakikita na problema doon dahil gusti lang naman akong makilala nung tao.

Teka?! Siguro nagseselos sya! Pero bakit naman sya magseselos kung hindi naman nya ako girlfriend? Wala rin kaming label, e.

Basta sabi lang ni ate Lai na 'may marka kana' 'congrats' yun lang naman at wala naman akong nalaman sa kanya na may gusto sakin tong feeling asawa ko, na feeling jowa ko na din.

Inaantok pa ako pero hindi ko kayang matulog ng gutom, hindi rin ako nakapagdala ng stick-o at yakult kanina dahil sa sobrang pagmamadali ko. Sana naman kapag ginising ko si Hermes ay di na sya galit sakin, nagiging galawan babae na tuloy ako at hindi na boyish kung gumalaw. Masyado kasing protective ang lalaking ito kahit kahapon ko lang naman sya nakita at nakilala.

"Hermes...." paggising ko sa kanya.

Mukhang nagising naman sya inangat nya ang ulo nya at mabilis pa na tumayo ng makita ako na gising na. Mabilis nyang inaayos ang sarili nya, gwapo naman sya kahit anong itsura nya dahil kung makikita mo sya ngayon ay magulo ang buhok nya at may kusot ang polo nya.

"Are you okay? Are you feeling well? Masakit ba ulo mo? May masakit paba sayo? Tell me. " sunod-sunod na tanong nya.

Napanganga nalang ako sa ginawa nya dahil naging aligaga ito at talaga namang sinigurado pa kung may masakit pa sa katawan ko.

"Luh! Ang OA mo!" Sigaw ko sa kanya. Nahinto sya at pinaningkitan ako. Tinaasan ko sya ng kilay dahil nagtataka ako.

"So you mean, you're ok now?" Saad nya na nakangiti pa.

"Ano sa tingin mo?" Mataray na tanong  ko.

Nagulat ako sa inasal nya agad nya akong niyakap at sobrang higpit pa nito. "Thanks, you're ok now."

"Uyyy, ano ba? Pakawalan mo 'ko nasasakal ako!"

"Sorry!" Sabi nya pa nang nakangiti.

"Sus, galit ka sakin diba?" Sabi ko na ikinatigil nya pero umiling lang sya.

"Ano? Hindi kana galit?"

Umiling lang sya.

"Talaga?" Paninigurado ko

Tumango ulit sya.

Dahil sa sobrang saya ko ay napabangon ako sa kama at niyakap ko sya. "Thank you!"

"Eherm..." may nagsalita sa likod ko.

Umalis ako sa pagkakayakap ko kay Hermes na ngayon ay hindi maipinta ang mukha, nakabusangot ito at nakataas ang kilay. Hindi ito nakatingin sakin, ang paningin nya ay nasa diretsong direksyon.

Nakatingin ito  sa mga Classmate ko! Sa lahat! Tiningnan ko silang lahat at ngayon ay nakangisi ang mata ito.

Nuon ko lang napansin ang ginawa ko. Naku! Nakakahiya naman. Ang tanga mo,Allison!! Isang malaking tanga. Shit! Nakakahiya naman yon. Nginitian ko lang sila ng pilit, kakahiya talaga.

"Napano?" Tanong ni Ate Lai.

"Baka nabitin sa yakap ni Alli, hahahah. Pinasukan kasi natin ang magandang moment nya." Sabat ni ate Sye.

Naghalakhakan ang lahat, sobrang ingay dahil sa kakatawa nila. Napagalitan pa tuloy sila sa nurse kaya naman agad din silang tumigil. Hindi nagbabago ang itsura ni Hermes, ganun lang at walang pagbabagi.

Nakita ko naman ang pagpipigil na ngiti ng mga ate at kuya ko/ mga classmate ko. Kaya naman feeli ko ay mahahawa ako sa kanila. Naglaway agad ako ng makita ko na may dalang pagkain si Ate Daisy, yakult iyon isang balot at may chuckie pa. Gusto ko tuloy inumin lahat 'yon.

"Penge," sabi ko kay ate Daisy.

Tinuro ko ang mga hawak nya at tumango naman ito. Kita ko ang pagngiti ng lahat sa paghingi ko ng Yakult at Chuckie. Nag-crave tuloy ako doon. Kapag nakalabas ako dito bibili ako ng maraming gano'n at uubusin ko.

Binigay nya naman lahat sa 'kin. "Ba't binigay mo po sakin lahat ate Daisy?"

"Dahil sayo  naman talaga lahat yan, idinagdag ko lang ang chuckie dahil favorite ko rin yon. Kaso lang mukhang nagustuhan mo kaya sayo nalang, marami naman doon sa bahay ng ganyan. Nandun din ang mfa yakult at stick-o mo."

Nagtataka ko syang tiningnan. "Yakult at Stick-o ko po?" Tumango sya at ngumiti. "Wala po ba kayong dalang Stick-o dyan?"

Nagtawanan naman sila sa tanong ko. Hindi ko alam kung anong mali sa tanong ko o weird lang talaga sila, nakita ko si Hermes na tawa na rin ng tawa. Sa inis ko ay kinuha ko ang unan at malakas syang binato.

Natigil sila sa pagtawa at nagulat sa ginawa ko. "Nakakainis kayo! Pinagtatawanan nyo ko!"

"Hindi ko alam na matakaw ka." Sabi ni kuya Miguel.

"Oo nga, daig pa ako." Panggatong ni ate Lai.

"Ginugutom ni Hermes." Sabat ni ate Lou.

"Baka naman buntis?" Singit ni ate Sye.

"Ang labo naman nyan!" Si ate Daisy.

"Malabo talaga!" Sigaw naming dalawa ni Hermes.

"Hahahahhaha!!!" Tumawa ulit sila.

"Pwede po bang lumabas na kayo? Masyado po kasi kayong marami at napaka ingay nyo pa." Singit ng isang nurse sa tawanan nila.

Nagkamot ng ulo ang mga lalaki at ngumuso ang mga babae, naiwan si Hermes, ate Lai at kuya Shan sa clinic. Pansin ko pa din ang hindi nila pagkikibuan.

Si Hermes naman ay pinainom ako ng gamot at muling pinagpahinga. Mamaya raw ay pwede na akong umuwi.

Nextchapter.......

:)



The Possesive Section (Completed)Where stories live. Discover now